Gibo Teodoro ‘instant oppa’ sa South Korea, anyare!? 

Gibo Teodoro ‘instant oppa’ sa South Korea, anyare!? 

Gibo Teodoro

PAK na pak ngayon sa South Korea ang pangalan ni Department of National Defense Sec. Gilberto “Gibo” Teodoro, Jr..

Instant “oppa” ang turing ngayon kay Teodoro matapos kilalanin ng netizens sa Korea ang pagkondena niya sa “disrespecting” note galing sa China, kaugnay sa 2016 South China Sea Arbitration Award ng Pilipinas.

Nangyari ito sa naganap na Seoul Defense Dialogue nitong nagdaang September 8.

Naging usap-usapan sa nasabing dialogue ang pagsita ni Sec. Teodoro sa tinawag niyang “coercion,” “bullying,” at “aggression” ng China laban sa Pilipinas.

“This is actual coercion, bullying, and aggression. I will keep this paper as a memento of how desperate China is, and how ineffective its position is in the face of a free audience,” ang matapang na pahayag ni Teodoro.

Naibahagi rin ng opisyal ang mga kinakaharap na hamon ng Pilipinas dahil sa mga pinaggagagawa ng China kabilang na ang ilegal na pagtatayo ng kanilang presensya sa teritoryo ng bansa.

Kasunod nito, kumalat ang Instagram post ng South Korean content creator na si Sunhee Lee kung saan ibinandera niya ang papuri ng SoKor netizens kay Teodoro. 

Hirit ni Lee, “all over Korean news” na raw ang Kalihim dahil sa kanyang tapang at paninindigan para sa karapatan at ipinaglalaban ng Pilipinas.

Baka Bet Mo: Lakam wish na magkakaayos pa sila ni Kim Chiu sa kabila ng mga kaso

“The Korean people are supporting Teodoro, and like bashing Korea for like handing over that message. It was very unprofessional,” ani Lee.

Ipinost din ni Lee ang mga comments ng mga Koreano para kay Sec. Teodoro kung saan pinupuri at binabati ang Kalihim.

The post Gibo Teodoro ‘instant oppa’ sa South Korea, anyare!?  appeared first on Bandera.

Source link