Drag queens Khianna, Shae Shue K engaged na: YES NA YES!

Drag queens Khianna, Shae Shue K engaged na: YES NA YES!

ENGAGED na ang mga drag queens na sina Khianna at Shae Shue K noong Huwebes, November 5.

Ang masayang balita ng kanilang engagement ay ibinandera ni Shae Shue K sa kanyang Instagram kalakip amg mga larawan mula sa sorpresang marriage proposal.

Naganap ang proposal ni Khianna kay Shae Shue K habang nagtatanghal sila sa saliw ng kanta ni Ashe na “Stop The Wedding” sa CAKE by Brigiding sa Teatrino Promenade.

“YES NA YES Kent Ryan,” saad ni Shae Shue sa kanyang post.

Baka Bet Mo: ‘Drag Race PH’ queens may bagong ka-collab sa season 4

View this post on Instagram

A post shared by House Of Ding (Drag House of Stars) (@houseofding)

“Akala ko sa movie o teleserye lang to nangyayare sa totoong buhay din pala. Akala ko part lang ng performance, totohanan na pala,” pagpapatuloy niya.

Ipinagdiwang din ni Shae Shue K ang kanilang ikapitong anibersaryo bilang magkasintahan at ipinahayag ang kanyang pananabik na makasama si Khianna habang-buhay.

“Tandaan mo I’m always here for you. Mamahalin kita araw-araw and excited ako makasama ka habang-buhay. I LOVE YOU Huuuwaaay!” sabi pa ng drag queen.

Isa si Khianna sa mga naging kalahok sa ikatlong season ng “Drag Race Philippines,” kung saan nagtapos siya bilang runner-up habang si Maxie naman ang nagwagi sa naturang kumpetisyon.

The post Drag queens Khianna, Shae Shue K engaged na: YES NA YES! appeared first on Bandera.



Source link