BINARAG ng Box-Office director na si Darryl Yap ang mga bashers na nagpapakalat ng mga fake news sa social media.
May mga kumakalat kasing mga false information at hate comments patungkol sa kanyang mga proyekto, kabilang na ang kinakaharap niyang kaso kaugnay ng pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma.”
Ito’y sa gitna na rin ng successful horror movie niyang “VHS (Viva Horror Stories) na tatlong linggo na ngayong showing sa mga SM Cinemas.
Sa pamamagitan ng Facebook, ipinahatid ni Direk Darryl sa madlang pipol na huwag basta-basta maniniwala sa mga naglalabasang pekeng balita about him.
“Posting this, dahil maraming emote ang mga trolls at hate farms,” ang simulang pagbabahagi ng controversial filmmaker.
Pagpapatuloy ng matapang at palabang direktor, “Ako po ay patuloy na nakikipaglaban para sa aking pelikulang The Rapists of Pepsi Paloma; bukod sa ito po ay aking trabaho, ito ay aking karapatan.
“Ang 2 counts of Cyberlibel at P10,000 bail po na nauna nang naibalita last March 2025, kasama pa ng ibang detalye ay nasa korte pa rin hanggang ngayon,” aniya pa.
Babala naman niya sa publiko, “Mag-ingat po tayo sa mga bagong init na balita, ayaw ko pong sumaya ang aking mga bashers dahil lang sa maling impormasyon.
Baka Bet Mo: Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’
“Ngayong taon, kasabay ng tagumpay ng #LoveNGO at #VHS, Ako po ay nakatutok sa aking trabaho bilang manggagawa ng Pelikula, nagtatapos ng mga proyekto at ginagabayan ng kontrata.
‘Ngunit hindi tatahimik sa mga isyung panlipunan, kahit piso-tumpok na lang ang kaso laban sa mga kritiko ng gobyerno at ng mga back-up dancers nito.
“Maraming Salamat po.”
The post Darryl Yap tuloy ang laban sa ‘Pepsi Paloma’ movie; LoveNgo, VHS winner! appeared first on Bandera.
