USAP-USAPAN ngayon sa social media ang pagkakahuli ng netizens sa aktwal na comment ni Carlos Agassi sa larawan noong bata ni Shanaia Gomez.
Kalat na ngayon ang screenshot ng komento ng aktor sa isa sa mga posts na selfie ng dalaga noong March 2016.
Sa comment section, makikitang ang comment ng verified IG handle ni Carlos na “Wt city u in @shanaiatabuac [smiley]”
Agad ngang umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa madlang pipol ang naturang “resibo” niya na nagpapatunay na siya nga ang male celeb sa nagdaang video post ni Shanaia na panay ang kulit at tanong sa kanya kung kailan sila magkikita noong 14-anyos pa lang siya.
Baka Bet Mo: Shanaia Gomez pinormahan ng male celeb noong 14-anyos siya
“So paano mo ito ide-deny ngayon Carlos Agassi? HAHAHAHAppy na birthday mo pa!” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isa, “magtataka pa kayong p3do siya eh asawa nga niya malayong mas bata sa kanya.”
“Lagot ka sa asawa mo Carlos Agassi. Ikaw naman kasi eh,” sabi naman ng isa.
Hirit naman ng isa, “gagi HHAHAHHAHAHA digital footprint ka Sir.”
At dahil nga rito, mas lalong binatikos si Carlos dahil mas napatunayan lang na tama ang dalaga sa kabila ng mga naging pahayag ng aktor at asawa nitong si Sarina.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na reaksyon ang aktor hinggil sa “resibo” ng comment niya sa post ni Shanaia.
The post Comment ni Carlos Agassi sa old photo ni Shanaia Gomez naresibuhan appeared first on Bandera.
