BINALIKAN ng aktres at pole dancer na si Ciara Sotto ang naging isyu sa pagitan ng kanyang parents at ni Megastar Sharon Cuneta.
Kinumpirma ni Ciara na isa siya sa mga dahilan kung bakit nagkabati at nagkaayos si Ate Shawie at mga magulang niyang sina Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa.
Ayon kay Ciara, hindi naging madali para sa kanya ang maipit sa dalawang nag-uumpugang bato lalo pa’t may halong isyu ng politika ang naging ugat ng problema.
Parehong tumakbo at lumaban ang asawa ni Mega na si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan at si Tito Sen sa pagka-bise presidente noong 2022 national elections.
Ngunit hindi sila pinalad at tinalo ni Vice President Sara Duterte.
“May time na galit na lahat pero ako, okay fine galit ako, alam ko nagkaroon kami ng text exchange ni ate but I was very respectful, hindi ko siya kayang awayin.
“Yung dalawang ate ko, kaya nilang makipag-away kahit kanino. Ako, parang medyo duwag akong makipag-away,” ang pahayag ni Ciara sa panayam ni Bernadette Sembrano para sa kanyang YouTube vlog.
That time ay gustung-gusto na raw ni Sharon na bumisita sa bahay nila kahit kasagsagan pa noon ng kontrobersya, “It’s time na we have to forgive each other, hindi naman din magtatagal ‘yan din si mommy, hindi rin niya matitiis si ate.
Baka Bet Mo: Tito Sotto: Kung ako si Bato hindi na ako tatanggap ng sweldo
“Kaya nga siya hurt kasi sobrang mahal niya si ate, anak-anakan niya ‘yun, sa kanya lumaki,” saad pa ng anak nina Tito Sen at Tita Helen.
Pagkatapos ng mahabang palitan ng text message sa pagitan nina Ciara at Sharon, muli ngang nagkita ang kanyang nanay at si Mega na parehong naging emosyonal.
“So, nagkaroon kami ng text exchange, and at one point, gusto niyang pumunta sa bahay. Hindi yata sumasagot ‘yung dalawang ate ko, or baka may ginagawa sila, kaya ako ang sumagot. Sabi ko, “Sige, Ate, game. Punta ka, nandoon ako.
“Si mommy parang nakakita ng multo, sumigaw, umiyak, lahat pero naayos. Nag-usap sila, nag-sorry si ate kay mama. Si mommy, siyempre, maraming hinanakit, ang daming sinabi pero naayos sila,” pagbabahahi ni Ciara.
Kasunod nito, sumunod namang nagkita at nagkaayos sina Tita Helen at Sen. Kiko na nangyari mismo sa Senado.
Si Tita Helen mismo ang bumisita sa opisina ng senador. Kuwento ni Ciara, “Parang he couldn’t believe his eyes na si mama was walking in and he was having a meeting, iniwan niya ‘yung meeting, niyakap niya si mama.
“I think everything was God-ordained. My mom and my dad are very forgiving towards each other, towards other people kaya siguro sila bine-bless,” sey pa ni Ciara Sotto.
The post Ciara Sotto kay Sharon Cuneta: Hindi ko siya kayang awayin! appeared first on Bandera.
