Cianne Dominguez, Shea Valerio ipinagtanggol ng Star Magic sa bashers

Cianne Dominguez, Shea Valerio ipinagtanggol ng Star Magic sa bashers

NAGBABALA ang ABS-CBN talent management arm na Star Magic kaugnay sa mga negatibong komento na natatanggap ng mga “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” na sina Cianne Dominguez at Shea Valerio.

Sa inilabas nilang opisyal na pahayag nitong Biyernes, November 3, kinondena nila ang mga negatibong komento na ibinabato sa dalawa pati na rin sa ibang housemates.

“Star Magic strongly condemns the online bullying, harassment, and personal attacks directed toward Cianne Dominguez, Shea Valerio and other ‘Pinoy Big Brother’ housemates,” saad sa naturang pahayag.

Pagpapatuloy nila, “While public opinions and criticisms are part of reality television, they should never be an excuse for hate or cruelty.”

Baka Bet Mo: Cianne Dominguez sinita ng mga fans ni Jeo Ong, anyare!?

Hinihikayat rin ng Star Magic na maging responsable sa mga ibinabahagi sa social media.

“We encourage everyone to practice responsible social media engagement and remember that differences in opinion should always be met with respect and compassion,” dagdag pa nila.

Matatandaang kaliwa’t-kanan ang natatanggap nina Cianne at Shea dahil hindi nagustuhan ng mga fans ang ginagawa umanong backstabbing nila sa kapwa housemate na si Gehlee Dangca.

Samantala, hindi rin nagustuhan ng netizens ang ginawa ni Cianne kay Jeo nang sabihan niya ito na may mabahong hininga.

Samantala, nilinaw naman ng celebrity dentist na si Dr. Ralph Figaroa Delas Alas o si Doc RFD na fresh ang hiniga ni Jeo dahil siya ang nangangalaga ng dental health nito.

The post Cianne Dominguez, Shea Valerio ipinagtanggol ng Star Magic sa bashers appeared first on Bandera.

Source link