HALER, haler, haler mga ka-BANDERA! Lunes na naman kaya dapat start the week with a bang sa ating ChiKapalaran para sa nag-uumapaw na positive vibes!
As always, narito ang iyong resident charotera reader na magbibigay gabay sa iyong magulo ngunit makulay na life.
ARIES (March 21-April 19)
Try mo rin beshy na mag-smile for today’s video para ma-attract mo ang swerte at maetsapwera ang kamalasan.
Magiging successful ka rin after ng mga pinagdaanang challenges na hindi mo in-expect. Go lang nang go at matatanggap mo eventually ang inaasam na success!
Lucky Color: Sky Blue
Lucky Number: 9
Swerte Meter: 4 Stars
TAURUS (April 20-May 20)
May matatanggap na balita mula sa ibang bansa. Mukhang ito na ang pinakahihintay mong plot twist sa life story mo.
Huwag pansinin ang mga naninira at nambebengga sa ‘yo. Cool ka lang at ang universe na ang bahalang gumanti para sa yo.
Lucky Color: Brown
Lucky Number: 2
Swerte Meter: 5 Stars
GEMINI (May 21-June 20)
Yes, change is coming! I-welcome mo lang ang hindi inaasahang pangyayari sa iyong personal life dahil may magandang resulta iyan sa ending.
This week, magpaparamdam na ang taong matagal nang may feelings sa yo. Pero huwag munang mag-YES, need mong magpakipot nang ilang days para makilala mo siya kahit paano.
Lucky Color: Bloody Red
Lucky Number: 35
Swerte Meter: 4 Stars
CANCER (June 21-July 22)
Huwag ka nang mag-inarte, this is your chance na mabago ang boring mong life. Sunggaban ang offer ng iyong tropa na may konek sa negosyo pero huwag mag-invest nang bonggang-bongga. Test the waters ka muna.
Sundin ang itinitibok ng iyong puso at huwag nang matakot na magmahal uli. This is the perfect opportunity para maghilom ang sugatang puso.
Lucky Color: Yellow
Lucky Number: 1
Swerte Meter: 4 Stars
LEO (July 23-August 22)
Pera! Pera! Pera! Puro ka na lang pera. Besh hindi money ang laging solusyon sa mga problema! Kahit ba mataas ang inflation ngayon, may mga pagsubok na ang sagot ay aksyon at hindi ang pamimigay ng kaperahan.
Wala ka naman sa Philippines’ Richest People, besh! Mag-ipon ka para sa future mo dahil hindi sa lahat ng oras papaldo ka.
Lucky Color: Navy Blue
Lucky Number: 31
Swerte Meter: 3 Stars
VIRGO (August 23-September 22)
Grabe ang mga hugot mo sa life na hindi mo naman dapat pinoproblema! Keribels lang namang mag-rant sa social media pero super OA ka na besh!
Valid naman ang feelings mo pero huwag mo namang gawing personality dahil lagi kang pa-main character. Kung may isyu, communication is key. Pero kung wa epek talaga isuko mo na ang laban dahil mai-stress ka lang.
Lucky Color: Violet
Lucky Number: 2
Swerte Meter: 4 Stars
LIBRA (September 23-October 22)
Medyo lucky ka friend this week dahil posibleng matanggap na ang matagal mo nang wini-wish. Pero mag-ingat sa mga inggit-pikit dahil tatangkain nilang wasakin ka.
Itodo mo na ang energy mo this week sa work dahil may bonggang good news sa iyo si Boss!
Lucky Color: Lilac
Lucky Number: 19
Swerte Meter: 4 Stars
SCORPIO (October 23-November 21)
Lahat na lang gusto mong mapasaiyo. Hinay-hinay lang besh dahil hindi lang ikaw ang anak ni Lord.
Masyado kang maraming gusto sa buhay kaya hindi ka na nakukuntento sa blessings na dumarating sa life mo. Mapapahamak ka sa sobrang greed.
Lucky Color: Blue Green
Lucky Number: 27
Swerte Meter: 3 Stars
SAGITTARIUS (November 22-December 21)
Subukan mo ring magnilay-nilay sa mga hindi kagandahang nangyayari sa life mo ngayon. Bawasan ang pagiging tsismosa at Marites dahil iyan ang magpapahamak sa iyo.
Pero may matatanggap ka namang magandang balita mula sa isang kaibigan na matagal mo nang hindi nakikita. Pag-aralang mabuti ang magiging desisyon sa offer niya.
Lucky Color: Dark Brown
Lucky Number: 50
Swerte Meter: 4 Stars
CAPRICORN (December 22-January 19)
Gamitin ang natitirang vacation leave sa makabuluhang paraan. Siguruhing after mag-reflect ay ay may gagawin kang maganda para sa iyong kapwa.
Huwag matakot magkamali dahil dito magsisimula ang success mo. Tanggapin ang tulong ng isang kapamilya na nakaalitan noon.
Lucky Color: Light Green
Lucky Number: 4
Swerte Meter: 4 Stars
AQUARIUS (January 20-February 18)
Huwag munang ituloy ang pagre-resign? Kaunting tiis na lang at mabibigyan ka na ng promotion.
Yang career shift na pinag-iisipan mo ay hindi masyadong papabor sa iyo. Mas praktikal kung ipagpapatuloy ang nasimulang career sa pinapasukang kumpanya.
Lucky Color: Orange
Lucky Number: 13
Swerte Meter: 5 Stars
PISCES (February 19-March 19)
Super level up na talaga ang life mo ngayon besh! Sa wakas, hindi na ikaw ang batang umiiyak sa loob ng CR dahil nasabihan ng “never enough” ng boss mo. Keep slaying!
Sa pamilya, mag-ingat sa traydor na magpapahamak sa iyo sa hindi inaasahang pagkakataon.
Lucky Color: Pink
Lucky Number: 32
Swerte Meter: 4 Stars
Mga ka-BANDERA, palaging tandaan, ang mga nakasulat ay pawang gabay lamang. Pwede mong basahin, sundin, o balewalain.
Mayroon tayong freewill, gamitin natin ito! Gow!
The post ChiKapalaran (Nov. 16-22, 2026): Alamin ang iyong horoscope ngayong linggo appeared first on Bandera.
