Carla Abellana binira sa ‘pointless’ gender reveal post, inakusahang homophobic

Carla Abellana binira sa ‘pointless’ gender reveal post, inakusahang homophobic

HINDI nagustuhan ng ilang netizens ang naging Instagram story ng Kapuso actress na si Carla Abellana hinggil sa gender reveal.

Ni-reshare kasi ng aktres ang isang reels sa Instagram story kung saan “pointless” na raw ang pagdiriwang ng gender reveal.

“I think gender reveals [are] pointless nowadays. ‘OMG it’s a boy’ then 13 years later Nathan turns ‘Natasha,’” saad sa reels na mula sa Mitch Brothers na binahagi ni Carla.

Bagama’t walang kalakip na pahayag o komento ang pagbabahagi ng Kapuso actress ay hindi naman ito nakaligtas sa mga banat ng netizens.

Baka Bet Mo: Carla Abellana sa luxury bag: Pang-tuition ng magiging anak namin

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

May mga bumabatikos kay Carla dahil kahit na wala itong sinabi, ang ginawa niyang pag-reshare ay tila pagsang-ayon sa pahayag.

Ayon sa iba, tila homophobic ang naturang pahayag kaya nadawit na rin ang aktres sa pagkondena dito.

May ilan pa na nagsasabing tila nagpaparinig si Carla sa kanyang ex-husband na si Tom Rodriguez.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

“I think natawa lang si Carla sa memes kaya na-share niya sa myday niya hahaha.”

“Ang homophobic naman ng napili niyang reels. Nakakapangit ng pagkatao ang pagiging homophobic.”

“Carla kung nagpaparinig ka kay TR, huwag mo na idamay mga bakla. Kaloka ka.”

“Hirap talaga kapag nabibiktima eh. Hahaha. Ok lang yan te. Masaya naman na kayo.”

Samantala, wala namang inilabas na pahayag o paglilinaw si Carla sa kanyang shared reel.

The post Carla Abellana binira sa ‘pointless’ gender reveal post, inakusahang homophobic appeared first on Bandera.



Source link