WISH ng Kapuso actress at sexy comedienne na si Analyn Barro na tumagal nang mahabang panahon sa showbiz industry.
Passion talaga ng dalaga ang umarte sa harap ng mga camera at hindi raw niya ma-imagine ang sarili na titigil sa mga ginagawa niya ngayon as an actress.
“I will say this out loud na gusto ko talagang magtagal dito sa industriyang ito,” ang pagbabahagi ni Analyn sa panayam ng BANDERA.
Patuloy pa niya, “Aside from the fame or everything na parang gusto mong mag-skyrocket ang career mo, ako, gusto ko talagang magtagal.
“Gusto ko ng longevity. Gusto ko talaga na 10 years from now, actress pa rin ako. Umaarte pa rin ako. Ginagawa ko pa rin ito,” saad pa ng “Bubble Gang” star.
Sundot na tanong namin sa kanya, sino ang kanyang mga idol pagdating sa longevity ng kanilang career?
“Si Ate Jennylyn Mercado. Yes, siya talaga! And I always say it to her na, ‘Ate, alam mo, ikaw ang nilu-look up ko. Ikaw ang peg ko sa career.’
Baka Bet Mo: Patrick Garcia binoldyak ng manager ni Jennylyn: You’ll never earn my respect
“Kasi si Ate Jen, magaling sa romcom, magaling siya sa drama, magaling siya sa comedy. Iyon ang vision ko. Iyon talaga ang vision ko. As in, like, I’m saying this out loud, I look up to Ms. Jennylyn Mercado,” chika ng aktres.
Aside from acting, ano pa ang other skills o talent na gusto mong i-share sa madlang pipol?
“Since StarStruck baby naman po ako, marunong po akong kumanta nang kaunti, sumayaw, and everything.
“Pero mas gusto ko talaga acting. Iyon talaga ang gusto ko, na kahit isalang mo ako sa drama, comedy, o kontrabida, go, game, game! Kakainin ko ‘yan!” aniya.
The post Bubble Gang star Analyn Barro may rebelasyon kay Jennylyn Mercado! appeared first on Bandera.
