GIGIL much si Big Brother sa kanyang mga housemates sa “Pinoy Big Brother: Collab 3.0” dahil sa mga nagawang violations ng mga ito.
Na-bad trip na si Kuya sa mga Kapuso at Kapamilya housemates kaya nag-decide na siyang parusahan ang mga dahil sa kanilang mga “kasalanan.”
Inisa-isa ni Big Brother ang mga kailangan niyang parusahan at nanguna nga riyan si Mikee Quintos na may 5 violation, na sinundan ng Kapamilya housemate na si Nathan Garcia with 4.
Karamihan sa mga nagawa nilang violations ay ang pagsasalita ng walang lapel, violating confidentiality, at pagtulog nang mahigit sa itinakdang oras.
Baka Bet Mo: Calix Esguerra inispluk management ni Fyang, milyon inilalabas tuwing nominated?
“Housemates, sa ilang linggo niyong pananatili sa aking bahay nakita ko kung paano niyo paulit-ulit na nilabag ang alituntunin ng aking bahay.
“Nasa inyong harapan ang isang libro na nagtatala ng mga paglabag na inyong nagawa,” ang sabi ni Big Brother.
“Sa inyong lahat, dalawang housemates lang ang walang nilabag na alituntunin sa aking bahay. Kayo ‘yin Anthony (Constantino) and Lans (Nagal),” dagdag pa ni Kuya.
“Sa parusang ito kayo ay magiging pahina ng aking libro ng mga paglabag o Book of Violations,” sey pa ni Big Brother.
Habang suot ang tinatawag na “page,” hindi maaaring umupo o gamitin ng mga housemate ang kanilang mga kamay.
Dahil dito, kinailangan nilang umasa sa tulong nina Nagal at Constantino sa halos lahat ng kanilang ginagawa—mula sa pagkain at pag-inom hanggang sa pagsasampay ng kanilang mga damit upang matuyo.
Bago pa man ipataw ang naturang parusa, nagtungo na sa confession room ang housemate na si Jeo Ong upang humingi ng tawad kay Kuya.
Nangako rin siyang gagawin ang lahat upang hindi na muling lumabag sa mga patakaran at sisiguraduhing mapaalalahanan din ang kaniyang mga kapwa housemate na sumunod sa mga ito.
“Gusto ko lang po magsabi ng pasensiya na at sorry sa mga violations ko po at gagawin ko po ang best ko na hindi ko na ito magawa ulit kuya. Sorry po, Kuya,” sey ni Jeo.
The post Big Brother pinarusahan pasaway na housemates, Mikee Top 1! appeared first on Bandera.
