Bagong San Juan jail warden naglatag ng PDL concerns sa mga hukom

Bagong San Juan jail warden naglatag ng PDL concerns sa mga hukom

HINDI lang basta “hello” at courtesy call ang pakay ng bagong warden ng San Juan City Jail-Male Dormitory nang makipagkita siya sa mga hukom ng San Juan Hall of Justice.

Si JCINSP Edilberto Palmera, na kamakailan lamang pumalit kay JSUPT Erico Llamasarez bilang warden, ay nakipagpulong sa mga hukom nitong September 18 upang pag-usapan ang ilang mahahalagang usapin tungkol sa mga persons deprived of liberty (PDL) at mas mapalakas ang koordinasyon ng piitan at hudikatura.

Kabilang sa mga napag-usapan ang jail visits, kalagayan ng mga PDL na may karamdaman, isolation area, e-hearings, audio interference, pati na rin ang regular na updates sa mga PDL na maaaring makinabang sa paglaya sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Baka Bet Mo: San Juan City Jail todo-hakbang kontra droga; 113 sumailalim sa drug test

Sa pamamagitan ng naturang pagpupulong, layunin ng jail at hudikatura na mapabuti pa ang koordinasyon at mapabilis ang pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa mga PDL at sa proseso ng kanilang mga kaso.

tInaasahang makatutulong ang patuloy na komunikasyon ng dalawang panig para sa mas maayos na pagpapatupad ng mga proseso at mas mahusay na paghahatid ng serbisyo sa sistema ng katarungan.

The post Bagong San Juan jail warden naglatag ng PDL concerns sa mga hukom appeared first on Bandera.

Source link