Baby Giant may sariling bahay na, thankful kay Coco Martin

Baby Giant may sariling bahay na, thankful kay Coco Martin

NAKABILI ng sarili niyang bahay si Baby Giant o mas kilala bilang si Oweng sa “FPJ’s Batang Quiapo” kaya abut-abot ang pagpapasalamat niya kay Coco Martin dahil handpicked siya para sa karakter niya at parte siya ng Tropa ni Tanggol.

Inabot din ng tatlong taon si Baby Giant sa serye at kusa niyang pinapatay ang karakter niyang Oweng dahil hindi na niya kaya ang pagod at puyat sa tapings.

Naikuwento it oni Baby Giant sa “Unplugged” vlog ni Julius Babao na kaka-upload lang nitong Biyernes at umabot na sa 1.4M views.

Aniya, “Dapat sabay kaming mga tropa (mamatay lahat) ako lang ‘yung naiba sa amin kasi ang totoo no’n nagpaalam talaga ako.”

Nagulat si Julius, “Ahhh, nagpaalam ka?  Ano ang istorya no’n?”

Baka Bet Mo: Barbie Imperial ibinandera ang ‘boyfriend’, sino nga ba?

Oo nga naman ang dami-daming gustong mapasama sa mga program ani Coco Martin at nanalangin na sana hindi sila mawala dahil may regular silang pinagkakakitaan pero iba ang kuwento ni Baby Giant.

“Bumaba ‘yung immune system ko kasi nagpa check-up ako no’n kulang ako sa tulog, bumaba immune system ko, nagpa-palpitate ako, obesity ako no’n, ‘yun ang case ko at kailangan ko raw ng mahabang pahinga. Grabe talaga ang itinaba ko sobrang bilog na bilog ‘yung tiyan ko, eh,” kuwento ni Oweng.

Ang dahilan kaya tumaba si Baby Giant ay, “siguro kasi kain ako ng kain wala akong exercise (at) nakakapag-exercise lang ako pag takbuhan ang eksena.”

Tuwing Lunes, MIyerkoles at Biyernes ang taping ng Batang Quiapo kaya hindi nakakabawi ng tamang tulog si Baby Giant kaya kapag ang eksena ay takbuhan ay nagpa-palpitate siya.

“Lagi akong tsine-check ng medic kaya nagsabi ako sa producer ko tapos pinakita ko ‘yung medical (certificate) ko at nag-aprub naman sila,” kuwento ni Oweng.

Inamin din ng kilalang content creator turned actor na hindi siya nagdalawang isip na iwan ang Batang Quiapo kapalit ng health niya dahil hindi nito alam kung anong susunod na mangyayari sa kanya at bata pa siya sa edad na 24.

“Sabi ni direk Coco na may eksena kami at kung kaya ko pa na puwedeng burahin ‘yung eksenang ginawa na namin (patay siya).

“Tanong ni direk Coco, ‘kaya mo pa?  Kung kaya mo pa ‘yung kinunan nating namatay ka, babalewalain natin’ buhay ulit ako, e, tanggap ko na sabi ko,” natatawang kuwento ni Oweng.

Sa tatlong taon niya sa BQ ay nakaipon siya ng pambili ng bahay na may mga kasamang gamit na dahil ito ang pangarap niya para sa kanya at eventually makasama ang pamilya niyang nasa Antique.

“Sabi ko sa kanila (pamilya) na sa Pasko magsama-sama kami at makikita nila ‘yung bahay ko.  Sa ngayon kasi Tito ko ang kasama ko,” masayang sabi ni Baby Giant.

Bukod sa bahay ay nakabili rin ng sasakyan niya at motor ang aktor na nagagamit niya sa tapings noon pero ngayong wala na siyang regular serye ay ang pagiging content creator at live streaming ang pinagkakakitaan niya para sa araw-araw nitong pangangailangan.

At ngayong nakapagpahinga na siya ay open na ulit siyang mag-trabaho at sana mapasama siya sa Sigabo na umeere ngayon.

The post Baby Giant may sariling bahay na, thankful kay Coco Martin appeared first on Bandera.

Source link