Author: Merrel Briona

  • Against all odds: Vlogger from Poland, na-in love at pinakasalan ang dalagang Badjao

    Against all odds: Vlogger from Poland, na-in love at pinakasalan ang dalagang Badjao

    Isang dating chef sa London, United Kingdom ang Polish vlogger na si Damian Drazek.

    Noong 2010 ay nagretiro siya para tuparin ang matagal nang planong mag-travel around the world.

    Isa sa kanyang mga naging destinasyon ang Pilipinas.

    Sa April 11, 2022 episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) kung saan naging tampok ang story ni Damian, aminado siyang nabighani siya sa ganda ng ating bansa.

    Nalibot niya ang Cebu, Apo Island sa Negros Oriental, at Pamilacan Island sa Bohol.

    Pagbabahagi niya, “I fell in love from the very beginning when I came to the Philippines. I felt like I landed on another planet.”

    Minsang nasa Panglao Island sa Bohol, niyaya siya ng mga kaibigan na pasyalan ang Badjao Village.

    Ayon kay Damian, hindi kagandahan ang lugar at larawan iyon ng kahirapan. Isa iyong komunidad ng mga Badjao na karamihan ay kumikita sa panghihingi ng limos.

    Ngunit para sa kanya, naka-relate siya sa kalagayan ng mga Badjao roon dahil naranasan din niyang maging homeless.

    Aniya, “I felt like I could connect with people in that village.”

    NABIGHANI SA DALAGANG BADJAO

    Habang nag-iikot sa lugar at inire-record sa kanyang camera ang paligid, isang dalagang Badjao na nakilalang si Aico Ayrana ang nag-usisa kay Damian.

    Tanong sa kanya ni Aico, “Where are you going? What do you do here?”

    Na-smitten umano ang Polish vlogger sa mapanghalinang kagandahan ng dalagang Badjao.

    Paglalarawan ni Damian sa eksena nila ni Aico, “When I saw her face for the first time, I just felt like I wanted to stay there and have a conversation with her.

    “I really felt some kind of connection.”

    The feeling was mutual naman pala para kay Aico. “Nabigla po rin ako. Handsome po siya. Para po akong na-love at first sight.”

    Nagkakaintindihan sila sa pag-uusap dahil noong nag-aaral pa si Aico ay favorite subject niya ang English. Napilitan lang siyang huminto pagkatapos ng Grade 10 dahil sa hirap ng kanilang buhay.

    PAG-IIBIGANG AGAINST ALL ODDS

    Naging panay na ang dalaw ni Damian kay Aico mula noon.

    Kalaunan, naging sila na.

    Aminado sina Damian at Aico na hindi smooth-sailing ang kanilang relasyon at mayroon ding naging hadlang.

    Ayon sa Polish vlogger, dahil mas bata sa kanya si Aico, may nagsabi sa kanya na, “You are a pedophile.”

    Dagdag niya, “Some of my friends are saying, ‘Don’t do it. Are you crazy?’”

    Sa panig naman ni Aico, “Nahihiya ako sa sarili ko dahil iisipin ng mga tao, gold digger ako.”

    Pero paglilinaw ng dalaga, “Money can’t buy love.”

    Dumating din sa puntong nasasaktan ang dalaga dahil kahit boyfriend niya si Damian, hindi na ito lumalapit sa kanya.

    Sabi niya sa sarili, “Parang malabo na yun [relasyon]…”

    DAMIAN, AYAW MAGKAROON NG REGRETS 

    Ngunit after two weeks, isang bold decision ang ginawa ni Damian.

    Kuwento niya, “I decided that I’ll take the risk because I don’t want to be in a situation that at the end of my life, I will regret.”

    Napaluha naman sa tuwa si Aico dahil sa naging gesture ni Damian. “Nakikita mo na talaga siya, nagbalik na siya para sa iyo.”

    At nagdesisyon na silang magpakasal.

    Sinunod ni Damian ang Badjao tradition na pagbibigay ng “ungsod” o dowry nang hingin niya ang kamay ni Aico sa mga magulang nito.

    Kinabahan naman si Aico nang sa mismong araw ng kasal nila, dalawang oras na ang nakalilipas ay wala pa si Damian.

    Sa isip-isip niya, “Ano ba ito, darating ba siya o hindi?”

    Ayon naman kay Damian, hindi niya inakala na late na siya sa kasal.

    “But surely I will come.”

    Kaya makalipas ang ilang tense moments, natuloy ang kasal.

    “It was really magical, and I almost cried…” emotional na sambit ni Damian. “It felt amazing for me. One of the best experiences in my life.”

    Sambit naman ni Aico, “Mahal na mahal po. Age doesn’t matter, and age is just a number.”

    Sa ngayon ay plano ni Damian na ipagpatayo ng bahay ang kanyang misis. Isasama rin niya si Aico sa kanilang bansa para makilala ang kanyang parents, at magpakasal muli doon.

    Iisa lang ang kanyang hiling sa maybahay.

    “I hope that your pure heart will stay pure always. Reach your goals and your dreams, and you will use the power that you will have to influence your tribe and your family.”

    Nagpasalamat naman si Aico sa mister na sa kabila ng kanyang mga pinagdaanan ay tinanggap siya nito at piniling makasama habambuhay.

    Source link

  • 6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert! 

    6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert! 

    PHOTO: Courtesy of 6cyclemind

    Mahigit dalawag dekada na, pero parang walang kupas ang energy ng 6cyclemind!

    Present ang BANDERA sa 25th anniversary celebration ng banda, mula sa kanilang press conference hanggang sa bonggang concert na nagsilbing reunion at pasasalamat ng banda para sa kanilang mga tagahanga.

    Ipinagdiwang ng 6cyclemind ang kanilang silver anniversary sa pamamagitan ng isang espesyal na homecoming concert sa Eton Centris Activity Center sa Quezon City noong Sabado, September 12.

    Pagbukas pa lang ng concert, agad nang nagpakawala ng good vibes ang banda sa pamamagitan ng “Magsasaya.” 

    Baka Bet Mo: Tutti Caringal ng 6Cyclemind pinuna matapos kumandong sa babae habang nasa campaign rally

    Siyempre, hindi nagpahuli ang audience at mabilis na nakisabay sa kantahan.

    Sinundan ito ng iba pang paboritong 6cyclemind hits gaya ng “Paba,” “Biglaan,” “Prinsesa,” “Pangako,” “Basta Ako,” at “No Rewind.”

    Talagang balik-throwback ang eksena habang sabay-sabay na kinakanta ng fans ang mga awiting tila kabisado pa rin kahit ilang taon na ang lumipas.

    <iframe src=" width="500" height="671" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Pero hindi lang nostalgia ang puhunan ng 25th anniversary concert dahil sinamahan din ito ng mga espesyal na collaboration na nagpakitang patuloy na nakakatawid ang musika ng 6cyclemind sa iba’t ibang henerasyon.

    Naki-jam si Rye Sarmiento para sa “Gaya Ng Noon,” habang nakipagkantahan naman si Bino ng Sunkissed Lola sa “I” at sa massive streaming hit na “Pasilyo.”

    Lalong umingay ang venue nang umakyat sa entablado si Jet Pangan ng The Dawn para sa “Upside Down” at “Iisang Bangka Tayo.”

    Hindi rin nagpahuli si pop superstar Gigi De Lana na nakisaya sa banda para sa “Bonggahan” at “Sige.”

    Mas naging espesyal ang “Sige” dahil may surprise guest na si Chuck Isidro, dating miyembro ng 6cyclemind at producer ng kanilang paparating na album.

    At dahil hindi lang puro balik-tanaw ang handog ng banda, binigyan din nila ng silip ang fans sa kanilang mga bagong awitin.

    Kabilang sa mga bagong kantang ipinarinig nila mula sa kanilang upcoming album na nakatakdang ilabas ngayong taon ang “Hithit Buga,” “Di Na Babalik,” “Nagbago,” at “Huling Pagkakataon.”

    Syempre, hindi rin mawawala ang mga kantang naging paborito ng maraming Pinoy gaya ng “Kung Wala Na Nga,” “Alapaap,” “Kasalanan,” “Trip,” at “Sandalan.”

    <iframe src=" width="267" height="476" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share" allowFullScreen="true"></iframe>

    At kahit umulan sa venue, hindi iyon naging dahilan para tuluyang matapos ang saya.

    Sa halip na magsiuwian, nanatili ang mga concertgoer para makikanta, sumayaw, at makisaya sa anniversary celebration. 

    Sa halip na maging spoiler, naging dagdag-memorable moment pa ang ulan sa gabing puno ng musika at nostalgia.

    Hindi rin pinabayaan ng 6cyclemind na maging bahagi mismo ng selebrasyon ang kanilang fans.

    Ang unang 100 attendees ay nakatanggap ng exclusive 6cyclemind anniversary shirts at nagkaroon ng pagkakataong makipag-meet-and-greet sa banda.

    May videoke contest din kung saan pwedeng ibandera ng fans ang kanilang sariling bersyon ng mga paboritong OPM songs. A

    ng highest scorer ay nag-uwi naman ng cash prize.

    Nagpasalamat ang banda sa kanilang management, fans, at brands na patuloy na sumusuporta sa kanila sa iba’t ibang yugto ng kanilang career.

    “We are very thankful sa lahat na nandyan pa rin para sa amin: from our management, fans, and brands that continue to support us. Andito na kami sa age na we are enjoying the fruits of our labor,” saying banda.

    Anila, “We are lucky and grateful na, sa dami ng nangyari sa banda, natawid namin lahat ng ’to.”

    At kahit 25 taon na sila sa industriya, mukhang hindi pa rin nawawala ang excitement sa paggawa at pag-promote ng bagong musika.

    “The excitement is always there…Para pa din kaming bago na nag-promote ng kanta namin to a new audience,” wika ni manager at 6th member ng banda na si Darwin Hernandez.

    The post 6cyclemind pinasaya ang fans sa bonggang 25th anniversary concert!  appeared first on Bandera.

    Source link

  • Anne Curtis, isinapubliko ang suporta kay Vice President Leni Robredo

    Anne Curtis, isinapubliko ang suporta kay Vice President Leni Robredo

    Isang araw matapos ideklara ni Piolo Pascual na ang kandidatura ni Leni Robredo bilang pangulo ng Pilipinas ang kanyang sinusuportahan para sa eleksyon sa May 9, 2022, isinapubliko ni Anne Curtis sa pamamagitan ng Instagram post na ang bise presidente rin ng bansa ang presidential aspirant na tinatangkilik niya.

    Read: Piolo Pascual, Regine Velasquez declare all-out support for Leni Robredo

    Ginamit ni Anne ang bulaklak ng rosas na tanim umano ng nanay niya bilang simbolo ng kanyang pagsuporta kay Robredo.

    Bago kinumpirma ni Anne na si Roberdo ang presidente niya, nag-post siya sa kanyang social media pages ng Luv-Anne, ang pamagat ng comeback concert ng 37-year-old actress na magaganap sa June 11 sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World Manila, Pasay City.

    “Hitting two birds with one stone” ang announcement ni Anne tungkol sa suporta nito kay Robredo dahil sa pagagamit niya ng hashtag na “Luv-AnneLeni” para mabanggit din ang titulo ng kanyang concert.

    “Yan ang tawag sa rosas na ito. My mum planted this rose in her garden & how apt it is for this time… dahil ang pangarap ko sa ating bansa ay magkaroon ng ilaw sa ating tahanan na tinatawag nating Pilipinas na gagabay, ipaglalaban, proprotektahan at mamahalin ito…mamahalin tayo…

    Kaya para sa akin, #KulayRosasAngBukas #LetLeniLead#LuvAnneLeni,” social media announcement ni Anne tungkol sa kanyang paniniwala na si Robredo ang karapat-dapat na susunod na pangulo ng Pilipinas.

    [instagram:

    [ArticleReco:{“articles”:[“164996″,”164998″,”164990″,”164989”], “widget”:”Hot Stories”}]



    Source link

  • Nikki Valdez sa ilang beses na breakup: Ang daming itinuro sa akin

    Nikki Valdez sa ilang beses na breakup: Ang daming itinuro sa akin

    Nikki Valdez, Luis Garcia at Olivia Ysabelle

    MALAKING bahagi ng pagiging asawa at nanay ngayon ni Nikki Valdez ang mga naranasan niya noong pagkasawi sa pag-ibig.

    Pinasalamatan ng award-winning Kapamilya actress ang kanyang past experience sa pakikipagrelasyon dahil mas tumatag at mas naging matapang pa siya sa buhay.

    Nakachikahan ng BANDERA at ilan pang piling members ng showbiz media si Nikki sa naganap na Star Magic Spotlight presscon kamakailan.  

    Napag-usapan doon ang upcoming stage play ng Teatro Kapamilya at PETA Plus na “The Art of Breaking Up” kung saan isa sa cast members si Nikki. 

    Natanong ang aktres tungkol sa kanyang sentiments when it comes to breakup, “Dati nu’ng hindi pa ako masyadong natututo sa mga break-up ko, I would think that jumping to the next relationship would be the best answer. 

    “Akala ko the next person would make me happy,” paliwanag ni Nikki.

    “I have to thank yung pain na naranasan ko from my past relationship because ang dami niyang itinuro sa akin, and I wouldn’t be the strong person now kung hindi ko naranasan yung mga yun,” aniya pa.

    “Embracing the pain and learning from the experience” is the key para makapag-move on sa heartbreak.

    Baka Bet Mo: Nikki Valdez 5 years naka-share ng dressing room si Gloria Romero

    “Allow the pain first, acknowledge it. Allow your journey na maranasan yun lahat yun and then learn from it kasi wala naman ibang makakatulong sa ‘yo kundi ang sarili mo,” sey ng aktres.

    Super happy ngayon si Nikki sa piling ng kanyang asawang si Luis Garcia kasama ang anak niyang si Olivia Ysabelle.

    Samantala, gumaganap si Nikki bilang si Lou sa “The Art of Breaking Up” at isa lamang siya sa napakaraming cast ng play.

    “Kaya marami kami, it comes in vignettes, ‘yung ipi-feature niya ‘yung per story of a breakup, but the characters are somehow connected. Basta maganda siya, ‘yung web ng characters,” chika ni Nikki.

    Ang “The Art of Breaking Up” ay sa panulat ni late George de Jesus III at mula sa direksyon ni Dudz Teraña. Mapapanood ito mula November 6 hanggang December 6, 2026, sa PETA Theater Center.

    Kasama rin dito sina Jake Cuenca, Janella Salvador, Yen Santos, Bibeth Orteza, Carlitos Siguion-Reyna, at Ruby Ruiz. 

    Nasa play din sina Teroy Guzman, Brent Manalo, JC Alcantara, Anna Luna, Analain Salvador, Jel Tarun, Yesh Burce, at AJ Sison.

    The post Nikki Valdez sa ilang beses na breakup: Ang daming itinuro sa akin appeared first on Bandera.

    Source link

  • Jason Abalos nanggigil sa may plunder case, binarag mga doktor

    Jason Abalos nanggigil sa may plunder case, binarag mga doktor

    Jason Abalos at Martin Romualdez

    HINDI na rin nakapagpigil ang aktor at provincial board member ng Nueva Ecija na si Jason Abalos na ilabas ang galit sa malawakang korapsyon sa pamahalaan.

    Naglabas ng saloobin si Jason sa pamamagitan ng social media tungkol sa mga opisyal ng gobyerno na inaakusahan ng plunder o pandarambong.

    Walang binanggit na pangalan ang aktor ngunit pinaniniwalaang may kaugnayan ito kay dating House Speaker Martin Romualdez na napabalitang maraming iniindang karamdaman matapos isilbi ang arrest warrant laban sa kanya dahil sa kinakaharap na plunder case. 

    Mababasa sa Facebook post ni Jason nitong nagdaang Lunes, September 14, “Don sa mga doctor na nang iimbento ng sakit para sa may plunder case, ikina proud kaya ng pamilya niyo yan?

    “Bilyong piso ang pinag uusapang kaso niyan, nakakahiya naman don sa nakulong na nagnakaw ng sardinas para napakain ang pamilya,” aniya pa.

    Bago dalhin sa Male Dormitory ng Bureau of Jail Management and Penelogy (BJMP) sa Payatas, Quezon City, naratay muna sa Philippine General Hospital (PGH) si Romualdez. 

    Baka Bet Mo: Vice Ganda mas dumami pa ang endorsement matapos lumaban sa korapsiyon

    Ito’y matapos siyang ma-diagnose ng “major depression with anxiety”. Ngunit nang bumuti na ang kalagayan ng kongresista ay iniutos na ng Sandigbayan na dalhin na siya sa Quezon City Jail. 

    Sinampahan ang dating House Speaker ng kasong plunder, isang non-bailable na kaso, dahil sa pagkakasangkot umano sa anomalya sa flood control projects na nagkakahalaga ng P7.4 billion.

    The post Jason Abalos nanggigil sa may plunder case, binarag mga doktor appeared first on Bandera.

    Source link

  • Romnick Sarmenta nanindigan, hindi tulong ang Pax Silica sa Pinas

    Romnick Sarmenta nanindigan, hindi tulong ang Pax Silica sa Pinas

    Romnick Sarmenta

    NANINDIGAN ang award-winning actor na si Romnick Sarmenta sa kanyang posisyon hinggil sa isyu ng Pax Silica sa Pilipinas. 

    Naniniwala ang seasoned actor na hindi fair ang magiging pakinabang ng mga Pilipino sa planong pagtatayo ng Pax Silica sa bansa. 

    Sa ibinahaging video ni Romnick sa kanyang X account, ipinagdiinan niyang matagal nang sinasabing masikip, watak-watak at overpopulated na ang Pilipinas. 

    Pero bakit pa raw pipiliin ng mga foreign investors ang Pilipinas para magtayo ng data centers ng Pax Silica at hindi sa mas malaki at asensadong mga bansa.

    “Sabi nila, ang bansang Pilipinas ay maliit, masikip, watak-watak na mga isla, at overpopulated. So ang tanong ko, bakit dito itatayo ‘yong Pax Silica na data centers?” simulang punto ng aktor. 

    Patuloy niya, “Bakit hindi sa mga bansa ng mga foreign proponents kung saan mas malawak at wala sigurong madi-displaced na indigenous people at mga magsasaka?

    “Kasi kung sasabihin nila na pagtutulong iyon at gusto nilang makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino, puwede naman nilang itayo sa mga bansa nila. 

    Baka Bet Mo: Romnick Sarmenta naglabas ng saloobin sa pamamaril ng mga menor de edad

    “Tapos i-open nila ‘yong employment para sa mga qualified Filipinos,” saad pa niya. 

    Katwiran pa ni Romnick, “Alangan naman construction worker lang tayo tapos iba ‘yong makikinabang. Ganoon ba ‘yong usapan? 

    “Hindi ko alam. Marami akong hindi alam, marami pa akong dapat na matutunan at pag-aralan,” sey ng beteranong aktor. 

    Banat pa ni Romnick, hindi nangangahulugan ng tulong para sa mga Pilipino ang paggamit ng mga foreign investors ng natural resources, pagpapatag ng kabundukan, planong pagputol sa mga puno, at pagpapalayas sa mga katutubo at magsasaka ng Pilipinas sa kanilang lupa. 

    “Pero ang malinaw sa akin, hindi pagtulong ‘yong natural resources natin ang gagamitin, lupa natin ang gagamitin, papatagin ang mga bundok, puputulin ang mga puno, tatanggalan ng lugar ‘yong mga magsasaka at saka ‘yong mga indigenous people, tapos tulong ‘yon sa atin? 

    “Paano ‘yon naging tulong sa atin? Hindi malinaw, e,” sabi pa ng aktor. 

    Noong nakaraang buwan, lantaran nang tinutulan ni Romnic ang Pax Silica. Aniya, hindi kailangan ng Pilipinas ang Artificial Intelligence (AI) center hubs. 

    The post Romnick Sarmenta nanindigan, hindi tulong ang Pax Silica sa Pinas appeared first on Bandera.

    Source link

  • Gary Estrada, uulit pa kaya pagkatapos maranasan ang lock-in taping?

    Gary Estrada, uulit pa kaya pagkatapos maranasan ang lock-in taping?

    Ang kagustuhang maranasan ang lock-in taping ang pangunahing dahilan kaya tinanggap ni Gary Estrada ang Raising Mamay, ang upcoming afternoon drama series ng GMA-7.

    Bilang artista, ayaw ni Gary na makalampas ang pagkakataong masubukan ang lock-in taping kaya nakita niya nang personal ang mga advantage at disadvantage nito.

    Saad niya, “Gusto kong masubukan ang lock-in taping. I haven’t experienced it yet so I wanna try it.

    “At least, masasabi ko na bilang artista, nakapasok ako sa lock-in taping.

    “Ayokong malampasan yung oportunidad na yun dahil siguro, sa mga artista, isa ako sa mga hindi nakasubok ng lock-in taping.

    “So, I’m curious, bakit hindi ko subukan?”

    Patuloy ni Gary, “Mahirap dahil, unang-una, malayo ka sa pamilya mo.

    “Pangalawa, there are rules na kailangan mong sundin na hindi natin nasubukan noong tayo ay nasa normal na proseso ng taping.

    “But it’s good kasi kahit papaano, nakakapag-concentrate ka dahil lahat ng kailangan nandiyan. Parang nag-shooting ka katulad ng lumang estilo ng shooting.

    “Kumbaga, kapag nag-location kayo, nandoon lahat, nandoon yung mga kailangan.

    “Yun lang, ito yung pinakamatagal [na panahon] na nalayo ako sa pamilya ko. Medyo dumadapo na rin yung lungkot, dumadapo na yung lahat ng iniisip mo.

    “May mga naiiwan kang gawain sa Manila, nandoon yung pamilya mo.

    “Masaya naman na may kahalong kalungkutan.”

    Inamin ni Gary na na parang mahihirapan na siya kapag lock-in taping pa rin ang sistema ng susunod na project na iaalok sa kanya.

    GARY ON WORKING WITH FAMILY MEMBERS

    Nagsimula ang showbiz career ni Gary noong 1991, at mahal na mahal niya ang propesyong kanyang binabalik-balikan lalo na ngayong mga artista na rin ang mga miyembro ng pamilya nila.

    “I miss this job,” sabi ni Gary.

    “Isa sa mga dahilan kung bakit gusto kong mag-artista dahil yung aking anak, si Kiko Estrada, e, medyo nag-artista na rin at kahit papaano, nagkakaroon na rin ng pangalan.

    Si Kiko ay anak ni Gary sa dati niyang karelasyong si Cheska Diaz.

    Patuloy ng aktor, “Yung anak ni Katherine [Gary’s sister], si Rob Gomez, very curious ako na balang-araw, nangangarap ako na makasama sana sila sa isang pelikula.

    “Pero yun nga, parati akong inaalok na makasama sila.”

    Isiniwalat ni Gary ang nararamdamang takot kaya ayaw niyang makatrabaho ang kanyang pamilya.

    “Natatakot kasi ako. It’s too close to home para sa akin na makatrabaho sila.

    “Kahit ang asawa ko, hindi ko kaya na katrabaho,” pagtukoy niya sa kanyang misis na si Bernadette Allyson.

    “Hindi ko kaya umarte sa harapan nila. Kumbaga, gusto ko, lahat ng ipapakita ko sa kanila, e, totoo.

    “Minsan ko lang sinubukan na makatrabaho ang asawa ko, nasaktan ko.

    “Although our marriage is not that perfect, pero ‘yan ang iniiwasan ko, ang makasakit, lalo na kapag mahal mo ang iyong maybahay, natatakot ako. I don’t want her to have that impression.

    “Minsan ko nang nagawa, ayoko nang maulit.”

    Hindi binanggit ni Gary ang proyektong tinutukoy niya na magkasama sila ng kanyang asawa na si Bernadette, pero may isang eksenang kailangang magwala siya.

    Naging makatotohanan ang pag-arte ni Gary kaya hindi sinasadyang nasaktan niya si Bernadette na natulala umano dahil sa kanyang inasal, isang insidente na ayaw nang maulit ng 50-year-old actor.

    [ArticleReco:{“articles”:[“164998″,”164996″,”164990″,”164989”], “widget”:”Hot Stories”}]

    Source link

  • Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family

    Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family

    Ogie Diaz, Chloe San Jose at Carlos Yulo

    BILANG magulang, naglabas ng saloobin ang talent manager at host na si Ogie Diaz tungkol sa isyu ni Carlos Yulo sa kanyang mga magulang.

    Muling nabuhay ang kontrobersiya sa pamilya ng two-time Olympic gold medalist nang lantaran niyang sabihin na hindi niya iimbitahan ang kanyang parents sakaling magpakasal na sila ni Chloe San Jose.

    Bukod pa rito ang pakikipagbardagulan ni Chloe  sa nanay ni Caloy na si Angelica Yulo at sa lola nitong si Angelita Poquiz sa social media.

    Sa kanyang Facebook account, nag-share si Mama Ogs ng kanyang nararamdaman sa sigalot sa pamilya Yulo na pinagpipiyestahan na naman ng mga Marites.

    Ni-repost niya ang isang artcard kung saan mababasa ang sinabi ni Carlos na hindi nga invited sa kasal nila ni Chloe ang mga magulang.

    “Pag quote card lang at walang kumpletong konteksto, mami-misinterpret at kasusuklaman mo sina Carlos at Chloie.

    “Pero kung nakasubaybay ka sa pamilya ni Carlos Yulo, mage-gets mo kung saan nanggagaling ang mga poot nila sa dibdib. Yung nanay at tatay kay Carlos. And vice versa,” simulang komento ni Ogie.

    Baka Bet Mo: Chloe barag sa lola ni Carlos, sanay na sanay daw dumila kaya nababaliw apo

    Pagpapatuloy niya, “Malungkot ito para sa isang pamilya. Lalo na at maraming marites ang humuhusga. Labanan nga ng Gen X, Millenials and Gen Zs sa pagtrato sa sitwasyon. 

    “At the end of the day, wala naman tayo sa bahay nila nung mga bata pa ang mga batang yan. 

    “Hindi rin natin alam kung ano dynamics nila at kung paano maging magulang itong nanay at tatay niya. So preno muna sa panghuhusga,” sabi pa niya.

    Ayon pa kay Ogie, may nagtanong daw sa kanya na isang kaibigan kung nai-imagine ba niyang gagawin din sa kanya ang ganu’n ng mga anak niya.

    “Ang sagot ko: hindi. Kasi alam ko, maayos namin silang pinalaki. At kung dumating ang time na sabihin ng mga anak o kung sinuman ang magpapakasal sa kanila na. ‘Daddy, pwede kami na lang sa kasal? Di na po namin kayo ii-invite?’

    “’Okay lang, nak. Kung anong trip nyo. Tapos na naming i-design ng mama nyo ang buhay nyo. It’s about time, kayo naman ang bumuo ng gusto nyo sa buhay.’

    “’Importante lang, bubukod na kayo, wag kayo sa bahay ko, kasi choice nyo yan.’

    “‘At sa araw ng kasal nyo na hindi kami invited ng mama mo, dapat, wala rin ang parents ng mapapangasawa mo doon. Para mas maintindihan ko ang trip nyo.’

    “’Saka wag din kayo makahingi-hingi ng regalo sa akin.’ Charot. Gumanti bigla?! Hahaha!

    “But seriously, di rin naman matitiis ng magulang ang anak. At sana, alam nila yan hindi pa man sila nagiging magulang.

    “Comment below, baka mali ako,” pagwawakas ni Mama Ogs.

    The post Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family appeared first on Bandera.

    Source link

  • VIDEO: Alvin Dave Ocampo, from dressing up Barbie dolls to legit fashion designer

    VIDEO: Alvin Dave Ocampo, from dressing up Barbie dolls to legit fashion designer

    Meet Alvin Dave Ocampo, dating doll enthusiast na isa na ngayong ganap na fashion designer.

    Nakilala si Alvin dahil binibihisan niya ang mga Barbie doll ng mga replica ng mga damit ng mga artista.

    Dahil dito, nakuha niya ang atensiyon ng mga artista at kilalang fashion designers, gaya nina Michael Cinco at Francis Libiran.

    wrong college course

    Bagama’t Tourism Management ang kinuhang kurso ni Alvin sa kolehiyo, aminado siyang napilitan lang siyang kunin ito.

    Fashion designing ang talagang gusto niyang kuning kurso ngunit sinabihan siya ng kanyang magulang na “hobby” lang ang fashion designing at hindi tunay na trabaho.

    Sa kabila nito, nanatili ang kanyang passion sa fashion designing.

    Nagmistulang training para sa kanya ang pag-i-sketch ng gowns at dresses at pagbibihis sa Barbie dolls.

    Hindi kalauanan, marami na ang nakakapansin ng kanyang talento at galing.

    Dumating pa sa puntong sa kanya na nagpagawa ng disenyo ng uniform ang kanilang kolehiyo.

    CELEBS START TO NOTICE HIM

    Hindi huminto sa kanyang mga kaibigan, mga kaklase, guro, at buong pamantasan nila, ang paghanga na natatamo ni Alvin.

    Hindi katagalan, napansin na rin siya ng mga artista’t kilalang fashion designers. 

    Nagkaroon na rin siya ng kliyente at sinuportahan na ng kanyang mga magulang ang pangarap niyang maging fashion designer.

    Matapos mag-college, kumuha ng Fashion Design course si Alvin dahil nandito ang kanyang puso.

    Unti-unti na ring nakikilala ang kanyang talento na nagsimula lang sa paglikha ng mga damit para sa mga manyika. 

    Ngayon, gumagawa na siya ng magagandang gowns at dresses para na sa mga tao.

    [ArticleReco:{“articles”:[“164760″,”164610″,”164292″,”160088”], “widget”:”Hot Stories”}]

    #AlvinDaveOcampo #AnoAngKuwentoMo #PEPinspires #BarbieDollDresses #FashionDesigner

    Producer/Writer: Bernie Franco
    Offline Editor: Carlo Dominguez
    Online Editor/Voice: John Henri Mariano

    Know the latest in showbiz on

    Subscribe to our YouTube channel!

    Follow us!
    Instagram:
    Facebook:

    Twitter:

    Visit our DailyMotion channel!

    Join us on Viber:

    Watch us on Kumu: pep.ph



    Source link

  • NEW ERA: Rochelle Pangilinan co-producer ng ‘Mama Mama’ ng SexBomb

    NEW ERA: Rochelle Pangilinan co-producer ng ‘Mama Mama’ ng SexBomb

    Rochelle Pangilinan at SexBomb Girls

    MAKALIPAS ang dalawang dekada, opisyal nang nagbabalik sa music scene ang SexBomb Girls sa kanilang pinakabagong single na “Mama Mama.” 

    Isa na naman itong isang espesyal na kabanata para sa iconic group at mahalagang milestone para sa founding member at leader na si Rochelle Pangilinan, na ngayon ay nagsisilbi rin bilang co-producer.

    Huling nag-ingay nang husto sa music scene ang SexBomb Girls sa pamamagitan ng mga album gaya ng “Sumayaw, Sumunod: The Best of the SexBomb Girls” noong 2005 at “Daisy Siete: V-Day” noong 2006. 

    Ngayon, makalipas ang halos 20 years, nagbabalik si Rochelle hindi lang as a performer kundi bilang bahagi rin ng creative force sa likod ng kanilang pinakabagong musical offering.

    Para kay Rochelle, ang “Mama Mama” ay patunay kung gaano na kalayo ang kanyang narating bilang isang artist—mula sa pagiging isa sa mga nagbigay-kahulugan sa SexBomb era hanggang sa pagyakap niya sa mas malaking papel sa likod ng kamera bilang isang producer.

    May kasama ring music video ang bagong single ng grupo kasama ang mga sumisikat na P-pop acts ngayon. 

    Baka Bet Mo: Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia may iringan nga ba?

    Pinagdurugtong nito ang dalawang henerasyon ng musikang Pilipino habang ipinagdiriwang ang matibay na samahan ng grupo, ang walang kupas nilang appeal, at ang kanilang pangmatagalang legacy. 

    Mula nang ilabas ang music video ng “Mama Mama”, nakakuha na ito ng 2 million views, na nagpapatunay na patuloy pa ring kinagigiliwan ng mga manonood ang SexBomb Girls hanggang ngayon.

    Sa pamamagitan ng “Mama Mama,” pinatunayan nina Rochelle at ng SexBomb Girls na may mga bagay na mas bumobonga at nagiging exciting habang tumatagal. 

    The post NEW ERA: Rochelle Pangilinan co-producer ng ‘Mama Mama’ ng SexBomb appeared first on Bandera.

    Source link