Author: Merrel Briona

  • The details of Marian Rivera's PHP 2.7 million monochromatic silk OOTD

    The details of Marian Rivera's PHP 2.7 million monochromatic silk OOTD

    Marian Rivera made sure to dress up extra nicely for her fans who were present at the launch of her latest endorsement with Kamiseta Skin Lotion.

    The event was held last Saturday, April 9, 2022, at Salon De Ning in The Peninsula Manila Hotel, Makati City.

    The Kapuso Primetime Queen invited some of her fans to the launch, as a way of thanking them for their unwavering love and support. She had not seen her fans in person for over two years because of the COVID-19 pandemic.

    Marian looked extra luxe in her monochromatic OOTD for the event. She wore a muted gold silk midi dress from the Australian brand Shona Joy.

    This dress, which is called La Lune Bias Sleeveless Midi Dress, is available on the brand’s website for USD295 or around PHP15,375.25.

    Asked how she usually prepares for an event, Marian said, “Ako kasi yung tipong tao na kinukuha ko yung schedule ko ahead of time.

    “So kapag may mga event kami, may stylist ako, si Mel, inaayos na namin iyan.”

    Melville Sy has been Marian’s go-to stylist for several years. He has recently established Studio 24c, a fashion styling and lifestyle consultancy which he co-founded with celebrity stylist Maita Baello.

    Marian revealed that she’s currently “in love” with silk, and that’s what her fans would most likely see her wearing to her future events.

    She said, “‘Tapos ang maganda diyan kasi, sinasabi ko na, ‘Ay, more on silk ako ngayon e. Hindi ko alam, in love ako sa silk lately. So yan ang mga ginagawa namin.”

    [instagram:

    She paired her silk dress with a pair of YSL Furry Mules, which come with a price tag of USD1,195 or around PHP62,265.48 at luisaviaroma.com.

    Marian also brought her beige-colored small Chanel classic double flap bag. 

    Chanel’s medium classic double flap bag in beige caviar leather with gold-tone hardware is currently priced at USD11,250.00 or around PHP586,248.75 on MadisonAvenueCouture.com.

    For her accessories, Marian wore her Bvlgari Divas’ Dream Collana necklace in white gold with diamonds.

    The necklace was initially launched in 2016 and is currently available on the brand’s website for EUR21,600 or around PHP1.22 million.

    PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) also spotted Chaumet’s Bee My Love bangle on Marian’s wrist, along with her Spiral Pavé Diamond Bangle from Graff.

    The Chaumet’s white gold Bee My Love bangle is available on the brand’s website for GBP4,940 or around PHP335,372.62.

    The white gold Graff Spiral bangle with diamonds, on the other hand, comes with a price tag of USD12,000 or PHP624,540, according to the brand’s website.

    Marian’s huge diamond stud earrings and diamond rings also added sparkle to her monochromatic OOTD.


    Marian’s overall OOTD has an estimated cost of at least PHP2.7 million.

    It’s no surprise that the Kapuso Primetime Queen can afford these luxury items since she works hard for them. 

    “Dugo’t pawis po,” Marian humbly said during the interview.

    NEW FLORA VIDA COLLECTION

    Meanwhile, Marian confirmed to PEP.ph that she will be releasing another clothing collection under her lifestyle brand Flora Vida.

    The Kapuso mom promised that she would release her new collection after she does a photoshoot for it.

    She told PEP.ph, “Meron na! Hindi ko lang masingit yung schedule ko kasi ang dami ko lang schedule this month. Ayan o, tinatalakan ko si Jerick sa schedule ko. So ano, meron na.”

    Asked what fans can expect from her clothing collection this time, Marian answered, “This time naman, kung parang before mga plain, this one is florals.”

    Marian launched her clothing line on Friday, November 5, 2021. Her PHP10,000 monochromatic dress collection was a hit and was even sold out after just three days.

    READ MORE:

    • Marian Rivera’s PHP10,000 Flora Vida dresses are almost sold out
    • Marian Rivera glows in her first-ever public appearance this 2022

    [ArticleReco:{“articles”:[“164954″,”164825″,”164375″,”164142”], “widget”:”Hot Stories”}]



    Source link

  • Robin Padilla natatakot sa masamang epekto ng AI sa kabataan 

    Robin Padilla natatakot sa masamang epekto ng AI sa kabataan 

    Robin Padilla

    NATATAKOT si Sen. Robin Padilla sa mga magiging epekto sa kabataan ng paggamit ng Artificial Intelligence o AI.

    Ito ang inihayag ng action star at public servant sa naganap na pagdinig ng Senado hinggil sa lumalaganap at lumalawak na diskusyon hinggil sa usaping AI.

    Sa interpelasyon ng isinusulong ni Sen. Robin na Senate Bill No. 2424 o “Child Online Safety and Protection Act” sa plenary session ng Senado nitong Lunes, September 14, nagsalita nga si Sen. Risa Hontiveros. 

    Hiningan niya si Padilla ng opinyon kaugnay ng Generative AI, partikular sa mga Chat GPT, Claud, Deep Seek, na madali nang naa-access ng kabataan. 

    Nabanggit din ni Hontiveros ang mga kaso tungkol sa paggamit ng Generative AI upang lumikha ng mga bomba, gamitin sa child sexual abuse at exploitation materials. 

    Sagot ni Padilla, “Sa katunayan, sa akin pong mismong personal na Facebook account, nandiyan po ‘yong aking takot na talagang ‘yong AI po ngayon, isang isyu rin po iyan na sa Estados Unidos. 

    “‘Yong mismong nag-imbento po ng AI ay sinasabi nila na darating ang panahon, na threat sa humanity ang AI,” anang aktor at senador.

    Baka Bet Mo: TINGNAN: Ilang Pinoy celebs kumasa sa viral AI ‘80s trend

    Sa kasalukuyan, gumagawa na raw ang kampo ni Padilla ng resolusyon kaugnay sa isyu ng AI sa bansa at sana raw ay mapunta sa pagdinig ng komiteng hinawakan niya na Committee on Public Information and Mass Media kapag inilabas na nila ito. 

    “Kami po ngayon ay nagpo-formulize ng isang resolution patungkol dito at ito po ay idudulog ko rin sa Senado, na sana po ang resolution na ito, kapag binigay namin ay mapunta rin po sa Public Information (Committee) ang pagdinig po dito,” saad ng mister ni Mariel Rodriguez. 

    “Ito pong Chat GPT na ito, naging isyu na rin po ito kung maalaala ninyo sa Supreme Court. Ito po ay kinatakutan nila dahil ang atin pong mga bagong abogado at mga nag-aaral, nagre-rely na diyan.

    “At alam n’yo naman ‘yong mga bata, malikot. Napakadaling tanungin, e, at napakadali mong sagutin. 

    “Kaya ako po ay handang tumanggap kung ano po ang gusto n’yong gawing hakbang diyan. Dahil ako po mismo, natatakot diyan sa AI,” lahad pa ni Sen. Robin. 

    The post Robin Padilla natatakot sa masamang epekto ng AI sa kabataan  appeared first on Bandera.

    Source link

  • Anak ng dating TNT sa Japan, pumasa sa bar exam

    Anak ng dating TNT sa Japan, pumasa sa bar exam

    Masasabing sulit ang lahat ng pagod at sakripisyo ng single father na si Renato Meniado Baysa dahil ang kanyang anak ay pumasa sa bar exam ngayong 2022.

    Ang anak ni Renato na si Lynk Juren Baysa ay isa sa 8,241 bar passers mula sa 11, 402 na kumuha ng naturang exam.

    Mula sa Solana, Cagayan, lumipad si Renato patungong Japan at doon naging isang TNT (tago nang tago) na overseas Filipino worker.

    Nang makauwi sa Pilipinas, nakabili siya ng pampasadang dyip, na siyang naging kabuhayan niya para mapag-aral ang tatlong anak.

    Naibahagi ang kanyang kuwento sa Facebook post ng Philippine Information Agency (PIA)-Cagayan, ngayong Martes, April 12, 2022.

    Ayon sa ulat ng PIA – Cagayan, bago pa man lumabas ang resulta ng exam ay umakyat na sa puno si Renato at isinabit na ang tarpaulin na nag-a-announce na pumasa ang kanyang anak sa bar.

    Nagbunga ang matibay na pananampalataya ni Renato dahil pumasa nga si Lynk Juren.

    Inuna na raw ni Renato na ipa-lay out at ipa-print ang tarpaulin bago pa lumabas ang exam result.

    Si Lynk Juren ay isang political science graduate na nag-pursue ng law.

    Sa tarpaulin, naka-print ang graduation photo ni Lynk Juren.

    Agaw-pansin ang nakasulat dito: “Congratulations From: Daddy. The single parent who sacrificed everything for your good. I am proud of you.”

    Lynk Juren Baysa after graduating from law school. 

    Samantala, ang isa pang anak ni Renato ay nakatakdang mag-take ng bar exam sa susunod na taon.

    [ArticleReco:{“articles”:[“164991″,”164992″,”164995″,”164990”], “widget”:”Hot Stories”}]

    Source link

  • Chloe San Jose may pasabog, irerespeto lang nanay ni Carlos Yulo kung… 

    Chloe San Jose may pasabog, irerespeto lang nanay ni Carlos Yulo kung… 

    Angelica Yulo, Chloe San Jose at Carlos Yulo

    PATULOY ang pagbi-beast mode ng social media personality na si Chloe San Jose laban sa nanay ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.

    Ayaw patalbog ng palabang partner ni Carlos sa mga nambebengga sa kanya sa social media na kumakampi kay Angelica.

    Hindi pinalampas ng dalaga ang isang post sa Facebook na nagtatanggol sa nanay ni Caloy at nagsabing hindi raw dapat pumapayag ang two-time Olympic gold medalist na bastusin ang kanyang ina.

    Mababasa sa naturang post, “Never let anyone disrespect your own mother. Ok na hndi kayo magkasundo. Basta tahimik na lang sana itong si Chloe. 

    “Mali man minsan ang matatanda, kailangan show respect pa din sa magulang ng partner mo. That is what class, character and decency are all about,” ang sabi pa ng netizen.

    Sinagot naman siya ni Chloe, “Well why don’t you apply that to the ‘mother’, if she only showed respect i would’ve given her 10x more respect back. 

    “Masyado kayong sanay sa being a ‘BIGGER PERSON’, well don’t apply that to me,” matapang na bwelta ni Chloe.

    Baka Bet Mo: Chloe San Jose ibinuking si Angelica Yulo, may ginawa kay Karl Eldrew!?

    Patuloy pa niya, “I will never let anyone step on me and THAT i think is more classy, shows more character, independence and decency towards myself and demonstrates courage.

    “I believe more women should step into their GIRL POWER!” hirit pa ng dyowa ni Caloy.

    Nitong nagdaang weekend, nakipagsagutan din si Chloe sa lola ni Carlos na si Angelita Poquiz Frisco, tungkol sa plano nilang pagpapakasal.

    Nagsimula ito nang magkomento ang kaibigan ni Angelica Yulo, nanay ni Carlos, na dapat na nitong ihanda ang red gown para sa wedding ng anak at ni Chloe.

    “Kung sakaling magbago naman ang isip nila, so ready ka na ‘di ba? Ito ang dapat mong suotin para makatipid ka na at ‘di ka na bumili ng gown mo. Mag-red ka para naman stand out ang ganda mo! Sandali nasabihan ka ba?” komento ng kaibigan ng ina ni Carlos.

    Reply naman ng nanay ni Caloy, “Wooooiiiiii ahahah.”

    Matapang ang naging sagot dito si Chloe, “Angelica Yulo, baka naman gusto mo ikwento na nag usap-usap na tayo ng maayos? 

    “Saksi lahat ng mga anak mo at asawa mo + isa sa mga pinakamalapit mo na kaibigan. Maka-post ‘tong friend mo kuno halatang hindi ka nag kukwento ng totoo sakanya/sakanila LOLLLL HAHAHAHA.

    “Sabagay palabas mo nga sa iba nag walkout ka?? Eh nagyakapan nga tayo bago maghiwa-hiwalay. SENDINGS HUGSSS THO P.S. ‘Di lang ako makapag comment with my personal account, unblock mo na kasi ako chiii,” bwelta ni Chloe.

    Kasunod nito, bumanat na rin ang lola ni Carlos na si Gng. Angelita na nagsabing nagpapapansin lang daw si Chloe dahil iniwan na sila ni “Yza” o si Elaiza Yulo, ang nakababatang kapatid na babae nina Carlos at Karl.

    Sabi ni Angelita, umalis daw si Yza sa poder nina Carlos at Chloe at bumalik sa kanilang nanay dahil nagkaroon daw sila ng isyu. Pero ayon kay Chloe,  nagsinungaling umano si Yza sa mga kuwento nito.

    Sa gitna ng talakan nina Chloe at Angelita, nagpadala ng groufie si Chloe kung saan makikitang nakadila ang dalaga kasama si sina Carlos at Karl.

    Hirit naman ni Angelita sa pagdila ni Chloe sa picture, “Sanay (na) sanay kang dumila noh Kaya si caloy Baliw na Baliw eh.”

    Resbak ni Chloe sa kanya, “Angelita Villaflor Poquiz Frisco HAHAHAHAA AWEEE WALA NG SENSE MGA REBAT, dila ka din po oh.”

    The post Chloe San Jose may pasabog, irerespeto lang nanay ni Carlos Yulo kung…  appeared first on Bandera.

    Source link

  • ALAMIN: AiAi, ano ang ipapayo sa bagong wife ng ex niyang si Gerald kung kinuha siyang ninang sa kasal?

    ALAMIN: AiAi, ano ang ipapayo sa bagong wife ng ex niyang si Gerald kung kinuha siyang ninang sa kasal?

    Nagbigay ng pahayag si AiAi delas Alas kaugnay ng muling pagpapakasal ng kaniyang dating asawa na si Gerald Sibayan. Biro niya, mabuting hindi siya kinuhang ninang sa kasal dahil mapipilitan siyang magbigay ng payo sa bago nitong misis. Ano kaya ito? Alamin.

    Source link

  • Hukom sa VP Sara grave threats case hindi bumitaw

    Hukom sa VP Sara grave threats case hindi bumitaw

    PHOTO: Facebook/Inday Sara Duterte

    IBINASURA ng korte ang mosyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte na bumitaw ang hukom na humahawak ng kasong grave threats ng pangalawang pangulo.

    Ang desisyon ni Judge Maria Angelica De Ramos, ng RTC Branch 98, ay kinumpirma ni Atty. Paul Lawrence Lim, abogado ni Duterte.

    Sa inilabas na pahayag, sinabi ni Lim na gagawa pa rin sila ng mga legal na pamamaraan matapos ang desisyon ng hukuman.

    Baka Bet Mo: Yaman ni VP Sara lumubo umano ng higit 1,200% mula nang pasukin ang gobyerno

    Kasabay nito, ibinahagi ni Lim ang utos ng korte sa dalawang partido na sumunod sa sub judice rule, na nagbabawal na pag-usapan sa publiko ang mga merito ng kaso.

    Bukod dito, pinagbawalan din ang dalawang panig na pag-usapan sa publiko ang mga usapin na may kaugnayan sa kaso.

    Ayon pa kay Lim dahil nirerespeto ni Duterte ang batas, susunod sila sa mga direktiba ng korte.

    Nag-ugat ang kaso ni Duterte sa umano’y pagbabanta niya kina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Araneta – Marcos at Leyte Rep. Martin Romualdez sa isang online press conference noong 2024.

    The post Hukom sa VP Sara grave threats case hindi bumitaw appeared first on Bandera.

    Source link

  • Rhian Ramos reacts to driver's dismissed complaint: 'I know the truth'

    Rhian Ramos reacts to driver's dismissed complaint: 'I know the truth'

    Rhian Ramos shared her thoughts following the Makati Office of the City Prosecutor’s (OCP) dismissal of the complaint for illegal detention, physical injuries, and violation of the Anti-Torture Act filed by her former driver, alias Totoy, against her, Michelle Dee, Samantha Panlilio, and others.

    Source link

  • TINGNAN: Ilang Pinoy celebs kumasa sa viral AI ‘80s trend

    TINGNAN: Ilang Pinoy celebs kumasa sa viral AI ‘80s trend

    NAGING usap-usapan online ang viral AI ‘80s trend kung saan ginagawang parang kuha noong dekada otsenta ang mga modernong larawan.

    Ang nakakatuwa pa, kumpleto ito sa bonggang buhok, retro outfits, makukulay na accessories, vintage studio backdrop, at mala-film camera na dating.

    Hindi naman nagpahuli ang ilang Pinoy celebrities dahil may mga gumamit ng AI para makita kung ano ang magiging itsura nila noong ’80s, habang ang iba naman ay may mas bonggang resibo na ibinandera ang totoong larawan nila sa panahong iyon!

    Manilyn Reynes

    Isa sa mga artista na hindi na kailangang magpa-AI para magmukhang legit na ‘80s, ito ay si Manilyn Reynes!

    ibinandera ng batikang aktres ang kanyang tunay na throwback photo, kaya naman instant trip down memory lane ang dating.

    Baka Bet Mo: ALAMIN: Sikreto ng Korean beauty look; K-style makeup bakit patok sa Pinoy?

    Sa halip na AI-generated retro look, actual vintage photo ang kanyang ambag sa trend!

    “What’s the ‘80s without the TSUNAMI hairstyle, and a lot of AQUA NET and WHITE RAIN spray net. Tawag namin sa hairstyle na ‘to noon, may ‘palong’, haha [laughing, red heart emojis],” caption niya sa Facebook.

    <iframe src=" width="500" height="723" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Eric Quizon

    Hindi rin nagpahuli si Eric Quizon sa ‘80s throwback craze.

    Sa halip na AI-generated image, nagbalik-tanaw siya gamit ang isang tunay na larawan mula sa kanyang kabataan.

    <iframe src=" width="500" height="562" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Vina Morales

    Kasama rin sa mga nagbigay ng totoong ‘80s feels si Vina Morales.

    Nagbahagi ang batikang actress-singer ng throwback photo na nagpapaalala kung ano ang itsura niya noong mas bata pa siya.

    At dahil tunay na larawan ito mula sa panahong iyon, wala nang kailangang AI para makuha ang vintage vibes!

    “Everyone’s doing the 80’s AI trend [happy face with hearts emoji] but mine would be…”, wika niya sa caption.

    Kwento pa niya: “First photo in 1986 and the rest are from the 90’s captured in real photos and real memories. [happy face emojis] Nene and bagets lang hahaha”

    <iframe src=" width="500" height="626" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Jhong Hilario

    Game na game naman sa viral trend si Jhong Hilario!

    Nagpakita ang aktor at “It’s Showtime” host ng kanyang retro version, na talaga namang parang nagmula sa isang lumang ‘80s photo album.

    “Game din kami! [smiling face with hearts red heart emojis],” wika niya sa Facebook post.

    <iframe src=" width="500" height="590" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Sunshine Cruz

    Nagpa-throwback din si Sunshine Cruz, pero hindi lang siya ang bida sa kanyang ’80s-inspired photos.

    Kasama niya ang kanyang mga anak sa retro-themed transformation, kaya naging parang family portrait mula sa isang lumang photo album ang dating.

    <iframe src=" width="500" height="645" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Lassy Marquez

    Si Lassy Marquez naman, mas pinaglaruan pa niya ang konsepto dahil ipinakita niya ang sarili sa parehong male at female ’80s-inspired looks.

    <iframe src=" width="500" height="422" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Yasmien Kurdi

    Sumabay rin si Yasmien Kurdi sa retro fever at nagpakita ng kanyang sariling ‘80s-inspired transformation.

    Sa AI version niya, makikita ang vintage styling na bagay na bagay sa aesthetic ng dekada!

    <iframe src=" width="500" height="609" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Alfred Vargas

    Pinasok din ni Alfred Vargas ang mundo ng ’80s!

    Sa kanyang retro-inspired image, makikita kung paano siya maaaring magmukhang leading man kung nasa dekada ’80 ang kanyang panahon.

    Kasama pa niya sa litrato ang kanyang misis na si Yasmine Espiritu-Vargas.

    “What if our love story happened in the ’80s? [blue heart emoji]”, saad niya sa FB post.

    <iframe src=" width="500" height="640" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    Lotlot de Leon

    May sariling ‘80s connection naman si Lotlot de Leon, kaya hindi na nakapagtatakang bagay sa kanya ang retro craze.

    Hindi na kailangan ng AI-inspired look ni Lotlot, dahil ibinandera na niya ang orihinal niyang look sa nasabing panahon.

    Wika pa niya sa caption: “What’s up with the 80’s pictures? Anong meron? [happy face with heart eyes emoji, red heart emojis].”

    <iframe src=" width="500" height="590" style="border:none;overflow:hidden" scrolling="no" frameborder="0" allowfullscreen="true" allow="autoplay; clipboard-write; encrypted-media; picture-in-picture; web-share"></iframe>

    The post TINGNAN: Ilang Pinoy celebs kumasa sa viral AI ‘80s trend appeared first on Bandera.

    Source link

  • Francine Diaz's sister, cousin speak up about "sugod issue" with Andrea Brillantes

    Francine Diaz's sister, cousin speak up about "sugod issue" with Andrea Brillantes

    Bukod sa kanyang ina, ipinagtanggol din si Francine Diaz ng kanyang nakatatandang kapatid na si Chantal Diaz.

    Ayon kay Chantal, kahit nananahimik ang pamilya nila ay lagi silang nadadawit kapag may pumuputok na kontrobersiya sa dating kasamahan ni Francine sa teleserye na si Andrea Brillantes.

    Laman ngayon ng balita si Andrea nang mag-“yes” siyang maging girlfriend ng basketball star na si Ricci Rivero matapos manalo ang koponan nitong UP Fighting Maroons laban sa FEU Tamaraws sa UAAP noong Sabado, April 9, 2022.

    Kasunod nito ay nakatanggap ng pambabatikos si Andrea dahil tila tinalikuran na niya ang love team nila ni Seth Fedelin, na nakabuo na ng sariling hukbo ng mga tagahanga.

    Lunes ng gabi, April 11, nagbigay ng pahayag si Andrea sa pamamagitan ng Instagram Live. Dito ay isiniwalat niyang naging boyfriend niya si Seth sa loob ng mahigit dalawang taon.

    Inamin din ng young actress na nasaktan siya nang maging viral ang larawan ng pagdalaw ni Seth sa bahay ni Francine kahit break na sila noong January 2022.

    Read: Andrea Brillantes reveals past relationship with Seth Fedelin; explains issue involving Francine Diaz

    FRANCINE’S ATE COMES TO HER RESCUE

    Sa pamamagitan naman ng Twitter ngayong Martes, April 12, naglabas din ng saloobin ang ate ni Francine na si Chantal tungkol sa pagkakadawit ng kapatid sa bagong isyu ni Andrea.

    Pahayag ng kapatid ni Francine, “Hello. I just want to clear some things in behalf of Francine and some issues that has been circulating for quite some time na.

    “This has been stressing me out as an Ate of Chin and I can or we can no longer stay silent kasi we tried hard to stay silent for peace kaso ang hirap ma maintain with such environment. Kasi either we speak up or not lagi dawit ang name ng kapatid ko.”

    Ayon kay Chantal, masaya sila sa bagong kabanata ng buhay ni Andrea ngayong may bago itong karelasyon at labas ang kapatid niyang si Francine.

    Naiintindihan daw ni Chantal na maraming fans ang nais mag-public apology si Andrea kay Francine sa isang kontrobersiya nito sa nakaraan, pero nagawa na raw ito ni Andrea sa pribadong paraan.

    Mahinahong saad ng ate ni Francine, “Firstly, we are happy for the new couple they are happy and labas si Francine sa rs nila, I understand na most fans are asking Blythe [Andrea] for an apology kay Francine publicly.

    “Blythe already apologized privately months ago when a certain issue na nangyari.

    “Again, sometimes nadadala tayo ng emosyon and we do things rashly and for that naintindihan ko sya.”

    “PANUNUGOD IS NOT TRUE”

    Kasunod na binigyang linaw ni Chantal ang balitang panunugod daw ni Andrea sa dressing room ni Francine sa ABS-CBN noong December 2021.

    Tini-tape nila nung panahong iyon ang ABS-CBN Christmas Station I.D.

    “Second, is about the rumor ng panunugod sa dressing room. The panunugod is not true that’s not exactly what happened.”

    Nagbigay rin si Chantal ng detalye ukol sa Instagram Story ng kapatid kasama si Seth Fedelin at ang glam team ni Francine, na ikinagalit daw nang husto ni Andrea.

    “What happened was a misunderstanding, B felt that Chin was disrespecting their LT [love team] when Chin posted an IGS picture with the Glam team and Seth.

    “She called my sister and was very upset about it. As an Ate There was nothing wrong with that picture and I hated lang how she reacted about it, they were friends after all.”

    Iyon daw ang dahilan ng personal na pagbisita noon ni Seth sa bahay nila na binigyan ng ibang kahulugan ng “SethDrea” fans.

    Sabi pa ni Chantal, “That’s the reason why Seth came to visit us and apologized in person for what happened. Syempre may kasamang picturan and all. That’s when the other issue started ulit.

    “Francine has been called a lot of names when wala namang masama sa picture na yon very wholesome with the Family pa nga.”

    “CHIN CHOSE TO STAY SILENT”

    Bilang ate, nasasaktan daw si Chantal sa mga masasakit na salitang nababasa niya tungkol sa kapatid. Kabilang na rito ang mga salitang “malandi” at “ahas.”

    Pero pinili raw ni Francine na manahimik para na rin sa pagkakaibigan nila ni Andrea. 

    Ani Chantal (published as is), “Masakit sakin na makabasa ng msasamang salita against sa kapatid ko na wala namang ginawang masama. At mas lalong hindi sya malandi at hindi sya ahas gaya ng sabi ng iba, wala siyang inagaw.

    “Chin chose to stay silent nor confirmed any of the rumor for the sake na rin ng peace and friendship na meron sila noon.

    “For me ang unfair lang para sa kapatid ko to be bullied and called names and still think of the other person when she’s been wronged.”

    Sana raw ay mas ipinaliwanag nina Andrea at Seth nung nag-Instagram Live ang mga ito ang totoong rason at pangyayari para mas malinawan ang publiko tungkol kay Francine.

    Read: Seth Fedelin defends Andrea Brillantes’s relationship with Ricci Rivero from bashers

    Ngunit mas pinili raw ng dalawa na isalba ang kani-kanilang mga sarili.

    Sa huli sinabi ni Chantal na nais na rin nilang mag-move on sa issue.

    “I was hoping lang din for Blythe sana and Seth to clear it for Chin when they went LIVE but they saved themselves.

    “Lastly, I’m saying this because both side has cleared up their names and half truths lang ang nasabi. We are all moving forward with the past issue and I hope kayo rin.”

    [twitter:

    FRANCINE’S COUSIN SLAMS ANDREA

    Kung gaano kahinahon si Chantal, nanggagalaiti naman ang pinsan ni Francine na si Christle Saenz sa pagtatanggol sa kanyang kamag-anak.

    Kung sinabi ni Chantal na walang panunugod na nangyari, iba naman ang kuwento ni Christle.

    Saad nito: “Awit sayo girl ANDREA BRILLANTES! Hindi daw totoong sinugod? Ako na po nagsasabi sinugod niya yung pinsan ko sa dressing room!

    “Sinugod mo kasi nag story ng pic with Seth di ba?! Ayaw mo mag story si Chin dahil ayaw mo magkaron ng chance ang FRANSETH!

    “So feeling mo naman ka attitude mo si Chin? Feeling maagawan cheater naman!”

    Binalaan din ni Christle si Andrea sa attitude nito tungo sa kanyang pinsan. Lagi raw kasi nitong idinadamay si Francine tuwing may kinakaharap itong kontrobersiya.

    Pagbabanta niya na may halong pasaring: “Wag mo kami pikunin baka sugurin ka din namin!

    “Ikaw na nga nagloko dadamay mo pa si Chin! Lahat na lang gusto mo!

    “Ikalma mo girl alam naming di ka mauubusan nyan baka ikaw mismo maubos!

    “Minus 1,000 ka kay Lord kung palagi ka magmamalinis!

    “Lahat ng drama mo sa buhay eto lang yun inggitera ka! Laging damay pinsan ko sa issue mo laki ng galit mo e no?!

    “Tahimik na nga lang sa side namin para hindi ka na kahol ng kahol pag pinatulan ka naman kaawa awa ka talaga!

    “Baka pag pinatulan ka talaga namin manahimik ka na 100 years girl! Wag kami kilala ka na!

    “DINADAMAY MO PINSAN KO PARA SUMIKAT KA ENO? SINGAW NA SINGAW ANG BAHO MO GIRL!”

    Nauna nang dinipensahan ng ina ni Francine na si Merdick Diaz ang anak kaugnay ng isyung ito.

    Read: Francine Diaz’s mother hits back at Andrea Brillantes for “bullying” daughter: “WAG AKO ANDREA BRILLANTES!”

    Wala pang pahayag si Andrea ukol dito.

    Mananatiling bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.

    [ArticleReco:{“articles”:[“164996″,”164984″,”164962″,”164946”], “widget”:”Hot Stories”}]



    Source link

  • Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya

    Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya

    IBINUKING ng Star Magic artist na si Shanaia Gomez na minsan siyang binalak pormahan ng isang celebrity noong siya ay 14 years old pa lamang.

    Sa isang video na ipinost ng dalaga sa kanyang Facebook page, ibinandera niya ang convo o usapan nila ng isang artista na nag-slide sa kanyang DM (direct message) noong bagets pa siya.

    “Well today, I’m gonna be showing you some of the most interesting DMs that I have got. Show the receipts!” panimula ni Shanaia sa caption.

    Kasunod nga nito ay ang kanyang paglantad ng screenshots ng mga natanggap niyang mensahe.

    Baka Bet Mo: Shanaia Gomez pak na pak ang akting sa horror movie na ‘The Gatekeeper’

    View this post on Instagram

    A post shared by Bandera (@banderaphl)

    Pagpapatuloy ni Shanaia, “So this is a Filipino celebrity [that is much older than me].”

    Kasunod nito ay ang pagbabasa niya ng mga mensahe ng celebrity guy kung saan panay ang tanong kung kailan sila magkikita kahit aware ito na minor pa lamang siya.

    “I’m not gonna name drop kung sino ito but let’s just say, happy siya at birthday pa niya,” pagbibigay ng clue ni Shanaia.

    Isang netizen naman ang nag-post sa Reddit kung ng naturang video clip ng dalaga kung saan ine-expose nito ang mga nag-send sa kanya ng weird messages.

    Madami sa comment section na nagtuturong si Carlos Agassi umano ang male celebrity na tinutukoy ni Shanaia base sa binitawan nitong clue.

    “If this is Carlos Agassi, he is almost 20 years older. Another Pdf exposed,” saad ng isang netizen.

    Comment naman ng isa, “If this is Carlos Agassi, he is almost 20 years older. Another Pdf exposed.”

    “Carlos Agassi. He was active in Tinder during that era. I’ve matched with him and yes ganyan nga siya mag type! HAHAHAHAHA even without the clue, I had a hunch that it’s him HAHA and i believe, siya na nga yan,” sabi naman ng isa sa pa-blind item ni Shanaia.

    Hirit naman ng isa, “Lol di na bago kay Carlos Agassi yan friend ko lagi din nya minemessage before for meet up. 1st daw nakaka kilig kasi celeb eh pero nun tumagal ang creepy kasi mag sesend ng picture all of a sudden then mag aask when sila magkikita hahahaha ayun my friend blocked him.”

    Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Carlos hinggil sa pag-uugnay ng netizens sa kanya sa post ni Shanaia.

    The post Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya appeared first on Bandera.



    Source link