Angelica Lopez is asking Filipinos to support her as she represents the Philippines in the upcoming Miss Grand International competition.
Source link
Author: Merrel Briona
-

Angelica Lopez seeks 'bayanihan' support ahead of Miss Grand International 2026 journey
-

Liza Soberano, H.E.R. on Filipino relationships, bonds: 'Warm and inviting'
Found family and bayanihan are Filipino themes that pop up in "Forgotten Island."
Source link -

Anji Salvacion, matagal na INILIHIM ito sa ina
Getting to know Anji Salvacion more, sumabak siya sa PEP Challenge ng PEP Live.
Dito mas nakilala pa natin ang “Singing Sweetheart ng Siargao” sa pagsagot niya sa “3’s in 5” challenge.
Kabilang sa mga nalaman natin kay Anji ay ang matagal niyang inilihim sa ina.
Ano ang lihim na ito? Panoorin ang video.
Para sa kumpletong PEP Live interview ni Anji, i-click ito:
Para iba pang PEP Live interviews, mag-click dito:
[ArticleReco:{“articles”:[“163331″,”163007″,”162989″,”161920”], “widget”:”Hot Stories”}]
#AnjiSalvacion #PBBKumunity #Dalampasigan #TheSquadPlus
Host: Jimpy Anarcon
Director: Rommel Llanes
Video Editor: Ann Margarette SantiagoKnow the latest in showbiz on
Subscribe to our YouTube channel!
Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter:Visit our DailyMotion channel!
Join us on Viber:
Watch us on Kumu: pep.ph
-

Cotabato City, Basilan name winners for parliamentary district seats
The winning candidates for the parliamentary district representative seats in Cotabato City and Basilan have been named following the first parliamentary elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Source link -

Ai Ai delas Alas sa bagong misis ni Gerald Sibayan: Girl, mag-ingat ka…
Ai Ai delas Alas, Gerald Sibayan at ang bago niyang asawang si Nadine MUKHANG hindi na nga apektado ang Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas sa muling pagpapakasal ng ex-husband niyang si Gerald Sibayan.
In fairness, very open ang komedyana sa pagbibigay ng pahayag sa sitwasyon ngayon ni Gerald matapos siyang iwan at hiwalayan nito.
Hirit nga ni Ai Ai buti raw hindi siya kinuhang ninang sa kasal dahil talagang mapipilitan siyang magbigay ng advice sa bagong wifey ni Gerald.
Kuwento ng veteran actress, wala raw siyang kaalam-alam na magpapakasal na uli si Gerald at nalaman na lang niya ito mula sa isang kaibigan.
“Wala. Parati naman akong walang idea sa gagawin niya sa akin eh,” chika ni Ai Ai sa pilot episode ng bagong talk show sa GTV na “Kalurks”.
Tungkol naman sa naging reaksyon ng kanyang mga anak sa muling pag-aasawa ng ex-husband, dedma lang daw ang mga ito.
“Kasi, two years na rin naman kami na waley na,” ani Ai Ai.
Patuloy pa niya, “Pero ang masasabi ko lang talaga, na buti na lang, dito sa pangyayari na ‘to, nag-trend na, buti na lang, hindi niya ako kinuhang ninang.
Baka Bet Mo: AiAi Delas Alas hindi kayang ipa-deport si Gerald Sibayan: Baka magalit si Lord!
“Kasi, kapag ninang ka, bawal kang tumanggi. So, kung bawal kang tumanggi, ako na ‘yung magiging second na magulang nila.
“So, siyempre, kung second na magulang ako, bibigyan ko ng payo ‘yung girl. Sasabihin ko sa kanya, ‘Girl. O, mag-ingat ka. Baka mamaya, magaya ka sa akin.’
“’Malay mo, 10 years from now, 5 years from now, 2 years from now, magiging ang tanging ina ka rin,’” hirit na chika pa ng komedyana.
Kung may wish naman siya para kay Gerald, “I wish him well. Kasi ‘di ba, ayoko naman nang mag-wish sa tao ng hindi maganda.
Ano naman ang maibibigay niyang advice sa mga kababaihan pagdating sa usaping pag-ibig at pakikipagrelasyon?
“Siguro ang maipapayo ko lang sa kanila du’n sa girls, mahirap kasing magpayo, kasi hindi naman natin alam kung ano-ano ang mga kapalaran natin.
“Magpayo man ako, tapos suwerte ka talaga sa pag-ibig. May suwerte, may hindi. Kasi, naniniwala ako na ang pag-aasawa, suwerte ‘yan,” saad ni Ai Ai.
The post Ai Ai delas Alas sa bagong misis ni Gerald Sibayan: Girl, mag-ingat ka… appeared first on Bandera.
-
_2026_09_16_12_31_19.jpg)
Cebu Pacific and what else? Here are more airlines offering 10kg cabin baggage allowance
Here”s for all the “budgetarian” travelers out there!
Source link -

Did KD Estrada just take a swipe at Eian Rances for "mistreating" Alexa Ilacad?
Tila hindi nakatiis si KD Estrada na birahin si Eian Rances dahil sa hindi nito umano pagtrato nang tama kay Alexa Ilacad.
Sina KD, Eian, at Alexa ay batchmates sa Kapamilya reality search na Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.
Trending sa Twitter ang tensiyon sa pagitan ng tatlo matapos kumalat sa social media ang screen capture ng group chat ng supporters ni Eian.
Makikitang kasali rito si Eian; at nag-send siya ng screenshot ng tweet ng kanyang supporter na may text na, “NEVER NAG HABOL AT NEVER MAG HAHABOL SAYO SI EIAN.”
Sinang-ayunan ito ni Eian. Sabi pa niya, “Sino si BEAH? Boto natin for President!”
Hindi malinaw kung ano ang mitsa ng mensaheng iyon, pero usap-usapan sa Twitter na patama raw iyon ni Eian kay Alexa.
Mabilis iyong kumalat sa Twitter.
Malinaw na nakarating ito kay KD, na hindi nagustuhan ang hinihinala ng netizens na patalikod na tirada ni Eian kay Alexa.
Sunud-sunod ang tweets ni KD hinggil sa isyu ngayong Martes, April 12, 2022.
Hindi napigilang hirit ni KD (published as is), “marites ka parin tol.”
Hindi man tahasang binanggit ni KD, tila tinutukoy niya ang group chat kunsaan waring pinag-uusapan ni Eian at ng fans nito si Alexa.
Sabi pa ni KD (published as is), “lookin left coz you didn’t treat her right hahahah”
Ito pa ang panghuling mensahe ni KD (published as is): “i have respect naman, just none for you and just unfollow me please i know you can see this.”
Trending ang “PROTECT KD AT ALL COST” dahil sa fans nila ni Alexa na ikinatuwa ang pagtatanggol ni KD sa dalaga.
WHAT HAPPENED DURING THEIR PBB STINT
Hindi kaila sa fans na nagkaaminan sina Eian at Alexa na may “crush” sila sa isa’t isa sa loob ng Pinoy Big Brother house.
Pero naudlot iyon nang magkaroon sila ng di pagkakaunawaan.
Read: Alexa Ilacad to Eian Rances: “Omigod, do you think ginagamit lang kita?”
Naging malapit din sina Alexa at KD sa isa’t isa habang nasa loob ng PBB house dahil si Alexa ang naging takbuhan ni KD nang mabasted si KD ni Anji Salvacion.
Paglabas ng Bahay Ni Kuya, naging bukas sina Alexa at KD na mas naging malapit sila sa isa’t isa lalo pa’t napagtatambal sila sa mga proyekto.
Naging maayos din naman ang pagkakaibigan nina Alexa at Eian, pero sa di malinaw na dahilan ay nagkairingan sila ngayon.
Read: Alexa Ilacad describes closeness with KD Estrada, Eian Rances
ALEXA’S REACTION TO GROUP CHAT ISSUE
Kung nasaktan man si Alexa sa naunsiyami nilang pagkakamabutihan noon ni Eian, tila ngayon ay nagpapasalamat siyang hindi sila natuloy sa mas malalim na ugnayan.
Tweet niya kalakip ng no-good emoji: “i dodged a bullet.”
Sa comments section, humirit ang kaibigan ni Alexa na si Alora Sasam na, “guilty” daw siya na hindi pinapansin ang “red flags” dahil “you want to see the good in people.”
Pero diin ni Alora, “Never again.”
Nakarating naman kay Alexa na trending ang “YOU ARE LOVED ALEXA,” na mensahe ng kanyang fans na ipinagtatanggol siya sa isyu sangkot si Eian.
Sabi ni Alexa sa supporters, “too blessed to be stressed. sending you all my love.”
EIAN’S STATEMENT
Samantala, pinutakti naman ng batikos si Eian dahil sa lumabas na patalikod na tirada niya umano kay Alexa sa kumalat na group chat screenshot.
Tweet ni Eian (published as is): “in time, everything will fall into place.
“so for now, embrace the uncertainties, ngumiti sa kabila ng mga pangungutya, maging matatag and keep reminding yourself that God is in charge of all things at lahat ng bagay ay nangyayari ng may dahilan.”
Inalmahan ito ng fans ni Alexa dahil ni hindi man lang daw nakuhang mag-sorry ni Eian at ito pa raw ang nagpaawa sa tweet nito.
Dahil dito ay nag-trend din ang “CANCELEIANRANCES.”
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.
[ArticleReco:{“articles”:[“164987″,”164984″,”164980″,”164960”], “widget”:”Hot Stories”}]
-
_2026_09_16_12_51_33.jpg)
Quirino Governor Dax Cua dies at 48
Quirino Governor Dakila Carlo “Dax” Cua has died at 48, according to a post by the House of Representatives on Wednesday.
Source link -

AI video ng parents ni Carlos Yulo sa simbahan pang-asar kay Chloe
Chloe San Jose, Carlos Yulo at AI image nina Angelica Yulo at Mark Andrew Yulo PINAGPIPIYESTAHAN ngayon ng mga netizen ang video ng mag-asawang Angelica at Mark Andrew Yulo habang super dance sa harapan ng simbahan.
Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Angelica ang nakakaaliw na artificial intelligence (AI) dance video nila ng kanyang asawa.
Makikitang nagsasayaw ang mga magulang ni two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo sa harapan ng isang simbahan.
Nakasuot ng red gown si Angelica habang naka-red polo barong naman si Mark Andrew for today’s video.
“Bakit parang Di naman ako to. Prof Rj Noisap pinagtripan mo na Naman Kami.
“In fairness si Mark Andrew Yulo kuhang Kuha ang mukha ahaha,” ang nakalagay sa caption ni Angelica.
Marami ang nag-comment na tila pang-uurot ito ng mag-asawa sa anak nilang si Caloy at sa dyowa nitong si Chloe San Jose.
Ito’y sa gitna nga ng pambebengga ni Chloe kay Angelica pati na sa lola ni Carlos na si Angelita Poquiz dahil sa mga naging reaksyon ng mga ito sa plano nilang pagpapakasal.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz may hugot sa isyu nina Carlos at Chloe sa Yulo family
Narito ang mga reaksiyon ng netizens sa tila pang-uurot ng nanay at tatay ni Caloy na nasa gitna na naman ng kontrobersya dahil sa sinabi niyang hindi niya iimbitahan ang kanyang parents sa wedding nila ni Chloe San Jose.
“Asar-talo si Chloe hahahaha!”
“Lakas mang-asar. Isama mo si mudrakels para mas powers!!”
“Momshie mag renew kayo ni daddy mark ng vows im sure dami aatend dami nyo friends eh ansaya siguro.”
“Magpakasal ulit kayo, red ang motif, red is love.”
“Miss A nakupo me kamukha ka dito si ‘wish ko lang’ host sino nga yun?? hahaha si duding kamukhang kamukha agree ako dyan !!!”
“Pak! Pakasal po ulit kayo pupunta ako kahit hindi ako invited.”
“Huwag ganun anak pa din yun, bahala na si Lord pumitik sa mga suwail na anak.”
Matatandaang sinabi ni Carlos sa isang panayam na baka hindi invited ang magulang niya sa wedding nila ni Chloe, “For me, I think, ’cause, yung kasal po namin ‘yan and ako po yung… kami po, relationship po namin ‘yan.
“And mas pipiliin kong kami na lang and mas…paano ba? Ayaw ko ding masira yung moment namin para sa aming dapat dalawa,” saad ng binata.
“Ayaw ko yung ano, eh, paano po ba, mamantsahan pa. And madami na din silang, madami na silang ginawa na pinatawad ko na and hanggang doon na lang din po. So, hindi po.
“Yes po, gusto ko sa amin lang po yun, and I really want it to be really full of love and joy kapag nangyari po yun,” aniya pa.
The post AI video ng parents ni Carlos Yulo sa simbahan pang-asar kay Chloe appeared first on Bandera.
-

'Persona 6' to get physical release for PlayStation 5, Switch 2
As some video game publishers move away from discs, Sega has confirmed that “Persona 6” is getting a physical release.
Source link