Author: Merrel Briona

  • 'Forgotten Island' to hold sneak screenings in PH ahead of official release

    'Forgotten Island' to hold sneak screenings in PH ahead of official release

    “Forgotten Island” is holding sneak screenings nationwide on September 19 and 20.

    Source link

  • Robin Padilla naligayahan, nabuhay pagiging ‘Katipunero’ dahil sa subpoena

    Robin Padilla naligayahan, nabuhay pagiging ‘Katipunero’ dahil sa subpoena

    NAGLABAS ng pahayag si Sen. Robin Padilla matapos makatanggap ng subpoena mula sa Department of Justice (DOJ) hinggil sa reklamong obstruction of justice na isinampa laban sa kanya.

    Ito ay kaugnay sa umano’y pagtulong kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na makatakas sa Senate building noong May 2026.

    Sa isinagawang press conference ni Robin nitong Miyerkules, September 16, sinabi niyang masaya siya nang matanggap ito.

    Tila raw nabuhay ang kanyang pagiging “katipunero” matapos mapag-alaman na mayroon siyang subpoena.

    Baka Bet Mo: Robin Padilla umamin na: Break na kami ni Bato!

    View this post on Instagram

    A post shared by Bandera (@banderaphl)

    “Una, naligayahan po ako, pagkasabi po sa akin ng aking Chief Legislative Officer na ‘Natanggap na natin yung ano [subpoena]’. Pabulong pa eh. ‘Ano ‘yan?’ sabi ko,” saad ni Robin.

    Pagpapatuloy niya, ” Ako po’y naligayahan sapagkat alam naman po natin na itong ibinabato sa atin eh galing sa mga dayuhan, eh naliligayahan po ako kapag galing sa dayuhan kasi parang yung aking pagiging Katipunero, ay nabibigyang-buhay.”

    Ani Robin, wala raw siyang naramdamang lungkot nang natanggap ito bagkus sumaya pa.

    “Hindi po ako nalungkot, hindi po ako nalugmok, malamang yung lawyer ko nalugmok, pero ako po ay naligayahan,” sey pa ng actor-politician.

    Natanong naman si Robin kung personal ba siyang dadalo sa pagpapatawag ng National Prosecution Service (NPS) sa September 25 upang humarap at sagutin ang reklamong inihain laban sa kanya.

    “Opo, siyempre. Kahit po ang advice nila ay huwag na, hindi na kailangan, pero siyempre ‘yan po ay paggalang sa atin pong mga namumunong opisyal,” sagot niya.

    Matatandaang natanggap ni Robin ang subpoena nitong Martes, September 15.

    The post Robin Padilla naligayahan, nabuhay pagiging ‘Katipunero’ dahil sa subpoena appeared first on Bandera.



    Source link

  • OPAPRU urges new BARMM MPs: Preserve peace gains

    OPAPRU urges new BARMM MPs: Preserve peace gains

    The Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) has urged the newly elected members of the Bangsamoro Parliament to preserve and advance the gains of the peace process following the first parliamentary elections in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

    Source link

  • How Mike Agassi lost 36 pounds and tiyan during Widows' Web lock-in taping

    How Mike Agassi lost 36 pounds and tiyan during Widows' Web lock-in taping

    Tumatak si Mike Agassi sa mga TV viewers kamakailan dahil sa kanyang lambitin scene sa GMA-7 series na Widows’ Web.

    Sa may railing ng balkonahe, kitang-kita ang karakter ni Mike na naka-brief.

    Gumaganap siya bilang George, ang young lover ni Barbara, na karakter ni Carmina Villarroel.


    Pero hindi ang paglambitin sa eksena ang naging challenge para kay Mike.

    Mas challenge sa kanya sa scene na ito ay ang magpapayat.

    Ito ang ikinuwento ni Mike sa exclusive Zoom interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nitong March 30, 2022.

    “Ako, hindi talaga ako makakapag-complain, pero pag katulad nung role ko sa Widows’ Web, when I accepted the role, sobrang taba ko pa.

    “‘Tapos with one day, two days’ notice, sinabihan nila ako, ang role ko, basically, magpapakita ng abs.”

    Kaya sa 40 days na nasa lock-in taping siya, sineryoso niya ang pagpapapayat.

    Sa pagpapatuloy ng aktor, “So during those lock-in taping, quarantine, napakundisyon ko ang sarili ko, I lost 36 pounds. So napalabas ko lahat ng muscle ko and everything for the show.

    “So for me, nag-benefit ako dun sa lock-in taping kasi mas napo-focus ko yung work.”

    Ang resulta: From flabs ay nagmumura ngayon ang kanyang abs!


    FITNESS ROUTINE DURING LOCK-IN TAPING

    Paano niya na-lose ang 36 pounds at gaano katagal ito inabot?

    “Actually, every three years basta may project ako, I lost weight, I could lose weight.

    “Ito lang ang naging challenge sa akin, because this is my fifth time… before, I used to work out sa gym.

    “Inisip ko, e, pag nag-Europe ako, 40 days hindi ako makakapag-gym, so tumataba ulit ako, kasi I love travelling.

    “When I travel to Europe, sa States, kailangan yung workout program ko, puwede kong gawin anywhere.”

    [instagram:

    Nakadalawang beses na raw nakapunta sa Europe si Mike—una ay noong 2018 at sumunod ay noong 2019.

    “So ang dami kong tinesting na iba-ibang exercise, at ngayon, nagagawa ko yung exercise na kahit sa kuwarto ka, without any equipments [sic], kaya mong i-workout.

    “‘Tapos it’s fit for everyone. So iyon, basically nag-high intensity training lang ako sa room, mga 12 minutes a day everyday nung nagpapa-lose weight ako.”

    Ayon sa healthline.com, ang High-Intensity Interval Training o HIIT “involves short bursts of intense exercise alternated with recovery periods.” So puwede siyang running as fast as you can for 15 seconds, then slow jog for one minute. Uulitin lang ang pattern na ito for 10 to 20 minutes.

    Pag dating naman sa diet ni Mike, “…nag-less than 1,000 calories ako. Siguro it took me 12 days, 22 pounds?”

    Kailangan daw ay consistency sa fitness routine at “low-calorie diet… ‘tapos low carbs. It was very fast!”

    But a word of caution from Mike, hindi para sa lahat ang paraan niya ng pagpapayat.

    Aniya, “It was very fast. Pero yun nga, hindi ko ina-advise sa mga ibang binibigyan ko ng program na ganun kabilis kasi medyo delikado. Usually it takes four to seven weeks.”

    May ibinigay na larawan sa amin si Mike kung saan malaki ang kanyang tiyan. Bakit may mga panahong tumataba siya?

    “Ahmmm, I love to drink,” at natawa si Mike. “‘Tapos mahilig ako sa tinapay.”

    Hindi raw siya humihinto sa pag-inom, pero dalawang beses sa isang linggo lamang, at binabalanse niya sa tamang diet at exercise.

    Madali kay Mike ang magpapayat at umabot pa nga raw sa puntong nasabihan na siya ng direktor ng Widows’ Web na si Jerry Sineneng na sobra na siyang payat.

    “Sabi ko, ‘Wow, first time ko iyang narinig!’ Sabi niya, ‘Kailangan mong magpa-laman.’

    “So I was eating kahit ano na, e. And ang problem, yung program na ginawa ko, ang bilis makapayat talaga. Kasi ano siya, e, more of heart-rate training.”

    Ano ba ang mga exercise routines na ginagawa niya?

    “Wala, alam mo yung… Jumping Jack, Butt Kick, Knee Raise, mga ganun lang.”

    Naimpluwensiyahan rin ni Mike ang roommate niya sa lock-in taping at co-star sa Widows’ Web na si Josh Ivan Morales.

    “He lost 20 pounds in less than 21 days! Sinunod niya yung diet ko ‘tapos mino-monitor ko yung workout niya.

    “Meron akong mga friends, nasa 50s na, four inches ang [nawawala sa] waistline in one week.”

    Ngayong hunk na hunk na muli si Mike, handa na ba siyang pagpantasyahan na naman ng mga kababaihan at kabadingan?

    “Why not,” ang nangingiting sagot ni Mike. “Kumbaga I did it for them naman, basically, for the role, actually.”


    Hindi na raw magpapataba muli si Mike.

    “Hopefully ito na yung fifth time and last time kong maging fit ‘tapos I could maintain it. Kasi itong [exercise] program na ‘to hopefully kahit 60-plus na ako, kaya ko pang gawin.”

    Bakit may mga pagkakataong “bumibitiw” siya sa kanyang diet and exercise program na nagiging sanhi ng pagtaba niya?

    “Kasi first time akong nagka-abs, I was depending on a gym so kailangan kong mag-gym every time. ‘Tapos later on, naging dependent naman ako sa boxing, Muay Thai, so I have to do it with someone naman.

    “E, right now, I do my program by myself, in my room, so saktung-sakto sa lock-in taping.”

    KAPAMILYA TO KAPUSO

    Nag-umpisa si Mike bilang Kapamilya, tulad ng kanyang kuya na si Carlos Agassi. Naging bahagi si Mike ng Star Circle Batch 9.

    Pero taong 2019, lumipat si Mike sa Artists Circle Talent Management Services at naging manager niya si Rams David.

    Si Rams ay ni-refer kay Mike ng singer-actor na si Bradley Holmes, na talent din ni Rams.

    Nagkasama at naging magkaibigan sina Mike at Bradley simula nang nagkasama sila sa ABS-CBN teleserye La Luna Sangre (2017). Nagkasama rin sila sa ilang episodes ng Ang Probinsiyano.

    Bilang isang Kapuso, unang napanood si Mike sa Pepito Manaloto at Bihag noong 2019, at Bilangin Ang Bituin Sa Langit noong 2020.

    Ngayong 2022 ay napapanood si Mike sa Widows’ Web, kung saan nakaranas siya ng una niyang lock-in taping.

    Pabor ba siya na ituloy ang lock-in or “bubble taping” na set-up kahit medyo lumuluwag na ang COVID-19 quarantine restrictions?

    Tugon niya, “Actually safety muna, ‘no. Pero siguro pag lock-in taping, ewan ko, ngayon ko na-feel yung may rest yung mga crew and yung mga bosses namin.

    “So I think it’s good for them, kasi sa kanila ako naawa, e, sila yung first in, last out, e.”



    Source link

  • Netflix to revisit Stanford Prison Experiment in new unscripted series

    Netflix to revisit Stanford Prison Experiment in new unscripted series

    Netflix is set to revisit the controversial Stanford Prison Experiment through a new unscripted series titled “The New Stanford Prison Experiment.”

    Source link

  • Naaksidenteng rider nag-sorry na sa pamilya ni Niño Muhlach

    Naaksidenteng rider nag-sorry na sa pamilya ni Niño Muhlach

    BIGLANG kumambiyo ang rider na nadamay sa aksidenteng kinasangkutan ni Niño Muhlach sa Marcos Highway sa Antipolo City, Rizal noong August, 2026.

    Matapos maglabas ng kanyang hinaing at reklamo sa social media si Nicolas Villanueva, ang isa sa mga biktima na nasaktan sa naturang insidente, ay bigla nga itong nag-sorry.

    Naging mainit na usapan ang pagpo-post ni Villanueva sa Facebook na nagrereklamo sa hindi pagtupad ni Niño sa mga pangako nitong tulong.

    Mababasa sa FB post ni Villanueva na burado na ngayon, “Sir NIÑO MUHLACH pangatlong linggo na po. Parang binabalewala na po ninyo ‘yung nangyari sa ‘kin.

    Baka Bet Mo: Misis ni Niño bumuwelta sa nagrereklamong biktima ng aksidente

    View this post on Instagram

    A post shared by Bandera (@banderaphl)

    “Ang galing galing niyong mangako pag may camera. Wala pala kayung isang salita sa mga sinasabi niyo. 

    “Di pa ako nakakapag trabaho dahil sa nangyari sakin pati motor ko di niyo pa rin pinapalitan,” aniya pa.

    Niresbakan naman siya ng misis ng aktor na si Diane Abby Tupaz at hinamon na maglabas ng resibo para patunayan ang kanyang mga bintang.

    “Totoo ba na walang tinupad si Niño Muhlach sa mga ipinangako nyang tulong??? 

    “Ikaw mismo sa sarili mo sigurado ka ba na walang naitulong si Niño? 

    “Kung hindi mo kayang aminin sa sarili mo yung totoo eh itanong na lang kaya natin kay Lord? Sya naman ang pinaka nakakaalam ng totoo. 

    “Paalala ko nga pala, may schedule ka ulit ng check up sa doctor mo bukas. Sasamahan ulit kayo sa check up mo ng family member namin.

    “Yan po ba ang sinasabi nyo na pinabayaan kayo ni Niño and hindi kayo inaasikaso???” ang post ni Diane sa kanyang Facebook page.

    Kasunod nito at matapos ngang makatanggap ng kaliwa’t kanang pamba-bash mula sa netizens, humingi ng tawad si Villanueva kina Niño at Diane.

    Post niya sa FB, “Isang taos-pusong paghingi ng paumanhin sa inyong lahat. Ako ay humihingi ng malalim na patawad sa aking mga nasabi at nagawang kamakailan. 

    “Alam ko na ang aking mga kilos ay nakasakit at nakadisakto (nakasama) sa marami sa inyo, at walang rason para balewalain ko ito.

    “Buong-puso kong tinatanggap ang responsibilidad sa aking pagkakamali. 

    “Hindi ko sinasadya na makasakit, pero alam ko na ang epekto ng aking ginawa ay totoo at seryoso,” aniya.

    Sabi pa ng rider, “Marami akong natutunan sa pangyayaring ito. Sana ay mabigyan ninyo ako ng pagkakataon na patunayan ito sa pamamagitan ng aking mga susunod na kilos.

    “Muli, humihingi po ako ng patawad sa inyong lahat Maam Diane Abby Tupaz, Sir Niño Muhlach, Maam Angela Muhlach Hortaleza,” aniya pa.

    Mensahe pa niya, “Taos puso po ako humihingi ng kapatawaran po. Nagawa ko lang po dahi sa dala nang aking emosyon dahil sa motor ko po ako umaasa para may pang suporta po ako sa pang araw araw namin. 

    “Muli hindi kabawasan sakin ang paghingi ng kapatawaran upang maging maayos po ang lahat. Maraming maraming salamat po,” ang pahayag pa ni Villanueva kalakip ang mga litrato niya kasama si Diane.

    The post Naaksidenteng rider nag-sorry na sa pamilya ni Niño Muhlach appeared first on Bandera.



    Source link

  • ICC Trial Chamber advises prosecution to reduce witnesses vs Duterte

    ICC Trial Chamber advises prosecution to reduce witnesses vs Duterte

    International Criminal Court (ICC) Trial Chamber III Presiding Judge Joanna Korner on Wednesday advised the prosecution in former President Rodrigo Duterte”s crimes against humanity case to think about reducing the number of their witnesses.

    Source link

  • 10 teleseryes with lead stars in bizarre roles

    10 teleseryes with lead stars in bizarre roles

    Both ABS-CBN and GMA-7 have produced teleseryes showing grotesquely disfigured characters.

    They are actually popular fare among television viewers, typically garnering reasonably good ratings. 

    A genre different from the magical “fantaserye,” some of these teleseryes have human characters with animal-like features and traits, others show superhuman beings.

    PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) lists 10 of these bizarre teleseryes with horridly misshapen characters as protagonists.

    KAMBAL SA UMA

    Network: ABS-CBN
    Airing: April 20 to October 9, 2009

    Kambal sa Uma was a TV adaptation of the 1979 movie headlined by Rio Locsin in dual roles as twins who were born with rat-like features after their mother ate rats when she was pregnant with them.

    In 2009, ABS-CBN bought the rights to produce a remake, with Rio playing a special role as the mom of the twins. This time, Rio’s characters in the movie were played by Melissa Ricks and Shaina Magdayao.

    In the story, the twins get separated when they are banished from their village as the townsfolk believe being exposed to them bring bad luck.

    Ella, played by Melissa, has hair, ears, and tail that resemble those of a rat. Fearing for her life, she grows up in hiding with her mother and has to wear a wig to be able to live a normal life.

    The other twin, Vira, played by Shaina, is adopted by a rich family who dotes on her, believing the rat-like fur on her back brings good fortune. She grows up to become a beautiful, popular girl in her campus while hiding her secret.

    Kambal sa Uma was a ratings winner during its run in ABS-CBN’s Hapontastic that it ran for six months on the air. It also successfully launched Melissa and Shaina’s careers as ABS-CBN’s new drama princesses.

    Kambal sa Uma is available for streaming on Jeepney TV’s YouTube channel.

    AGUA BENDITA

    Network: ABS-CBN
    Airing: February 8 to September 3, 2010.

    In 2010, ABS-CBN did a prime-time TV adaptation of the fantasy comics serial Agua Bendita by Rod Santiago. It also launched Andi Eigenmann as a lead star.

    In the series, Andi portrays the twins Agua and Bendita, both born miraculously after their mother drank the holy water from the town church. 

    The twins have very different physical features. Bendita has human features but is spoiled and a brat. On the other hand, Agua, born in water form, is kept in an aquarium. Staying in water makes Agua appear like a normal human being.

    Aside from Andi, the project also launched the career of Xyriel Manabat. Her performance as the young Agua and Bendita had impressed the viewers that her short appearance in the show was extended to eight weeks.

    There was even a report that Andi’s delayed appearance  in her supposed first lead project dismayed her mom, Jaclyn Jose. But it all ended well, and Andi was able to sustain the ratings of the show that it ran for seven months.

    Agua Bendita is available for streaming on Jeepney TV’s YouTube channel.

    ROSALKA

    Network: ABS-CBN
    Airing: May 17 to October 22, 2010

    Rosalka served as the launching pad of Empress after playing supporting roles in teleseryes.

    She played the role of Rosa, a young woman who grew up being ridiculed because of her hunchback.

    Growing into teenhood, Rosa transforms into a beautiful woman at a certain time of day. Apparently, there is a monstrous creature inside her back that kills people at night.

    For her role in Rosalka, Empress earned the title “Empress of Drama.”

    Rosalka is available for streaming on Jeepney TV’s YouTube channel.

    ALAKDANA

    Network: GMA-7
    Airing: January 24 to May 13, 2011

    Alakdana started the trend in GMA-7 to produce teleseryes that feature lead characters in macabre circumstances.

    The project, which groomed Louise delos Reyes into a homegrown actress, tells the story of Adana, a woman who grew up with a tail of a scorpion. As she keeps her secret, Adana falls in love with a rich and handsome man named Billy (Paulo Avelino).

    This series was the first project of Alden Richards, who played the handicapped best friend of Louise.

    Alakdana is available for streaming on GMA Network’s YouTube channel.

    KOKAK 

    Network: GMA-7
    Airing: November 14, 2011 to March 2, 2012

    Kokak was GMA-7’s TV adaptation of the 1989 movie starring Rachel Lobangco. For the TV adaptation, StarStruck V Ultimate Female Survivor Sarah Lahbati was chosen to portray the role. Sarah’s leading men in the series were TJ Trinidad and JC Tiuseco.

    Kokak tells the story of Kara (Sarah), a young woman cursed to become a frog. She has to find her true love to lift the curse. 

    MIRABELLA

    Network: ABS-CBN
    Airing: March 24 to July 24, 2014

    Mirabella tells the story of Mira (Julia Barretto), a young woman who grew up with a wooden-like face like her mother, Daisy (Dimples Romana), who was cursed.

    Mira is ridiculed and bullied by her classmates for her appearance. Her crush, Terrence (Sam Concepcion), befriends her only because she helps him with his school assignments.

    Mira’s only real friend is the blind Jeremy (Enrique Gil). Even when he can see after an eye operation, Jeremy remains devoted to Mira.

    A mysterious flower blooming in her mother’s statue enables Mira to transform into Bella, a clear-faced beauty seeking revenge against the people who have wronged her as Mira.

    ANG LIHIM NI ANNASANDRA

    Network: GMA-7
    Airing date: October 6, 2014 to February 6, 2015

    Ang Lihim ni Annasandra tells the story of Annasandra (Andrea Torres), a young woman who was cursed to become an “awok”—a black animal-like creature known to be “aswang” in their town.

    Her redeemer in this twisted love story is the rich William (Mikael Daez).

    The project was Andrea’s first venture into doing sexy roles on TV as she had to wear a sexy tube and “super short-shorts.”

    Ang Lihim ni Annasandra was replayed on GMA Afternoon Prime in 2021, which registered higher ratings than the GMA-7 shows airing at the time on the afternoon slot.

    KARA MIA

    Network: GMA-7
    Airing: February 18 to June 28, 2019

    Kara Mia was GMA-7’s talked-about series in 2019 with Barbie Forteza and Mika dela Cruz in the leads.

    Netizens were shocked by the trailer showing Barbie and Mika portraying the twins Kara and Mia in one body with a head bearing their faces, one in front and the other at the back.

    In the story, the twins are born with a real medical condition called Disprosopus or craniofacial duplication, a congenital defect where they have two faces but share the same body.

    For the show’s purposes, supernatural elements and superstition were injected in the story as exemplified by an engkanto named Iswal (Mike Tan), Kara and Mia’s “father.”

    One remarkable scene is the confrontation between Kara and Mia by the bridge. Barbie has to walk backwards and slap herself to show that Mika’s character, whose face is at the back of Barbie’s head, is controlling her.

    DRAGON LADY 

    Network: GMA-7
    Airing: March 4 to July 20, 2019

    Dragon Lady featured Janine Gutierrez in the lead, where she played Celestina, a woman who was cursed to have dragon-like features after her mother acquired a dragon statue that brought good luck.

    One disturbing scene shows Bea Binene, who portrayed the young version of Celestina’s mother (Diana Zubiri), giving birth to a humongous egg that hatches Celestina.

    Apart from her dragon-like features, Celestina also has the power to breathe fire!

    In the tragic scene where Celestina is burned alive by her enemies, she is saved and transformed into a normal, beautiful being by her own supernatural power.

    From there, Celestina becomes Scarlet Del Fuego, a rich lady vowing revenge against the people made her previous life miserable.

    HIWAGA NG KAMBAT

    Network: ABS-CBN
    Airing: April 21 to August 25, 2019

    Hiwaga ng Kambat, a weekend teleserye of ABS-CBN in 2019, was dubbed a horror fiction series. 

    The story revolves around the twins (Edward Barber and Grae Fernandez) whose mother Melissa (Sunshine Cruz) is cursed to have kids that will turn into bats.

    The curse comes true, with one of the twins, Iking (Edward), looking like a bat and is abandoned by her parents. Iking is blind, has strong hearing, and turns into a humanoid bat at night.

    Separated from Iking, the other twin, Mateo (Grae), grows up in a normal home  but is  impatient and hot-blooded.

    Mateo and Iking’s lives cross when they enter the same school and become intense rivals, not knowing they are twins.

    [ArticleReco:{“articles”:[“164916″,”164908″,”164905″,”164913”], “widget”:”Hot Stories”}]

    Source link

  • ALAMIN: Bakit Setyembre pa lang, Pasko na sa Pilipinas?

    ALAMIN: Bakit Setyembre pa lang, Pasko na sa Pilipinas?

    MULA sa unang tugtog ng Christmas songs hanggang sa paggisng ng maaga para sa Simbang Gabi at masayang pagpaplano ng reunion— bakit nga ba tila pinakamahaba ang Pasko sa Pilipinas?

    Pagtungtong pa lang ng Setyembre, parang awtomatiko nang nagbabago ang “feels” ng mga Pilipino at nandyan na ang pakiramdam na “Malapit na ang Pasko!”

    Unti-unti nang lumilitaw ang mga parol, Christmas lights at iba pang dekorasyon. Sa mga shopping malls, nagsisimula nang marinig ang mga awiting pamasko. Sa social media naman, naglipana na ang mga biro tungkol sa pagsisimula ng “ber months.”

    Sa ibang bahagi ng mundo, maaaring masyado pang maaga para isipin ang Pasko. Pero sa Pilipinas? Normal lang.

    Sa katunayan, kilala ang Pilipinas sa napakahaba at napakaagang Christmas season. Ngunit hindi lamang ito simpleng usapin ng pagkahilig ng mga Pinoy sa Christmas songs o Christmas decorations. Sa likod ng mahabang Kapaskuhan ay may kuwento ng pananampalataya, pamilya, tradisyon at kulturang patuloy na naipapasa mula sa isang henerasyon patungo sa susunod.

    Hindi lang isang araw ang Pasko

    Para sa maraming Pilipino, ang Pasko ay hindi lamang Disyembre 25. Isa itong buong panahon ng paghahanda at pagdiriwang.

    Bago pa man sumapit ang Pasko, nagsisimula na ang iba’t ibang aktibidad, mula sa pagpapalamuti ng bahay at Christmas parties hanggang sa mga reunion, gift-giving at mga gawaing panrelihiyon.

    Pagdating naman ng Disyembre, lalo pang umiinit ang selebrasyon. May Simbang Gabi, caroling, Christmas gatherings at mga salu-salo.

    At kapag natapos na ang December 25, hindi pa rin agad nagsasara ang Kapaskuhan. May mga pamilyang nagpapatuloy sa reunion at iba pang pagtitipon hanggang Bagong Taon at maging sa mga unang araw ng Enero.

    Kaya para sa maraming Pilipino, ang Pasko ay mas maituturing na panahon kaysa isang petsa sa kalendaryo.

    Ugat sa pananampalataya

    Isa sa pinakamalalim na dahilan ng kahalagahan ng Pasko sa Pilipinas ay ang pananampalatayang Kristiyano.

    Para sa mga Pilipinong Kristiyano, ang Pasko ay paggunita sa kapanganakan ni Hesukristo. Dahil dito, may mga tradisyong hindi lamang nakasentro sa kasiyahan kundi maging sa paghahanda ng sarili para sa pagdiriwang.

    Pinakamalinaw dito ang Simbang Gabi, ang siyam na araw na serye ng mga misa bago ang Pasko. Sa ganitong paraan, ang Pasko ay nagsisimula bago pa man dumating ang mismong araw ng pagdiriwang.

    Kapag Pasko, umuuwi ang pamilya

    Sa panahon ng Kapaskuhan, nagiging mahalaga ang pagkakataong makasama ang mga mahal sa buhay lalo na ang mga kamag-anak na matagal nang hindi nakikita.

    May mga umuuwi mula sa ibang lungsod. May mga bumabalik sa probinsiya. May mga nagtatrabaho o naninirahan sa ibang bansa na nagsisikap na makauwi para sa Pasko. Kahit hindi makauwi ang lahat, may video calls, online greetings at iba pang paraan para manatiling konektado.

    Kaya naman ang isang simpleng hapunan sa Noche Buena ay maaaring maging malaking reunion. Hindi kailangang bongga ang handa. Ang mahalaga, kumpleto ang mga mahal sa buhay.

    Bakit “ber months” pa lang, Pasko na?

    Dito pumapasok ang isang kakaibang bahagi ng kulturang Pilipino: ang tinatawag na “ber months.” Setyembre pa lamang, nagsisimula nang maging mas visible ang Pasko sa paligid.

    Mga establisimyentong naglalabas ng dekorasyon. May Christmas-themed promotions. May mga patalastas na unti-unting nagiging mas festive. At siyempre, may mga awiting pamasko na muling bumabalik sa playlist ng marami.

    Malaki ang papel dito ng media at negosyo. Kapag mas maagang ipinapakita ang mga simbolo ng Pasko, mas maaga rin itong nagiging bahagi ng pang-araw-araw na karanasan ng mga tao.

    Pero hindi naman nangangahulugan na negosyo lamang ang dahilan kung bakit maaga ang Pasko sa Pilipinas. Mas malalim ang pinagmulan nito. Mayroon nang matibay na tradisyong panrelihiyon at pampamilya bago pa man dumating ang modernong Christmas marketing.

    Parol, caroling at ang tunog ng Pasko

    Hindi rin magiging Paskong Pinoy kung wala ang mga simbolong matagal nang bahagi ng selebrasyon.

    Isa na rito ang parol, na makikita sa mga tahanan, paaralan, simbahan at pampublikong lugar. Ang makukulay na parol ay naging isa sa mga pinakakilalang simbolo ng Paskong Pilipino.

    Nariyan din ang Christmas caroling na isang tradisyong nagbibigay-buhay sa mga komunidad tuwing Kapaskuhan. At siyempre, hindi mawawala ang mga kantang pamasko.

    Kapag narinig na ang mga awiting matagal nang bahagi ng ating childhood, tila may kasamang nostalgia ang bawat nota. Para sa ilan, sapat nang marinig ang unang ilang segundo ng isang Christmas song para maalala ang mga Paskong kasama ang pamilya noong bata pa.

    Pasko at ang kultura ng pagbibigayan

    Isa rin sa mahahalagang bahagi ng Paskong Pilipino ang pagbibigay.

    May regalo para sa mga anak, inaanak, kaibigan, katrabaho at kamag-anak. May exchange gift sa opisina at paaralan. May mga simpleng pasalubong para sa mga taong hindi madalas nakikita.

    Ngunit higit sa materyal na halaga ng regalo, mahalaga ang mensaheng kasama nito.

    Ang isang maliit na regalo ay maaaring magsabi ng “naalala kita.” At ang pag-uwi sa pamilya ay maaaring maging simpleng paraan ng pagsasabing “nandito ako para sa inyo.”

    Mahaba dahil mahalaga ang pagsasama

    Sa huli, maaaring walang iisang sagot kung bakit napakahaba ng Pasko sa Pilipinas.

    Pinagsasama-sama nito ang maraming elemento ng kulturang Pilipino: pananampalataya, pamilya, tradisyon, musika, pagkain, pagbibigayan at pakikipagkapwa.

    Kaya naman habang ang ibang bansa ay maaaring naghihintay pa sa Disyembre bago tuluyang pumasok sa Christmas mood, sa Pilipinas ay tila unti-unti na itong nagsisimula pagsapit ng Setyembre.

    At marahil, hindi naman talaga mahalaga kung gaano ito kaaga.

    Dahil para sa maraming Pilipino, ang Pasko ay hindi lamang tungkol sa araw kung kailan ipinagdiriwang ang kapanganakan ni Hesus.

    Ito rin ay tungkol sa pagkakataong makauwi, makasama, makapagbigay, makapagpasalamat at muling makaramdam ng pagiging bahagi ng isang pamilya at komunidad.

    The post ALAMIN: Bakit Setyembre pa lang, Pasko na sa Pilipinas? appeared first on Bandera.

    Source link