Alessandra de Rossi umay na sa friendship na pang-socmed lang: Pagod na ako!

Alessandra de Rossi umay na sa friendship na pang-socmed lang: Pagod na ako!

PHOTO: facebook/Alessandra de Rossi

TILA nagiging mahirap na para sa ilan ang makahanap ng mga tunay na kaibigan.

At isa na riyan ang batikang aktres na si Alessandra de Rossi na aminadong napagod na sa mga relasyong hindi naman pala totoo o pakitang-tao lang, lalo na sa social media.

Sa latest interview, ikinwento ni Alessandra ang kanyang mga naging karanasan sa mga taong inakala niyang tunay na kaibigan, pero tila mas interesado lamang sa magagandang litrato at sosyal na buhay na maipapakita online.

“Kung gusto nila ng sosyal na life na puro post lang pero walang laman ‘yung buong pagkikita niyo, na parang sayang lang ‘yung buong araw mo na wala kayong ibang ginawa kundi mag-picture at [ipakita] na maganda ang gamit mo, ayaw ko na,” diretsahan niyang pag-amin.

Baka Bet Mo: Alessandra de Rossi pinatsugi ng co-star sa project: ‘Ayoko sa ‘yo!’

“Ayaw ko na. Mas gusto ko lang ‘yung simpleng tao lang na kausap na pupunta ‘yung usapan tungkol sa life, how we can handle life better instead of ‘I want to have this, I want to have that, I want to own this, and I will post it.’ Napagod na ako,” dagdag niya.

Masakit din para kay Alessandra na malaman na may mga taong nakipagkaibigan lamang sa kanya para magkaroon ng litrato kasama siya na pwedeng i-flex sa social media.

“‘Yung [ibang] friends ko, kinaibigan lang ako for the photos. Gets mo? ‘Yung mga ganoon na para mai-post lang pero walang laman [ang pag-uusap at pagkikita]. Hindi pala kami close. ‘Yung friendship namin na sobrang tagal na, wala palang ibig sabihin ‘yun,” chika pa niya.

“Ang dami kong natutunan about life, psychology, trauma, mga ganyan. Alam mo ‘yung gusto mong may kabatuhan ka [tungkol sa mahahalagang bagay]. Kaya lang kapag kinausap mo ‘yung iba, Kardashians ang topic. Ayaw ko na,” wika pa niya.

Sa ngayon, mas naging mapili na raw ang aktres sa mga taong pinapapasok niya sa kanyang buhay. 

Napagtanto rin niyang hindi porke’t totoo at malinis ang intensyon niya ay ganoon din ang mga taong makikilala at makakasalamuha niya.

“Kahit gaano ka ka-true, may mga tao sa paligid mo na hindi ‘yun ang intentions. Ako, pure ang intentions ko, so dapat lahat ng maa-attract ko ay pure, ‘di ba? Pero [hindi ganoon ang nangyari]. Hindi siya totoo,” esplika niya.

Kaya naman, may payo si Alessandra sa mga nakararanas din ng ganitong klaseng pagkakaibigan. 

Huwag daw ipilit ang isang relasyon kung paulit-ulit nang ipinapakita ng isang tao na hindi maganda ang kanyang intensyon.

“Just be true to yourself. Darating ang tamang tao para sa’yo. Open your eyes. Once you see a red flag, ‘yun na ‘yun. Tama na ‘yung hope na ‘benefit of the doubt’,” aniya.

The post Alessandra de Rossi umay na sa friendship na pang-socmed lang: Pagod na ako! appeared first on Bandera.

Source link