BIBISITA sa Pilipinas ang Hollywood actress at humanitarian na si Angelina Jolie para sa 2026 Asean Inclusive Growth Summit, kung saan isa siya sa mga magiging speaker.
Ito ay mismong kinumpirma ng Mastercard Center for Inclusive Growth, ang host ng summit, sa pamamagitan ng isang social media post nitong Biyernes, Nobyembre 6.
“For more than two decades, Angelina has championed human rights, advocated for refugees and displaced communities, and worked to protect vulnerable populations around the world,” mababasa sa caption ng kanilang post.
Pagpapatuloy nila, “On Nov. 11, she joins leaders and changemakers in Manila to explore new perspectives on opportunity, inclusion, and building a more resilient future across Southeast Asia.”
Baka Bet Mo: Anak nina Angelina Jolie, Brad Pitt na si Vivienne tinanggal Pitt sa pangalan
Maliban kay Angelina, kasama rin sa mga speaker ang Broadway icon na si Lea Salonga, beauty queen na si Kylie Verzosa, at Filipino fashion designer na si Rajo Laurel.
Ang 2026 Asean Inclusive Growth Summit ay isang panrehiyong pagtitipon ng mga lider at propesyonal mula sa iba’t ibang industriya na nakatuon sa pagtalakay kung paano makatutulong ang mga pangunahing sektor ng paglago sa pagkamit ng kaunlarang pakikinabangan ng lahat sa buong rehiyon.
The post Angelina Jolie speaker sa 2026 Asean Inclusive Growth Summit appeared first on Bandera.
