Anak nina Robi Domingo, Maiqui Pineda na si Emmanuel bininyagan na

Anak nina Robi Domingo, Maiqui Pineda na si Emmanuel bininyagan na

Robi Domingo, Maiqui Pineda at Baby Emmanuel kasama ang kanyang mga ninong at ninang

BININYAGAN na ang panganay na anak nina Robi Domingo at Maiqui Pineda na si  Emmanuel.

Nagbahagi ng mga litrato sa social media ang mga celebrity friends nina Robi at Mauqui na kuha sa binyag ni Emmanuel.

Ang nag-officiate nito ay si Father Tito Caluag, batay sa mga photos na ibinahagi nina Bianca Gonzalez at Darren Espanto.

“Welcome to the Catholic faith, our dearest Emmanuel,” ang caption ni Bianca sa litratong ipinost niya sa kanyang Instagram Story.

Post naman ni Darren sa IG Story, “Ninong duties for today.”

Matatandaang noong June 1 nang ibandera ni Robi na magiging daddy at mommy na sila ni Maiqui.

Baka Bet Mo: Robi Domingo, Maiqui Pineda may inamin sa pag-aalaga kay Baby Emmanuel

“Our newest housemate,” ang caption ng Kapamilya TV host sa photo nila ni Maiqui kasama si Emmanuel.

Aminado si Robi na nakakapagod talaga ang pagiging hands-on daddy pero mas nangingibabaw ang kaligayahan at excitement. 

“Yes, sometimes it can be tiring, oftentimes it can be humbling… but we are fulfilled. To our newborn Emmanuel, it is always a blessing and privilege to have and hold you,” ani Robi sa isang post.

Ikinasal sina Robi at Maiqui noong January, 2024 sa isang intimate church wedding. 

The post Anak nina Robi Domingo, Maiqui Pineda na si Emmanuel bininyagan na appeared first on Bandera.

Source link