Alex Eala mas type lumafang ng durian kesa balut, komedyante rin

Alex Eala mas type lumafang ng durian kesa balut, komedyante rin

Alex Eala

NAPASABAK ang Filipina tennis superstar na si Alex Eala sa isang fun Q&A session kung saan ibinandera niya ang ilang bagay na hindi pa knows ng madlang pipol about her.

Kung maituturing na sa “halimaw” si Alex sa loob ng tennis court, simple lang naman ang mga favorite niyang kainin at gawin sa mga araw na wala siyang laban.

Nagbahagi ang dalaga ng ilang fun facts tungkol sa kanyang sarili sa panayam ng CNA Lifestyle.

Unang-una na riyan ang choice niya between backhand or forehand, “Backhand. I think my backhand has been very consistent and it’s been good ever since I was young. 

“And now, it’s only recently that my forehand has been really good,” aniya.

Pagdating naman sa fashion, mukhang may ibubuga rin si Alex lalo na ng maispatan siya kamakailan sa isang fashion event. 

“I love to experiment with colors. I love a pop of color. I love comfortable things. And recently, I’ve been wearing a lot of dresses and a lot of skirts,” sey ng dalaga. 

Ang go-to meal naman ng tennis star ay sinigang. Gustung-gusto raw niya itong kainin lalo na kapag malayo siya sa Pilipinas.

“Soup, I love it. It’s warm. It feels homey,” sey ni Alex.  

At nang papiliin naman siya kung ano ang gusto niyang kainin – durian o balut, ang una ang isinagot ni Alex.

When it comes to music, iba-iba raw ang pinakikinggan niya bago siya sumabak sa isang matinding laban.

Baka Bet Mo: Alex Eala tumangging pirmahan bandera ng Pinas, umani ng papuri

Pero ang isa raw sa kanyang go-to artist ay ang Canadian singer-rapper na si Drake, “It can vary. I do a lot of reggaeton. I do a lot of Drake, actually. But sometimes I do like girly pop, you know, just to get me in a good mood.” 

Sey pa ni Alex, ang isa pa sa hindi alam ng publiko sa kanya ay ang kanyang pagiging komedyana.

Pero aniya, medyo kilala na siya ng kanyang mga kaibigang atleta bilang masayahin, tulad ng mga best player na sina Iva Jovic, Zeynep Sönmez, Eva Lys, at iba pa. 

“I think they know my sense of humor. And I can have a pretty good sense of humor if you get to know me,” sey ng dalaga. 

Inilarawan naman niya ang sarili bilang “beach girl through and through.” Mas gugustihin daw niyang magbakasyon sa beach kesa mag-night life sa city.

Ang mga dream opponents naman niya sa tennis court ay sina former WTA World No. 1 players Serena Williams at Maria Sharapova. 

“Serena is just the greatest of all time. And Maria is someone I’ve looked up to ever since I was a baby,” sey ni Alex.

Pinapili rin siya between boxing legend at kapwa Filipino athlete na sina Manny Pacquiao at former World No. 1 Rafael Nadal, na naging mentor niya sa Rafa Nadal Academy in Spain.  

“Guys, that’s not fair. You guys did me dirty,” natawang hirit ni Alex. 

At sa tanong kung ano ang best life advice na natanggap niya, “To be a good person. To do your best, to be a good person, and be happy.”

The post Alex Eala mas type lumafang ng durian kesa balut, komedyante rin appeared first on Bandera.

Source link