Alex Eala gagawa uli ng kasaysayan sa ‘Game. Set. Celebrate.’

Alex Eala gagawa uli ng kasaysayan sa ‘Game. Set. Celebrate.’

Alex Eala at Janice Tjen

UMABOT na sa 20,000 ang nabentang ticket para sa inaabangang sports event na “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate.” 

Tinatayang magiging pinakamalaking one-day tennis event ito sa kasaysayan ng Pilipinas.

Hindi maikakaila na lalong tumitindi ang pananabik ng mga Pinoy sa pagbabalik ng tennis star sa Pilipinas kung saan makakatunggali niya si Janice Tjen ng Indonesia sa Philippine Arena sa December 8, 2026. 

Hinihirang ang laban bilang bakbakan ng mga pinakamagagaling na babaeng atleta sa tennis sa Asya.

Nagpapasalamat si Alex sa mga bumili na ng ticket at sa mga bibili pa para sa kanilang suporta. 

Mensahe ni Alex, “It’s amazing to know that so many fans have already bought tickets to come and watch us play. Thank you to everyone back home for the incredible support. 

“I can’t wait to walk out at the Philippine Arena, hear the roar of the crowd and take on  Janice on December 8,” aniya pa.

Ayon sa organizers, masasabing ang record-breaking ang bilang ng mga ticket na nabenta para sa isang tennis match sa Pilipinas. Lubos ang kanilang galak na mas maraming Pilipino ang makasasaksi ng de-kalibreng sporting event.

“We are delighted with the response from fans and want to thank them for their support. The speed and strength of ticket sales show just how much appetite there is to see Alex play at home.

Baka Bet Mo: Alex Eala tumangging pirmahan bandera ng Pinas, umani ng papuri

“This is not simply about bringing two exceptional young tennis players to the Philippine Arena. It is about giving Filipino families, young players and a new generation of fans the opportunity to experience world-class tennis up close, and to see what is possible when one of our own competes at the highest level,” ani Irene Francisco, Managing

Director ng Tatler Philippines.

Layon ng organizers na magbigay ng inspirasyon sa susunod na henerasyon at palaganapin ang tennis sa Pilipinas. Dahil higit kumulang sa dalawampung libong tickets na ang nabenta, lumalakas ang loob ng organizers.

“The response so far has been hugely encouraging,” ani Michel Lamunière, Chairman at CEO ng Tatler Group.

“We always believed there was an appetite to see Alex play at home, but seeing more than 20,000 people already secure their place tells us that this event means something to Filipino tennis fans,” dagdag niya.

Nais pa rin nilang mapuno ang 50,000-capacity na Philippine Arena. Sa likod ng bilang na iyon ay ang kagustuhang mapasaya ang mga Pilipino at makapag-ambag sa pag-unlad ng sport.

Ani Ginoong Lamunière, “The real opportunity is to bring as many Filipinos as possible into the arena, celebrate the power of tennis together and give young players something to aspire to.”

Na-conceptualize ang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate” bilang isang buong araw na hitik na hitik sa tennis. Ang laban Alex Eala kontra Janice Tjen ang main feature.

Magsisimula ang araw sa laban ng Hot Stars na binubuo ng mga national junior players at papausbong na pros ng Philippine Tennis Association. Sa ganitong paraan, makapaglalaro ang Hot Stars sa arena court at sa harap ng audience nina Alex Eala at Janice Tjen.

Kasunod ng Hot Stars ang Celebrity Match.

Ang headline match nina Alex Eala at Janice Tjen ay magkakaroon ng tatlong sets at ang mananalo ay ibabase sa kung sino ang pinakamaraming panalo sa loob ng tatlong sets. 

Ang mga patakaran, kabilang ang tungkol sa Overtime at Super Shootout, ay ibabahagi sa accredited media at sa ticket holders bago maganap ang “Alex Eala Live: Game. Set. Celebrate.”

Narito ang oras ng programa:

10:30 Magbubukas ang gates

12:00 Magbubukas ang arena bowl

13:15 Pre-show entertainment

13:30 HOT STARS, Philippine juniors at rising professionals

14:10 CELEBRITY MATCH

15:00 MAIN FEATURE, Alex Eala at Janice Tjen player walk-ons

15:10 SET 1, Alex Eala vs Janice Tjen

15:45 Set break and entertainment

15:50 SET 2, Alex Eala vs Janice Tjen

16:25 Set break and entertainment

16:30 SET 3, Alex Eala vs Janice Tjen

17:00 Trophy presentation at Alex Eala address

17:30 Closing at staged egress

The post Alex Eala gagawa uli ng kasaysayan sa ‘Game. Set. Celebrate.’ appeared first on Bandera.

Source link