Alden Richards bumanat: Karma is real! May araw din sila!

Alden Richards bumanat: Karma is real! May araw din sila!

Alden Richards

TAGOS na tagos ang pahayag ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards laban sa mga taong walang ginawa sa buhay kundi kasamaan sa kapwa.

Naniniwala ang award-winning actor at TV host na lahat ng mga ginagawa at sinasabi ng tao sa mundo ay may kakambal na karma.

Sa isang panayam, matapang na naglabas ng saloobin ang Kapuso superstar hinggil sa paggawa ng masama at pagsasabi ng hindi maganda sa kapwa.

“If something is done out of ill intentions, one way or another, it will hunt you back. Karma is real. You reap what you sow,” ang paliwanag ni Alden na mapapanood sa video na in-upload sa ReRunway Sustainable Lifestyle page. 

Dugtong pa ng premyadong aktor at Box-Office King, hindi lang kabutihan ang may katumbas na reward dahil pati ang masasamang gawain ay may balik din sa taong gumawa nito.

“Akala n’yo sa mabuting paraan lang narereward? Narereward din ang mga masasama. Hintayin lang nila. May araw din sila,” ang diretsahang sabi ng binata.

Patuloy ni Alden sa kanyang adbokasiya sa paggawa ng kabutihan sa ibang tao, “Someone has to start. Someone has to make the move, and this is my way. 

Baka Bet Mo: Alden Richards nanapak dahil tinawag na bading? 

“This is my moment, together with my team, to find ways to improve the quality of life of Filipinos on a much bigger scale. One event and one commitment at a time,” lahad ni Alden.

Base sa mga comments na nabasa namin, kahit walang nabanggit na pangalan si Alden, halos lahat ng netizens ay ikinonek ang pahayag ng binata sa mga malilisyoso at kadema-demandang rebelasyon ng social media personality na si Xian Gaza.

Kung hindi kami nagkakamali, ang naging pahayag ni Alden ay tungkol sa mga corrupt at magnanakaw na government officials na nagpapahirap sa sambayanang Pilipino.

The post Alden Richards bumanat: Karma is real! May araw din sila! appeared first on Bandera.

Source link