Alden, Joshua, Coco, Donny umeksena kaya sa PBB Collab 3.0?

Alden, Joshua, Coco, Donny umeksena kaya sa PBB Collab 3.0?

Joshua Garcia, Coco Martin, Donny Pangilinan at Alden Richards

IBINANDERA ng ilang “Pinoy Big Brother Collab 3.0” housemates kung sino sa mga kilalang celebrities ang gusto nilang makasama sa loob ng Bahay ni Kuya.

Natanong kasi ang bagong batch ng housemates ni Big Brother kung sino ang kanilang dream celebrity na nais makasama at maka-bonding sa “PBB” house. 

In fairness, parang nakabuo na ng fans club ang Kapamilya actor na si Joshua Garcia sa Bahay ni Kuya dahil siya ang napili nina Ethan Benares at Calix Esguerra. 

Ayon sa dalawang male housemate, gusto nilang makasama ang aktor para makahingi ng advice pagdating sa aktingan.

Kung matatandaan, naging housemate rin si Joshua nang mapasama sa “Pinoy Big Brother: All In” noong 2014.

Si Joshua rin ang bet ni Primo Alterado dahil birong hirit niya, “Medyo magkamukha kami, eh.”

Bukod kay Joshua, nais din niyang makasama sa loob ng Bahay ni Kuya ang singer-actor na si Juan Karlos dahil hinahangaan niya ang madamdaming musika nito.

Tiyak na magiging masaya raw ang mga kantahan at jamming session kung magkakasama sila sa iconic PBB house.

Hindi rin nagpahuli si Donny Pangilinan sa listahan ng mga celebrity na gustong makasama ng housemates. 

Matagal nang fan ni Donny si Calix, habang unang pinili naman ni Shea Valerio ang heartthrob bilang dream housemate.

Baka Bet Mo: Bela Arcal nagpa-wax ng ‘kiffy’ bago pumasok sa PBB 3.0: Ang sakit!

Pero dahil marami na raw ang may gusto kay Donny, nag-isip si Shea ng ibang dream celebrity housemate at ang kanyang naging final choice – walang iba kundi si Jericho Rosales.

Si John Lloyd Cruz naman ang napili ni Anthony Constantino. Kuwento niya, si John Lloyd ang unang nagmulat sa kanya sa husay ng mga artistang Pilipino nang dumating siya sa bansa at hindi pa gaanong pamilyar sa local showbiz.

Kilig na kilig naman ang certified AlDub fan na si Bela Racal nang mapag-usapan ang kanyang ultimate idol na si Alden Richards.

Naalala pa ni Bela na nakita niya nang personal ang aktor sa isang local event sa kanilang probinsya noong 2012. 

Patunay sa pagiging solid fan niya, nagpagawa pa siya noon ng customized shirt na may mukha o pangalan ni Alden para sa nasabing event.

May isa pang celebrity na gustong maging Kuya figure sa loob ng bahay, at ito ay si Ryan Bang na napili ni Cianne Dominguez.

Bukod sa pagiging dating “PBB” housemate ni Ryan, personal na ring nasaksihan ni Cianne kung gaano ito kaalaga, ka-supportive at ka-gentleman sa kanilang pagsasama sa “It’s Showtime.”

Kung good vibes at tawanan naman ang pag-uusapan, swak na swak para kay Mikee Quintos si Bayani Agbayani. 

Para sa kanya, malaking tulong sa mga housemate ang presensiya ng isang taong kayang magpagaan ng mood sa gitna ng mahihirap na hamon sa loob ng bahay.

Good vibes din ang hanap ni Nathan Garcia kaya naman ang napili niya ay ang “PBB Double Up” Big Winner na si Melai Cantiveros.

Hindi rin mawawala ang aksiyon sa mga dream housemate. Gusto ni Jeo Ong na makasama ang lead star at direktor ng seryeng “Sigabo” na si Coco Martin.

May celebrity bestie naman na naiisip si Gehlee, at ito ay ang dating “PBB Celebrity Collab Edition” housemate na si Esnyr, na hinahangaan niya dahil sa pagiging malambing at mabait.

Hindi lang basta sikat na personalidad ang hanap ni Robbie Jaworski. Gusto niyang makasama ang isang taong marami siyang matututuhan tungkol sa buhay. 

Kung mula naman sa music industry ang pipiliin, bet niya ang rock icon na si Bamboo.

Para kay Nicole Fortuna, malaking tulong sa mga housemate ang pagiging madiskarte ng social media personality na si Bretman Rock, lalo na kapag mahihirap na ang mga tasks sa loob ng bahay.

Gusto rin ni Raheel Bhyria na maranasan ng kaniyang malapit na kaibigang si Kokoy De Santos ang buhay bilang housemate sa sikat na bahay ni Kuya.

Samantala, si Kim Atienza naman ang celebrity choice ni Lans Nagal dahil nagsisilbi itong mentor niya sa mundo ng showbiz.

Pero ang pinakanatatanging dream housemates ay ang pinili ni Winwyn Marquez. Bakit pa raw maghahanap ng ibang celebrity kung maaari namang makasama ang sarili niyang celebrity parents?

Gustong makasama ni Winwyn sa Bahay ni Kuya ang kanyang amang si Joey Marquez at inang si Alma Moreno. Para sa kanya, siguradong perfect trio silang tatlo!

Sino kaya sa mga celebrity na ito ang posibleng sorpresang pumasok sa Bahay ni Kuya bilang houseguest? At kaninong celebrity crush kaya ang matutupad na pangarap na makasama ang kanilang idolo?

The post Alden, Joshua, Coco, Donny umeksena kaya sa PBB Collab 3.0? appeared first on Bandera.

Source link