NAGSALITA na ang isa sa miyembro ng Sexbomb Girls na si Aira Bermudez upang ipagtanggol ang kanilang lider na si Rochelle Pangilinan.
Sa kanyang Facebook page, ibinahagi niya ang isang artcard mula sa kanilang guesting sa “Fast Talk With Boy Abunda” kung saan natanong sila sa kung anong klaseng lider si Rochelle.
Bukod sa kanyang naisagot sa naturang panayam, ibinandera ni Aira kung gaano kalaki ang sinakripisyo ng kanilang leader para sa kanilang grupo.
Aniya, maging ang sariling pag-unlad para sa kanyang career ay isinantabi nito para sa kanila.
Baka Bet Mo: Rochelle Pangilinan nagsalita na sa ‘away’ daw nila ni Jopay
View this post on Instagram
“May mga taong ginagawang bossy ang pagiging matatag, at tinatawag na control freak ang pagiging deretso magsalita. But what they don’t see is the heart behind it all. Rochelle is the kind of leader who will always put the group’s growth above her own career,” saad ni Aira.
Aniya, maaaring maging mahigpit sa kanila si Rochelle pero nage-gets niya kung saan ito nagmumula.
Lahad pa ni Aira, “Strict sya kasi mataas ang standards niya, and she pushes us to have this level of discipline so we can give our absolute best sa lahat ng naniniwala sa talent namin.
“She just wants to share the blessings, wisdom, and success na pinaghirapan nya. People love to embrace the wins without seeing the silent sacrifices she makes to get us there and that’s okay.”
Nakikita rin ni Aira na pure ang puso nito at ang kanyang ibinubuhos sa pagtatrabaho.
“I know her heart, I see her hard work, at buong-buo ang respeto ko sa kanya. A true leader who carries us all with pure love,” dagdag pa niya.
Ipinahayag ng mga tagahanga ng girl group ang kanilang suporta sa comment section at sumang-ayon sa mga pahayag ni Aira.
Pinuri rin ng ibang netizens ang SexBomb Girls dahil sa pagiging mature nila pagdating sa pagpayag kay Rochelle na pamunuan sila.
Noong unang bahagi ng linggong ito,
ipinaliwanag ni Rochelle kung bakit wala ang ilan sa mga miyembro sa kanilang pinakabagong awitin na “Mama Mama,” na inilabas nitong unang bahagi ng buwan.
The post Aira Bermudez ipinagtanggol si Rochelle Pangilinan, hanga sa pagiging lider appeared first on Bandera.
