SHOOKT ang madlang pipol sa pasabog at paandar na “wedding” ng Comedy Queen na si Ai Ai delas Alas.
Usap-usapan ngayon sa social media ang video ng veteran comedienne kung saan nakasakay siya sa isang bridal car.
Suot ang kanyang bonggang wedding gown, makikita si Ai Ai na may hawak na red flower, at naglalakad papasok sa isang magarang venue.
Ang caption ng komedyana sa kanyang Facebook post, “Again?!!! Yes at hindi ako mag eexplain. Surprise!!!” With matching hashtag na “#BeautifulBride.”
Siyempre, ang paniwala ng ilang nakakita rito ay muli na namang ikakasal si Ai Ai ngunit paglilinaw ng aktres, para raw ito sa isa niyang endorsement for an events venue.
“Oh bakit? Ano? Akala n’yo, totoo na naman,” ang dialogue ni Ai Ai sa kalagitnaan ng video.
“Oh, bakit hindi ba puwedeng maglakad dito? Oh, ganda ko ‘di ba? Uy, ganda-ganda rito. Sobra.
“Ang ganda-ganda rito, dito kayo magpakasal. Dito ko ipapakasal yung anak ko,” ang sey pa ng aktres.
Baka Bet Mo: Ai Ai delas Alas binalak layasan ang showbiz para alagaan si Gerald Sibayan
Pagpapatuloy pa niya, “Hindi man ako ikasal… pero actually, gusto ko rito eh. Ang tanong lang, kanino?
“Kaya yung anak ko na lang muna. Si Sancho dito ikakasal saka yung aking daughter-in-law,” hirit ni Ai Ai.
Matagal nang hiwalay at divorced si Ai Ai sa dati niyang mister na si Gerald Sibayan. Tumagal din ng halos isang dekada ang kanilang relasyon.
Ayon kay Ai Ai, nakipaghiwalay raw si Gerald sa kanya pamamagitan lamang ng text message.
Nito lamang nagdaang September ay balitang nagpakasal na si Gerald sa ibang babae sa Amerika.
The post Ai Ai delas Alas ibinandera bonggang wedding: Again!? Surprise!!! appeared first on Bandera.
