Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya

Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya

IBINUKING ng Star Magic artist na si Shanaia Gomez na minsan siyang binalak pormahan ng isang celebrity noong siya ay 14 years old pa lamang.

Sa isang video na ipinost ng dalaga sa kanyang Facebook page, ibinandera niya ang convo o usapan nila ng isang artista na nag-slide sa kanyang DM (direct message) noong bagets pa siya.

“Well today, I’m gonna be showing you some of the most interesting DMs that I have got. Show the receipts!” panimula ni Shanaia sa caption.

Kasunod nga nito ay ang kanyang paglantad ng screenshots ng mga natanggap niyang mensahe.

Baka Bet Mo: Shanaia Gomez pak na pak ang akting sa horror movie na ‘The Gatekeeper’

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Pagpapatuloy ni Shanaia, “So this is a Filipino celebrity [that is much older than me].”

Kasunod nito ay ang pagbabasa niya ng mga mensahe ng celebrity guy kung saan panay ang tanong kung kailan sila magkikita kahit aware ito na minor pa lamang siya.

“I’m not gonna name drop kung sino ito but let’s just say, happy siya at birthday pa niya,” pagbibigay ng clue ni Shanaia.

Isang netizen naman ang nag-post sa Reddit kung ng naturang video clip ng dalaga kung saan ine-expose nito ang mga nag-send sa kanya ng weird messages.

Madami sa comment section na nagtuturong si Carlos Agassi umano ang male celebrity na tinutukoy ni Shanaia base sa binitawan nitong clue.

“If this is Carlos Agassi, he is almost 20 years older. Another Pdf exposed,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “If this is Carlos Agassi, he is almost 20 years older. Another Pdf exposed.”

“Carlos Agassi. He was active in Tinder during that era. I’ve matched with him and yes ganyan nga siya mag type! HAHAHAHAHA even without the clue, I had a hunch that it’s him HAHA and i believe, siya na nga yan,” sabi naman ng isa sa pa-blind item ni Shanaia.

Hirit naman ng isa, “Lol di na bago kay Carlos Agassi yan friend ko lagi din nya minemessage before for meet up. 1st daw nakaka kilig kasi celeb eh pero nun tumagal ang creepy kasi mag sesend ng picture all of a sudden then mag aask when sila magkikita hahahaha ayun my friend blocked him.”

Samantala, wala pa namang inilalabas na pahayag si Carlos hinggil sa pag-uugnay ng netizens sa kanya sa post ni Shanaia.

The post Shanaia Gomez binalak pormahan ng male celeb noong 14-anyos siya appeared first on Bandera.



Source link