BINI Mikha pinatawag ng LTO, lisensya suspendido dahil sa viral driving video

BINI Mikha pinatawag ng LTO, lisensya suspendido dahil sa viral driving video

SINUSPINDE ng 90 araw ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ni P-Pop BINI member Mikha Lim bunga ng viral video ng paggamit niya ng cellphone habang nagmamaneho.

Kasabay nito, nagpalabas ang ahensya ng show cause order (SCO) kay Lim para ipaliwanag ang lumalabas na paglabag niya sa batas trapiko.

Sa video, napanood si BINI Mikha na hawak ng dalawang kamay ag cellphone habang umaandar ang minamanehong sasakyan.

Napanood din na nahulog niya ang cellphone at kinapa ito sa sahig ng kanyang sasakyan.

Baka Bet Mo: BINI Mikha nagse-cellphone habang nagda-drive; LTO kinalampag

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Sinabi ni LTO Chief Markus Lacanilao na lubhang delikado para kay Lim at sa iba pang motorista ang ginawa nito.

Idiniin ni Lacanilao na ipinatutupad nila ang batas sa lahat, anuman ang estado sa buhay, kahit sa mga popular na indibidwal.

Inatasan si Lim na humarap sa tanggapan ng LTO-Intelligence and Investigation Division sa LTO Central Office sa Quezon City sa Nobyembre 20.

The post BINI Mikha pinatawag ng LTO, lisensya suspendido dahil sa viral driving video appeared first on Bandera.



Source link