NAGSALITA na ang singer-songwriter na si Moira dela Torre tungkol sa mga nangyaring hindi pagkakaunawaan sa pagitan niya at mga kaibigan sa showbiz.
Mahigit isang taon na ang nakalilipas matapos siyang i-unfollow ng ilan sa mga malalapit sa kanya na naging usap-usapan noon sa social media.
May ilan pa na nag-isip na naging dahilan si Moira ng hiwalayan ng sikat na celebrity couple na sina Sam Milby at Catriona Gray bagay na pinabulaanan naman ng aktor. Bumod pa rito, inunfollow rin siya nina Yeng Constantino, Erik Santos, at TJ Monterde na mula rin sa Cornerstone Entertainment.
Sa naganap na press conference para sa kanyang concert na “Where It All Started”, nausisa siya sa naging unfollowing issue sa pagitan ng mga kaibigan.
Baka Bet Mo: Moira, Jason OK na matapos ang hiwalayan: ‘We are civil’
View this post on Instagram
Sa press conference, walang binanggit na pangalan si Moira ngunit inihayag niya na wala naman siyang nasabi na maaaring naging dahilan para i-unfollow siya ng mga ito.
Pinabulaanan din niya ang mga usap-usapan na may sinabi siya tungkol sa kanyang mga kaibigan sa likuran ng mga ito.
“I opened up to a close friend of mine, but I didn’t backstab anyone. Not in that way. I wouldn’t do that. They’re all safe with me. So, it was just one close friend, one. But it wasn’t that way. Not that way,” pagbabahagi ni Moira.
Pero aminado siya na nagkaroon siya ng hindi pagkakaunawaan sa kanyang dating management na hindi napag-usapan nang maayos.
“I know that a lot of the things that happened had something to do with a lot of misunderstandings. And we never got to talk about it,” sabi pa ni Moira.
Pero labis pa rin siyang nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa pagbuo ng kanyang career.
Lahad pa ni Moira, “And it was with my previous management, whom I’m very, very grateful for. And I wouldn’t be where I am now without them. So, I’m very thankful for them.
“And whatever happened between all of that, I would like that to be between us. Because I still believe that, I still love them very much. And I’m very happy for all of their successes.”
Hangad naman ni Moira na magkaayos sila ng mga kaibigang nawala sa kanyang buhay.
“For me, I’m still hopeful that none of us really burned bridges. And a lot of us just need a little bit of time. I think a lot of us just hurt differently. And ako po, I acknowledge that there were things na nagawa ko po when I was hurting na hindi ko po sinasadya. And there were things na hindi ko po sila masisisi for how they reacted, and that’s okay.
“But I know that what we all had was real. They’re all good people, and I’m really, really grateful for the memories that we all had and shared. Huwag din po natin ialis sa kanila na nasaktan ko sila. Kasalanan ko po. Kunin na natin ‘yan,” sabi pa ni Moira.
“And I’m so hopeful for reconciliation someday,” dagdag pa niya.
The post Moira dela Torre hangad makaayos mga nag-unfollow sa kanya appeared first on Bandera.
