APRUB para sa aktor na si Boom Labrusca na huwag munang magdeklara ng kandidatura sa pagkapangulo si Naga City Mayor Leni Robredo.
Nag-react si Boom sa muling pagsasalita ng dating Bise Presidente tungkol sa desisyon nitong hindi na tumakbo sa 2028 Presidential elections.
“Ako, open ako to anyone na kaya at deserving. Pero kung ako mismo, talagang hindi na,” ang pahayag ni Mayor Leni sa isang panayam.
Nagbanggit pa siya na mga pangalan na para sa kanya ay karapat-dapat na maging pangulo ng Pilipinas tulad nina Sen. Bam Aquino, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Kiko Pangilinan.
Para kay Boom, na asawa ni Desiree del Valle, tama lamang ang desisyon ng alkalde na huwag munang ibandera ang pagtakbo niya sa 2028.
Mababasa sa kanyang Facebook post, “Very Good para di ka muna siraan tapos pag malapit na tsaka ka mag announce.”
In fairness, base sa mga post ng aktor, buo pa rin ang suporta at paniniwala niya sa kakayahan ni Robredo na mamuno sa bansa.
Baka Bet Mo: Leni Robredo hindi tatakbo sa 2028 presidential race: Matagal nang sarado!
Ilang beses na niyang ipinagtanggol ang dating vice president sa mga kritiko at detractors nito at talagang sumasagot at pinapatulan din niya ang mga bashers at haters.
Matatandaang niresbakan din ni Boom ang mga bumatikos sa pagbisita ni Israeli Ambassador Dana Kursh sa Naga City.
Sa Facebook, sinita niya ang mga “bida-bida” na siya umanong naging dahilan ng pagkatalo ng alkalde sa 2022 presidential elections.
“Alam n’yo kung bakit natalo si Leni? Hindi dahil sa mga [DDS], dahil sa tulad nyo .. bida-bida, [self-righteous], ‘ahh basta kami tama blah blah,’” ani Boom.
Dugtong niya, “‘Diplomacy.’ Ang tanong dyan bakit si Leni ang pinupuntahan? Utang na loob hindi ito ang tamang oras kung ano man ang nararamdaman n’yo maghunos-dili kayo.”
The post Boom Labrusca aprub sa diskarte ni Robredo para sa Eleksyon 2028 appeared first on Bandera.
