WALANG naging isyu sa kanyang mga magulang ang pagiging bading ng content creator at movie personality na si Sassa Gurl.
Todo-todo at buong-puso ang naging suporta kay Sassa ng kanyang nanay nang lumantad siya bilang proud member ng LGBTQIA+ community.
Ayon sa social media personality, kahit na dumaan siya sa matitinding hamon ng buhay noong kabataan niya dahil sa pambu-bully sa kanya, palaging nandiyan ang ina upang ipagtanggol siya.
Pero inamin ni Sassa na may kakambal na takot na nararamdaman ang nanay niya dahil ayaw nitong masaktan siya.
“Yes, nanay ko talaga yung supportive sa kabaklaan ko,” sey ni Sassa.
“Ang ikinakatakot lang naman talaga niya ay mangyari sa ‘kin yung nangyari sa ‘kin noong highschool na may mam-bully ulit sa akin, na may nanakit sa akin.
“Pero sabi naman niya sa akin, ‘kung saan ka masaya, at kung saan yung ikaliligaya mo kung sino ka talaga doon ako susuporta,’” ang sey pa raw ng kanyang nanay.
Sabi pa ng vlogger, hindi lahat ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community ay may malayang komunikasyon sa kanilang mga magulang, partikular na sa mga trans, upang mag-open ng nararamdaman at dinaranas.
“Naiintindihan ko rin naman kung saan nanggagaling yung fear niya. Mas na-communicate ko sa kaniya.
Baka Bet Mo: Sassa Gurl: Hindi pa ako ipinapanganak, katulong na si Mama
“Kasi feeling ko, ‘yon yung kulang sa maraming trans ngayon, ang hirap talaga na kausapin yung mga magulang natin about our situation, kasi hindi siya madali.
“Kahit sa mga sarili namin, hindi kami nadalian na tanggapin ito, ‘yun pa kayang ibang tao,” sey ni Sassa.
Aniya pa, “Nasa communication talaga at pagiging honest sa parents ninyo.”
Samantala, ibinandera rin ni Sassa ang kanyang matinding paghanga sa ina dahil sa tapang, sipag at tiyaga nito na ibigay ang lahat para sa kanya.
“Na-appreciate ko talaga yung nanay ko kasi kakaiba pala talaga yung hirap, tiyaga niya.
“Kasi ako ngayon, hindi ko kayang magtrabaho na hindi ako nagpapahinga, ng hindi nagbabakasyon, ng hindi gumagala.
“Hindi ko nakita ang nanay ko na nagbakasyon, naglakwatsa, o nagpahinga,” saad ng content creator.
“Nabigay niya yung buhay na gusto ko,yung gusto niya para sa akin. In the end, wala man kami, meron ako. Nanay talaga si Mama,” sabi pa ni Sassa.
The post Sassa Gurl: Nanay ko sobrang supportive sa kabaklaan ko! appeared first on Bandera.
