HANGGANG ngayon ay hindi pa rin makapaniwala ang singer-actress na si Ashtine Olviga na meron na siyang Best Actress award.
Nagwagi ang Viva Artists Agency (VAA) sa Manila International Festival (MIFF) sa Hollywood para sa pelikulang “Manila’s Finest” na pinagbibidahan ni Piolo Pascual.
Nominado si Ashtine sa kategoryang Best Supporting Actress sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2025 pero hindi siya nanalo.
Sey ng aktres, nalaman daw niya ang kanyang pagkapanalo sa MIFF mula sa filmmaker na si Raymond Red.
“Unang reaction ko parang ‘Huh?’ Kasi hindi ko po in-expect.
“Sobrang naiyak ako sa tuwa, siguro mga 30 minutes din yun,” sey ng dalaga sa panayam ng ilang members ng entertainment media sa naganap na launching ng Vivaoke, ang bagong karaoke app ng Viva Entertainment packed with OPM songs—from classic hits hanggang sa mga kantang patok ngayon.
“Nakakataba po ng puso and it made me realize na sobrang worth it lahat ng pinagdaanan ko,” aniya.
Dugtong pa niya, “Kapag umaarte ako wala sa mind ko na ang goal is to win an award. Gusto ko lang ibigay ang 100 percent ko palagi na kapag napanood ko wala akong regrets sa performance ko. Para sa akin e, bonus na lang ang award na makukuha ko.”
Baka Bet Mo: Andres Muhlach binatikos sa pagiging close kay Kai Montinola, anyare?!
Hindi pa hawak ni Ashtine ang kanyang trophy pero aniya, plano na talaga niyang pumunta sa awards night sa Amerika pero nagkaproblema sa processing ng visa.
“Hindi umabot sa processing pero we really tried. Hindi lang umabot talaga,” sey niya.
Mensahe ni Ashtine, “Unang-una po talaga si Lord kasi yung mga nagawa ko hindi ko magagawa kung hindi Niya ako binigyan ng strength to actually do it.”
Now, she is preparing to move forward with the recognition behind her.
“Kasi parang biglang maraming expectation ang mga tao,” she explained. “Pero I will try and put that aside para hindi magulo ang isip ko. Gusto ko pa rin po na gawin pa rin yung dati kong ginagawa, to give my best performance in every role in the sense na maramdaman ng mga manonood yung pinagdaraanan ng character ko.”
The post Ashtine Olviga 30 minutes umiyak nang manalong Best Actress sa MIFF 2026 appeared first on Bandera.
