MASAYANG ibinandera ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga ang unang buwan buhat nang siya ay maging isang ina.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang larawan niya habang nagpapa-breastfeed kay Baby Isaac.
“One month of being a mommy!” saad ni Alex sa kanyang caption.
Dagdag pa niya, “Walang ganda, ayos, at ligo pero masaya.”
Baka Bet Mo: Alex Gonzaga: Iām so happy to be a mommy kahit walang ganda at ligo
View this post on Instagram
Marami naman sa mga netizens ang nag-react dahil gaya ni Alex, sobrang saya rin nila na finally ay natupad na ang matagal niyang pangarap na maging ina.
“Araw-araw kang maganda Mommy @cathygonzaga,” saad ng isang netizen.
Comment naman ng isang faney, “Bagay na bagay maging Mommy Alex.”
“This is actually the most beautiful part and truly the one that makes us all mothers beautiful! Raw, real motherhood at its finest!” sabi naman ng isa.
Matatandaang noong August nang ibandera ni Alex sa pamamagitan ng isang vlog ang kanyang panganganak.
The post Alex Gonzaga ibinandera 1st month ni Baby Isaac appeared first on Bandera.
