GRABE talaga ang nation’s pop girl group na BINI, hindi sila nauubusan ng international spotlight!
Muling nakakuha kasi sila ng atensyon sa labas ng bansa matapos mapasama sa mga nominado ng BreakTudo Awards 2026 sa Brazil.
At hindi lang isang kategorya ang kanilang paglalabanan dahil tatlong nominasyon ang nakuha ng BINI sa nasabing awards show.
Kabilang dito ang International Female Group, kung saan makakasabayan nila ang ilang kilalang girl groups mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kasama rin sa nominasyon ang kanilang music video na “Sweet Tooth,” na contender para sa International Music Video of the Year.
Baka Bet Mo: BINI certified Pinoy pride, celebs super proud sa Coachella performance ng girls
Pero hindi lang ang grupo ang may sariling laban.
May pagkakataon ding kilalanin ang kanilang fans dahil nominado ang Blooms para sa International Fandom of the Year.
Kaya naman parehong may pangalan ang BINI at Blooms sa international awards scene ngayong taon!
Bukod sa BINI, may iba pang Pinoy artists na nakapasok sa listahan ng nominees ng BreakTudo Awards 2026, kabilang ang SB19, BGYO, HORI7ON, Cup of Joe, Arthur Nery, at Rob Deniel.
Ang BreakTudo Awards ay isang Brazilian awards show na nagbibigay-pugay sa mga pangalan sa musika, entertainment, television, at internet.
Samantala, nagsimula na ang public voting noong September 17 at maaari itong salihan hanggang October 17.
Gaganapin naman ang BreakTudo Awards 2026 sa November 24 sa São Paulo, Brazil, kung saan iaanunsyo ang mga mananalo.
The post BINI may 3 nominasyon sa BreakTudo Awards 2026 sa Brazil; Blooms kasama rin! appeared first on Bandera.
