WilBea certified phenomenal loveteam; mananakot, pakilig sa ‘Pee Mak’

WilBea certified phenomenal loveteam; mananakot, pakilig sa ‘Pee Mak’

Wilbert Ross, Bea Binene, Jairus Aquino, TJ Valderrama, Gian Bernardino at Direk Victor Villanueva

IN FAIRNESS, marami ang sang-ayon na maituturing nang isa sa mga phenomenal loveteam sa Pilipinas ang tambalan nina Bea Binene at Wilbert Ross.

Pak na pak ngayon ang “WilBea” dahil sa pagsuporta ng mga fans sa kanilang mga proyekto at siyempre sa tiwala ng Viva Entertainment na nagbibigay sa kanila ng sunud-sunod na projects.

May mga nagsasabi pa nga na pwede na silang i-level sa pagka-phenomenal ng AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza at sa tambalang DonBelle nina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

Kaya naman sa nakaraang presscon ng launching movie nina Bea at Wilbert, ang Pinoy adaptation ng highest-grossing Thai movie na “Pee Mak”, ay natanong ng BANDERA ang screen partners about this.

Ano ang masasabi nila sa mga nagsasabi sa pagiging phenomenal ng WilBea dahil sa hindi inaasahang pagsikat at pagsuporta ng madlang pipol sa kanila.

Sey ni Bea, sobrang nagpapasalamat siya sa lahat ng nagmamahal sa kanila ni Wilbert na talagang super effort sa pagsuporta sa lahat ng proyekto nila together pati na rin sa solo projects nila.

“Hindi ko po siya dinidibdib. Nagpapasalamat po ako sa opportunity at sa tiwalang ibinibigay ng Viva for us to play and do these projects. 

“So some people can say na they’re there, they’re doing something good. Of course, malaking bagay sa mga fans,” komento ni Bea.

Baka Bet Mo: Bea Binene umaming may dyowa na pero ayaw ilantad kung sino Patuloy pa niya, “For me, siguro drive siya, inspiration siya for me to push even further sa lahat po ng mga ginagawa ko and to do better, to gagalingan pa palagi. 

“Kasi po, siyempre, maraming naniniwala. Pero all in all, I’m just really very grateful po sa lahat ng opportunities at sa lahat ng tiwalang binibigay ng Viva.

“Kasi it’s not…hindi po siya small thing, di ba? Malaking bagay at malaking challenge siya. Pero yun, thankful po,” aniya pa.

Para naman kay Wilbert Ross, “Personally po, I prefer appreciation rather than comparison sana. Kasi we’re just so grateful sa chance na ibinigay sa amin ng Viva, the projects, and of course, the support of fans. 

“Wala naman kami dito kung hindi dahil sa suporta nila, dahil sa pagtanggap nila sa lahat ng roles na ginagampanan man namin.

“And ayun po, we’re just so grateful po sa nangyayari. And I think about us naman kasi, may kanya-kanya din po kaming mga ginagawa. 

“Like ako, I have music. Meron din po siyang business, meron din po siyang mga ginagawa like hosting and all. So ayun po, very thankful lang po sa nangyayari sa amin,” pahayag ng actor-singer.

Samantala, ang highest-grossing Thai movie na “Pee Mak” na humakot ng 33 milyong dolyar sa buong mundo ay meron nang Pinoy version.

Mula sa Viva Films, ang horror-comedy love story nina Mak at Pee-Nang ay bibigyang-buhay nina Wilbert Ross at Bea Binene.

Si Mak ay isang sundalong may lahing Filipino at Amerikano. Matapos makipaglaban sa giyera, sabik na siyang makauwi sa kanyang asawa na si Pee-Nang at sa kanilang sanggol na anak. 

Kasama niyang babalik sa kanilang baryo ang kanyang mga kaibigan at kapwa sundalong sina Teryo, Poknat, Ayong, at Bunak. 

Masayang sinalubong ni Pee-Nang ang kanyang asawa at mga kaibigan. Agad nagandahan si Poknat (ginagampanan ni TJ Valderrama) kay Pee-Nang, pero kakaibang awra naman ang naramdaman ni Bunak (ginagampanan ni Gian Bernardino) sa asawa ni Mak. Si Bunak ay naniniwala sa mga supernatural na nilalang at nakararamdam siya ng prisensya ng mga ito.

May bali-balita lumalaganap na sumakabilang-buhay na si Pee-Nang, at nagsimula nang makaranas ang mga kaibigan ni Mak ng ‘di maipaliwanag na bagay. Nang makita nila ang isang bangkay na suot ang singsing ni Pee-Nang, agad nilang sinabi ito kay Mak na ikinagalit nito. 

Pinalayas ni Mak ang kanyang mga kaibigan, ngunit kinumbinse ni Teryo (ginagampanan ni Vandolph) sina Poknat, Bunak, at si Ayong (ginagampanan ni Jairus Aquino) na manatili at sagipin si Mak kay Pee-Nang.  

Mula sa direksyon ni Victor Villanueva, ang pelikulang ito ay puno ng katatawanan sa gitna ng kababalaghan at komplikasyon. 

Walang ibang gusto ang mag-asawa kundi manatiling magkasama habang ginagawa naman ng apat ang lahat para paghiwalayin sila. 

Pero paano nga ba maitataboy ang kaluluwa ng isang asawang buhay na buhay ang pagmamahal sa kanyang kabiyak?

Bilang ito ang unang pelikula nina Wilbert at Bea bilang love team, inamin nilang  nakararamdam sila ng pressure kaya naman mas determinado silang gawin ang lahat para ang proyektong ito ay maipagmalaki ng kanilang fans at ng pangkalahatang Pinoy moviegoers. 

Malaking tulong na naging matibay na ang samahan nila ni direk Victor Villanueva na siya ring direktor nila sa kanilang mga serye sa Viva One na “Golden Scenery of Tomorrow”, na naging big hit noong October 2025  hanggang March 2026, at “Love U Lots” na kasalukuyang ipinalalabas sa Viva One. 

Tiyak na lalabas sa “Pee Mak” ang natural at nakaaaliw nilang chemistry.

Lubos na pinakilig ng WilBea ang kanilang fans sa nakalipas na sold-out two-day concert ni Wilbert na pinamagatang  “WRten” para sa kanyang ika-10 taon sa showbiz. Siguradong papatok sa mga fans ang tambalan nila sa Pee Mak. 

Ang supporting cast na makikigulo at magdadala ng higit pang kasiyahan ay ang mga kilalang komedyante na sina Janno Gibbs, na gumaganap bilang isang albularyo, at Candy Pangilinan bilang si Marites, isang lasenggang tindera ng mga alak.

Kasama rin dito si Jerome Ponce, bilang si Dodong, ang anak ni Marites na may gusto kay Pee-Nang ngunit tinanggihan siya nito. 

Nagkatrabaho na sina Jerome at WilBea sa mga University Series kaya naman kapana-panabik na makita sila muli sa “Pee Mak.”

Ang “Pee Mak” ay ikatutuwa rin ng fans ng sikat na bandang Cup of Joe dahil ito ang unang pelikula ni Gian Bernardino, ang isa sa mga lead singers at songwriters ng banda. 

Abangan kung paano siya makipagkulitan kina TJ, Vandolph, Jairus, at WilBea sa pelikulang ito.

Makikita rin ang ilang tradisyong Pinoy sa takbo ng kwento, at lahat ito ay masusing pinag-aralan bago ipasok sa pelikula.

Ang “Pee Mak” ay ipalalabas na sa mga sinehan simula October 14 mula sa Viva Films.

The post WilBea certified phenomenal loveteam; mananakot, pakilig sa ‘Pee Mak’ appeared first on Bandera.

Source link