Carlos Agassi bumwelta sa ‘clout chaser’: Na-inlove ka agad?

Carlos Agassi bumwelta sa ‘clout chaser’: Na-inlove ka agad?

MULING nagsalita ang aktor na si Carlos Agassi kasama ang asawang si Sarina Agassi hinggil sa pagkakadawit umano bilang male celeb na sumubok pumorma noon 14-anyos pa lang si Shanaia Gomez.

Bagama’t hindi siya direktang pinangalanan ng dalaga ay marami sa mga netizens ang nagbabanggit ng pangalan ng aktor sa comment section.

Nitong Martes, September 15, nag-post si Carlos ng kanilang video statement nilang mag-asawa hinggil sa pagkakadamay ng aktor bilang male celeb na panay kulit sa 14-anyos na dalaga.

“So ayan, gusto lang namin i-share yung feelings namin today, kasi marami kaming videos na napanood ng mga babae na sinisiraan yung asawa ko,” panimula ni Sarina.

Baka Bet Mo: Carlos Agassi pasimpleng sinagot si Shanaia Gomez: Inggit ka, pasikat ka!

“Like, imagine eight, nine, ten years ago pa yon. Talagang tinagu-tago nila yung mga screenshots na yun. Hindi ba kayo maka-move on? Wala na bang bago?” Pagpapatuloy pa ng asawa ni Carlos.

Aniya, hindi raw niya ma-gets kung ano ang dahilan ng post. at kung ang goal ba nito ay maghiwalay sila.

“Kami ng asawa ko, content creator din kami. Gumagawa rin kami ng content, pero hindi kami nananakit ng tao—yung may naaapakan kang ibang tao—never na ganun yung content namin,” dagdag pa ng asawa ni Carlos.

Hindi rin naman niya idinenay ang gigil na nararamdaman sa naninira raw sa kanyang asawa.

“Wala ka bang talent? Hindi ba maka-move on? Wala ka bang jowa? We’re happily married. Lahat ng may kilala sa amin ay alam na lagi kaming magkasama. Hawak niya ang phone ko. Wala kaming secrets. Sabay gaganyan ka,” sabi naman ni Carlos.

Aminado naman ang aktor na noong single siya ay totoong marami siyang mga tsina-chat na babae ngunit nahinto ito nang makilala niys amg asawa.

“Yung years ng timeline noong single ako, parang kapag single ba, bawal bang mag-date nang mag-date o kahit sinong chukchakin Tsaka nakakatawa, message pa nga lang ito, hindi pa nga kami nagkikita, nagde-date, walang hawak man lang sa kamay, walang man lang chukchakan, na-in love na,” dagdag ni Carlos.

Sa huli, sinabi nila na nais lang nilang mag-raise ng awareness sa mga kapwa content creator na siguruhing walang naaapakang tao sa mga ginagawa at ibinabahagi sa publiko.

The post Carlos Agassi bumwelta sa ‘clout chaser’: Na-inlove ka agad? appeared first on Bandera.

Source link