Recto pinulong UPLIFT heads dahil sa Middle East tension, oil price hikes

Recto pinulong UPLIFT heads dahil sa Middle East tension, oil price hikes

PHOTO: Facebook/Ralph Recto

NAKIPAGPULONG kahapon, September 17, si Executive Secretary Ralph Recto sa mga namumuno sa UPLIFT committees bunga ng tumataas na tensyon sa Gitnang Silangan at pagtaas ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

Sinabi ni Recto na ito ay pagsunod sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos na paigtingin ang mga ginagawang hakbang ng mga ahensya ng gobyerno para mabawasan ang epekto sa mamamayan.

Dumalo sa pulong sina Foreign Affairs Secretary Maria Theresa Lazaro, Transportation Secretary Giovanni Lopez, Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Labor Secretary Francis Tolentino, Budget Secretary Kim Robert de Leon, Health Secretary Edwin Mercado, Migrant Workers Undersecretary Dominique Rubia-Tutay, Energy Undersecretary Mario Marasigan, at Agriculture Undersecretary Nichols Manalo.

Tiniyak ng mga opisyal na may sapat na suplay ng petrolyo sa bansa at magpapatuloy ang distribusyon ng tulong pinansyal.

Baka Bet Mo: 4 lawyer sa sex scadal plot kay ES Ralph Recto inimbitahan ng NBI

Bukod dito, iniulat din na may sapat na pondo para sa pagpapauwi ng mga overseas Filipino workers na apektado ng krisis at magpapatuloy din ang P12 per liter fuel discounts sa public transport sectors.

Tuloy din ang 50% diskwento sa pasahe sa MRT-3 at LRT-2 at ang Libreng Sakay ng iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.

“Malinaw ang utos ng Pangulo: kumilos agad, unahan ang paglala ng sitwasyon, at protektahan ang bawat Pilipino,” sey ni Recto.

The post Recto pinulong UPLIFT heads dahil sa Middle East tension, oil price hikes appeared first on Bandera.

Source link