Puerto Princesa ginulat ng malalakas na pagsabog dahil sa rocket launch ng China

Puerto Princesa ginulat ng malalakas na pagsabog dahil sa rocket launch ng China

NAGULAT ang ilang residente ng Puerto Princesa City, Palawan matapos makarinig ng malalakas na pagsabog sa himpapawid nitong Huwebes, September 17.

Nangyari ang mga pagsabog ilang minuto matapos ilunsad ng China ang Long March 12 rocket mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan.

Bago ang rocket launch, naglabas na ng abiso ang Philippine Space Agency (PhilSA) tungkol sa posibleng pagbagsak ng mga bahagi ng rocket o debris sa karagatan malapit sa Palawan.

Ayon sa PhilSA na iniulat ng INQUIRER, maaaring bumagsak ang debris sa bahagi ng Philippine archipelagic waters na nasa tinatayang 25 nautical miles mula sa Puerto Princesa at 19 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park.

Baka Bet Mo: China Daily inulan ng batikos sa AI video na ininsulto, ginawang unggoy mga Pinoy

Hindi naman inaasahang mahuhulog ang debris sa mga populated area o lugar na maraming tao.

Gayunman, maaaring maging panganib ang mga ito sa mga sasakyang-dagat, eroplano, at mga mangingisdang nasa lugar.

Pinaalalahanan din ng PhilSA ang publiko na huwag pulutin o hawakan ang anumang kahina-hinalang bagay na maaaring bahagi ng rocket.

Kung may makitang rocket debris, agad itong i-report sa mga awtoridad dahil maaari itong magkaroon ng mapanganib na residue mula sa rocket fuel.

Hindi ito ang unang beses na nakarinig ng malakas na pagsabog sa Palawan matapos ang rocket launch ng China.

Noong August 2025, nakaranas din ng malakas na ugong at pagsabog sa himpapawid ang ilang bahagi ng Palawan matapos ang paglulunsad ng Long March 12 rocket mula sa Hainan.

Patuloy namang mino-monitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at ang posibleng pagbagsak ng rocket debris sa karagatan malapit sa Palawan.

The post Puerto Princesa ginulat ng malalakas na pagsabog dahil sa rocket launch ng China appeared first on Bandera.

Source link