DIRETSAHANG inamin ng seasoned actress na si Alice Dixson na hindi niya minahal masyado ang kanyang trabaho noong teenager pa lamang siya.
Ito ang dahilan kung bakit daw siya laging “late” dumating sa shooting ng mga ginagawang pelikula na ikinagagalit ng mga katrabaho niya kabilang na si Dina Bonnevie.
Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda”, nabanggit ni Alice na na-start siyang umarte sa edad na 17, at hindi pa raw trabaho ang tingin niya rito kundi “fun” lang kaya ang ending – ang kanyang pagiging unprofessional.
“I did it because it was fun, I didn’t really treat it as work. So, hindi ko minahal at nirespeto ang trabahong ibinigay sa akin as a teenager.
“I’ve felt that it was you know really not work, and I was always late,” rebelasyon ng aktres.
Hindi raw talaga siya feel noon na katrabaho ni Dina dahil nga palagi siyang late dumarating sa set.
“You don’t respect your katrabaho kapag lagi kang late, ’cause you’re not respecting their time, so when I was younger I was like that,” ang realization ni Alice nang magtagal na siya sa mundo ng showbiz.
Inamin din niya na lagi rin siyang nagpupunta sa mga club para mag-happy-happy kaya always din siyang puyat.
“Then I would say I’m not feeling well para magtrabaho in the morning. Hindi ko minamahal ang trabaho,” pag-alala pa niya.
Baka Bet Mo: Dina Bonnevie sa breakup nila ni Vic: Saan ako mali? Pangit ba ‘ko? Tanga ba ‘ko?
Nagbago lang daw ang kanyang pananaw sa trabaho nang bigyan siya ng second chance na bumalik sa showbiz noong 20s dahil na rin sa tulong ng Regal Entertainment matriarch na si Mother Lily Monteverde.
“Doon ko na-realize I really love what I do, I love acting, let me give it the full love and professionalism and care that it should have.
“And that’s when I started, I think I got nominated for an award back then, and then nag-grew yung pagmamahal ng producers sa akin,” pahayag ni Alice Dixson.
The post Alice Dixson umaming na-bad trip sa kanya si Dina Bonnevie, anyare!? appeared first on Bandera.
