KAHIT naghiwalay na, nananatili pa ring magkaibigan ang ex-couple na sina Ruffa Gutierrez at Herbert Bautista.
Very much single ngayon ang seasoned actress at former beauty queen at in fairness, happy naman daw siya kahit walang espesyal na lalaki sa buhay niya.
Inamin naman ni Ruffa na may mga tao pa ring nagpapakilig ngayon sa kanya pero hindi pa siya open sa pakikipag-date matapos ang breakup nila ni Bistek.
Hindi pa raw sila uli nagkikita ng aktor at dating mayor ng Quezon City matapos maghiwalay pero tuluy-tuloy pa rin ang kanilang communication.
“I think that space just became much bigger with Herbert. We are still friends, we communicate regularly.
“If I need advice, I still talk to him and sometimes he calls me. But I have not seen him since we broke up last year,” sey ni Ruffa sa “Fast Talk with Boy Abunda.”
Patuloy pa niya, “Not all storybooks are meant to last forever. Sometimes, you just enjoy that chapter, then you close the book, and move on.”
Sey naman ni Ruffa nang makachikahan ng BANDERA pagkatapos ng advance screening ng latest movie niyang “Red Crown”, marami siyang natutunan sa relasyon nila ni Herbert.
Baka Bet Mo: Eddie Gutierrez pinatay sa socmed: Buhay na buhay pa po ako!
Si Bistek daw talaga ang nag-influence sa kanya na bumalik sa pag-aaral at mas natuto rin daw siyang pahalagahan ang bawat bagay na meron siya sa kanyang life.
Hindi naman isinasara ni Ruffa ang pakikipagbalikan sa kanyang mga ex-dyowa dahil naniniwala rin siya sa second chances. At ayaw naman daw niyang magsalita nang tapos dahil kainin lang niya sa huli.
Samantala, napakaganda ng role ni Ruffa sa “Red Crown” ng GMA Pictures kung saan maraming nagsabi na ang karakter niyang si Charito Macapagal ang masasabing pinakabida sa pelikula.
Si Madame Stella Marquez De Araneta raw ang peg ng role ni Ruffa sa movie na idinirek ni Dominic Zapata.
“Pero I decided to make my own character peg talaga. So, si Charito Macapagal ay isang queenmaker, pero hindi ko kasi puwede pang sabihin ang buong karakter niya kasi may twist yun sa dulo.
“Pero ang ambition niya kasi talaga sa buhay ay nasapawan ‘yung pagiging nanay niya. Nakalimutan niya ang pagiging nanay niya, dahil sa ambisyon niya sa buhay.
“Maraming ganu’n ngayon. Especially in this day and age. You know, everybody is working and working, everybody wants to be a woman of the world, na nakakalimutan nila how it is to be soft, how it is to be a mom, ‘di ba?
“Ngayon kasi ginagawa ng lahat para mag-focus sa kanilang trabaho, and you know, what they want to do in terms of goals in their lives.
“Si Charito kasi, parang pareho rin kami, kaya sana panoorin niyo ang ‘Red Crown’ ngayong October 28, dahil showing na kami, at sana maging super-duper box office, para magkaroon ng part 2.
“Pero alam ko na nga na may part 2 at kasama ako, dahil buhay pa ako sa movie sa ending!” natawang chika ni Ruffa.
“Si Charito kasi, parang ako rin, na she loves her girls, na may soft spot siya talaga. In real life, people may think na Ruffa is high maintenance, she’s mataray, mahirap abutin, na hindi siya soft girl.
“Pero in reality, I’m really soft, I love helping people, and I’m very motherly. And that’s how Charito is also. Tough exterior, but very soft inside!” kuwento ni Ruffa about her character sa “Red Crown.”
The post Ruffa Gutierrez posibleng makipagbalikan kay Herbert Bautista? appeared first on Bandera.
