NAGBILIN sa publiko si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na huwag maalarma at mangamba sa pagbagsak ng halaga ng piso kontra sa dolyar ng Estados Unidos.
Itinuro ng Punong Ehekutibo ang mataas na halaga ng langis dahil sa sigalot sa Gitnang Silangan na pangunahing dahilan ng pagbagsak ng piso.
Nagsara kahapon sa P64.17 ang halaga ng $1, na pinakamababang halaga ng piso sa kasaysayan.
Baka Bet Mo: Bongbong Marcos nagpugay sa 109th b-day ng ama
View this post on Instagram
“Huwag maalarma. Huwag mag-panic,” sabi ni Marcos Jr.
Kasabay nito, tiniyak ni Marcos Jr. na kumikilos ang gobyerno para hindi tuluyang bumagsak ang halaga ng piso, gayundin para hindi sumirit ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Do not take it with alarm. Don’t panic,” said Marcos.
The post Bongbong Marcos sa pagbagsak na piso kontra dolyar: Don’t panic! appeared first on Bandera.
