Tuesday Vargas ni-report sa NBI tumawag sa kanya ng salot, hampaslupa

Tuesday Vargas ni-report sa NBI tumawag sa kanya ng salot, hampaslupa

ANG tindi ng pinagsasabi ng isang basher laban sa beteranang komedyana at singer na si Tuesday Vargas.

Bukod sa malilisyosong akusasyon, sinabihan pa ng naturang netizen na sana’y mamatay na raw si Tuesday at idinamay pa ang kanyang pamilya.

Sa Facebook, ipinost ng aktres ang screenshots ng mahabang comment ng basher laban sa kanya. Ibinalandra rin niya sa social media ang profile picture ng netizen.

Mababasa sa komento ng hater ang pagbengga nito sa kanta ni Tuesday na “Babae Po Ako”. Sinisisi nito ang ang veteran comedienne sa mga nagdurusang “straight” na mga lalaki dahil sa lyrics ng kanyang kanta na, “di ako bakla, kla-kla-kla-kla-kla.” 

Baka Bet Mo: Tuesday Vargas sa pamamaril sa iskul: Hindi sapat pakikiramay

View this post on Instagram

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Patuloy na hirit ng basher, “Di ba lately na depress ka? BUTI NGA SAYO! ANG MABUTI PA MAGPAKAMATAY KA NG TUESDAY VARGAS NA SALOT KA! LAOS KA NA! 

“PROMOTOR KA PA NG LGBasura! wala naman sana kaming paki,” matapang na sabi ng netizen. 

Patuloy pa nito, “Kaya MAMATAY KA NA AT MAGKA AIDS YANG PAMILYA MO! ARTISTANG HAMPASLUPA! MGA KAGAYA MO NA KAKARMA NA! MADEPRESS KA PA SANANG HAYOP KA!

“God is good para parusahan ang mga kagaya mo! kaya nga na depress ka eh, tapos ngayon gagawa ka nanaman ng kahayupan, kaya sa susunod na ma depress kang hayup ka, PAKAMATAY KA NG PANGIT KA! AT WALANG AATEND SA BUROL MO!” pambabarag pa niya kay Tuesday.

Narito naman ang bwelta ng aktres sa hater: “National Bureau of Investigation (NBI) Cyber Crime Division reporting this person to your good office. 

“You’re crying about respect while typing death threats, hate speech, and telling people to commit suicide. 

“You are the exact definition of the problem you’re complaining about. The hypocrisy is loud. Take this toxic hate elsewhere,” resbak pa ng komedyana. 

“************  (handle name ng basher) my legal team will be in touch,” ang pagbabanta pa ni Tuesday. 

The post Tuesday Vargas ni-report sa NBI tumawag sa kanya ng salot, hampaslupa appeared first on Bandera.



Source link