NAMURA ni Senator Erwin Tulfo ang isang mataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) sa pagdinig kaugnay sa isang kaso ng pagnanakaw sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) – Terminal 1.
“Putris naman talaga! Ang inutil niyo! Alam mo pala na ‘di gumagana, ‘bat ‘di mo palitan? Grabe ka naman!” sabi ni Tulfo kay MIAA Assistant General Manager Antonio Mendoza.
Nakaharap ni Tulfo si Mendoza sa pagdinig ng pinamumunuan niyang Senate Public Services Committee.
Kabilang sa mga naimbitahan si Mendoza sa pagdinig kaugnay sa pagkakatangay ng tatlong relo ni Anthony Claude Boukhors, isang French national.
Baka Bet Mo: Erwin Tulfo pabor sa anti-political dynasty bill, magre-resign?
Tinangay ang bagahe ng banyaga habang naghihintay ito ng masasakyan. Nagkakahalaga ng P18 milyon ang tatlong relo.Nag-init ang ulo ni Tulfo nang aminin ni Mendoza na sira ang ilan sa security cameras sa Terminal 1 kaya’t hindi nakuhanan ang pagtangay sa bagahe ni Boukhors.
Ibinahagi ni Boukhors, na nakibahagi sa pagdinig sa pamamagitan ng video communication, na nalaman niya na sira ang ilang CCTV cameras nang magpasaklolo siya para matukoy ang tumangay ng kanyang bagahe.
The post Erwin Tulfo sa airport official: Putris naman, ang inutil niyo! appeared first on Bandera.
