NOONG nakaraang linggo pa nakaratay sa intensive care unit (ICU) ng Asian Hospital and Medical Center sa Muntinlupa City ang komedyanteng si Ate Gay.
Ilang araw matapos mangyari ang viral “living funeral” para kay Ate Gay o Gil Aducal Morales sa tunay na buhay, muli siyang isinugod sa ospital dahil sa kumplikasyon sa kanyang cancer.
Sa isang Facebook post, ibinalita ng pamilya ng kilalang impersonator ni Superstar Nora Aunor kahapon, October 27, na halos isang linggo nang nasa ICU ang komedyante.
Ipinakita pa nila ang kopya ng Progress Payment Request Letter mula sa ospital, kalakip ang paghingi ng tulong sa pagpapagamot ni Ate Gay.
Base sa PPRL, umabot na sa P2,435,218.96 ang hospital bill ng stand-up comedian kaya naman nanawagan na ng financial assistance ang kanyang pamilya upang matustusan ang medical needs ng veteran comedian.
“Our beloved Gil Aducal Morales known to many as Ate Gay has been confined in the Intensive Care Unit (ICU) at Asian Hospital and Medical Center for almost a week,” simulang mensahe ng pamilya ni Ate Gay.
“During this difficult time, our family is humbly reaching out to your kind hearts for any financial assistance to help support his ongoing medical needs.
Baka Bet Mo: Ate Gay may pa-‘living funeral and eulogy’: Celebration of Life
“We are deeply grateful to everyone who has already extended their kindness and generosity.
“No amount is too small. Every contribution, prayer, and share means so much to our family.
“We humbly ask for your kindness and prayers as we continue to hope for his recovery.
“From the bottom of our hearts, thank you for your love, generosity, and support. With love and gratitude,
“The Family of Gil Morales (Ate Gay).”
Maaaring ipadala ang tulong kay Mark Thew Morales sa pamamagitan ng kanyang RCBC Savings Account na may numerong 9032693623.
Kamakailan lamang ay idinaos ang “Celebration of Life” para kay Ate Gay kung saan nagsama-sama ang kanyang mga kaibigan upang i-celebrate ang kanyang makulay na buhay.
Para itong “burol” kung saan nagbigay ng madamdaming “eulogy” ang mga dumalo para sa komedyante habang nabubuhay pa ito.
“Mas maganda yung habang buhay ka ay nalalaman mo yung mga nararamdaman ng mga minamahal mo sa buhay at dapat sinasabi iyan sa mga may sakit o kaya malalapit sa kanilang mga puso para namang lumakas lakas yung mahal nila sa buhay,” ani Ate Gay.
The post Ate Gay 1 week nang nasa ICU, hospital bill umabot na sa P2.4-M appeared first on Bandera.
