SINAGOT na ng Kapamilya actor na si Donny Pangilinan ang kontrobersyal na rebelasyon ng Baby Dolls member na si Juby Sabino.
Pinagpiyestahan nang bonggang-bongga ng madlang pipol ang pag-amin ni Juby na napanaginipan niya si Donny na “kinekeme” o nakikipag-sex sa kanya.
Nangyari ito sa guesting ng Baby Dolls sa “Gandang Gabi Vice” noong October 18, kung saan napag-usapan ang lyrics ng patok nilang kanta na “Oohh Lala Baby.”
Hirit ni Vice Ganda, “Pero ang tanong, para kanino ba talaga ang ‘giling-giling n’yo?’” Ang sagot ni Juby, it’s for Donny Pangilinan daw.
“Hindi ko kasi siya talaga crush na crush. Tapos, on a random night, napanaginipan ko siya, Meme. Kinekeme niya ako,” ang pasabog na sagot ni Baby Doll Juby na ikinahagalpak ng lahat.
Sundot na tanong ni Vice, “Natapos?”
“Opo,” mabilis na sagot ng Baby Dolls member.
Baka Bet Mo: Belle Mariano iniintrigang may dyowang afam, true ba?
Na-bash nang todo si Juby pati na si Vice dahil sa pagse-sexualize raw kay Donny on national TV. Offensive at mas kabastusan daw ang naging dating nito sa mga manonood.
Sa panayam ng ABS-CBN kay Donny, natanong nga siya about the issue kung ano ang naging reaksyon niya rito dahil nga na-headline ang name niya nang bonggang-bongga.
“Well, honestly, I understand naman where some people are coming from. I think it’s nice that they’re able to spark these types of conversations.
“I think these are very healthy conversations to have,” simulang tugon ng aktor.
Patuloy niya, “Yeah, siguro it’s more of a question of whether certain things should be shared on different platforms. I think ’yun ’yung pinag-usapan nila. It’s a good thing to talk about.
“I personally don’t think naman that she meant anything bad or intended to hurt someone. Baka masyado lang naging comfortable siya, you know?
“But I know this is just one of their first interviews, and it’s a learning experience for everyone. But ako, you know, I wish them all the best,” lahad ng ka-loveteam ni Belle Mariano.
Na-offend ba siya sa nangyari?
“Ano lang, hindi naman offended. Siguro mas awkward kasi alam kong makikita ko sila.
“Alam mo ’yun? We’re from the same network, you know? So, mas ’yun siguro,” pahayag pa ni Donny.
The post Donny Pangilinan feeling awkward sa ‘kinekeme dream’ ni Baby Dolls Juby appeared first on Bandera.
