Joscephine Gomez hinaras, binastos ng isang National Artist

Joscephine Gomez hinaras, binastos ng isang National Artist

USAP-USAPAN ngayon sa social media ang naging mabigat na pahayag ng Filipino artist Joscephine Gomez hinggil sa kanyang naranasan seksuwal na pang-aabuso.

Ang dapat sana’y gabi na para sa pagbibigay galang para sa yumaong kaibigan ay naging traumatic experience para sa Filipino artist.

Naganap ito noong 2024 kung saan kasama ni Joscephine ang kanyang mga kapwa poet para magbigay tribute para sa kaibigan pumanaw na kapwa makata rin.

Habang sila ay magkakasamang sa burol, isang  kilalang personalidad na nakaupo sa tabi niya sa unahang hanay ng mga upuan ang nagsabi ng hindi magandang biro.

Baka Bet Mo: Dessert resto binanatan dahil sa pag-ban kay Karen Davila

“Kung bata-bata lang itong si Joscephine, ni-rape ko na ‘to e!” saad ng naturang kilalang personalidad.

Isang ginagalang na National Artist ang nagsabi ng malaswang biro na pinili na lang niyang huwag pangalanan.

“How would you deal with a National Artist who jokes in front of many others about his desire to rape you?” saad ni Joscephine sa kanyang Facebook post.

Samantala, nakausap naman ng INQUIRER Entertainment ang Filipino soprano-poet at ikinuwentong pinili na lang niyang huwag itong pansinin noong mga panahon na ‘yun.

“If I reply to him, I would create a scene with my theater and operatic voice and thereby disrespect the occasion. I’m a Buddhist, and a true Buddhist does not react easily. We are trained to just note first, ” saad ni Joscephine.

Dagdag pa niya, “At inulit pa nya, exactly the same words, in the same instance.”

Ayon kay Joscephine, walang sinuman sa kanilang maliit na pangkat ang sumita sa lalaki, na tila dahil sa pagkabigla na ang isang taong lubos nilang iginagalang ay kayang magbiro ng ganoon.

“Feeling nya, wala siyang masamang sinabi. Mindless. Pwede naman na sinasadya nya. Nag aassume lang siya na pwede nya akong sabihan ng ganoon. Hindi ako mababa, hindi ako matitinag sa ganoon,” lahad pa ni Joscephine.

Samantala, marami naman ang naghimok sa kanya na pangaplanan kung sinong National Artist ang bumastos sa kanya.

Kabilang sa mga ito sina Pambansang Alagad ng Sining Patis Patis Tesoro, direktor sa teatro na si JN Nombres, aktor at direktor na si Bodjie Pascua, awtor na si Cecilia Brainard, kilalang alagad ng sining na si Ofelia Gelvezon-Téqui, direktor sa teatro na si Edna Mae Landicho, at mga kilalang personalidad sa public relations na sina Charisse Chuidian at Dynes Regner. 

Sa ngayon ay wala pa ring binabanggit na pangalan si Joscephine kung sinong National Artist ang bumastos sa kanya.

The post Joscephine Gomez hinaras, binastos ng isang National Artist appeared first on Bandera.

Source link