NASILAYAN muli sa publiko ang Queen of All Media na si Kris Aquino matapos nitong dumalo sa isang brand event, kasama ang kanyang anak na si Bimby Aquino.
Noong September 16, muling humarap sa mga camera si Kris nang dumalo isang special launch sa Taguig City.
Hindi naman basta-basta ang paglitaw ni Kris dahil ito ang una niyang public appearance matapos ang mahigit isang taon.
Huli siyang nakita sa isang public event noong February 2025 sa People Asia People of the Year Awards.
Baka Bet Mo: Kris Aquino: I’m no longer as ‘maarte’, for me pang-school library na
Sa event, nakipagkulitan at nakipagkwentuhan si Kris sa mga host na sina Macoy Dubs at Baus Rufo.
Kahit matagal na hindi nakikita sa mga ganitong okasyon, ipinakita ni Kris na hindi pa rin nawawala ang kanyang trademark na pagiging prangka at madaldal.
Isa pa sa naging kapansin-pansin sa event ang pakikipagkwentuhan niya kay Baus, na pinuri pa niya bilang host.
“You have a nice smile. You look like the type who is not mean,” sey ni Kris kay Baus.
Dagdag pa niya, “You look like when you’re hosting, ‘di ba some hosts they become known because they make fun of the people in the audience or the ones they’re interviewing, but you’re the type who uplifts the people you work with.”
Hindi rin pinalampas ni Kris ang pagkakataong magbahagi ng ilang kwento tungkol sa kanyang pinagdaanan nitong mga nakaraang taon, lalo na ang pagiging maingat niya sa kanyang kalusugan at sa mga taong nakapaligid sa kanya.
“Everyone around me, they’ve been so kind and so understanding that if it’s a small, confined space, […] they all wear masks. I really want to thank them for that,” sey ng Queen of All Media.
At kung may isang bagay na malinaw sa kanyang pagbabalik sa harap ng publiko, iyon ay ang kanyang determinasyon na magpatuloy.
“I’ve also realized that it’s important to fight— labanan mo,” sey niya.
Wika pa niya, “You don’t give up, and the reason you’re doing that is that you still want to be with your loved ones. Me, I really, really want to see Bimby fulfilling his dreams.”
Samantala, hindi rin nakaligtas sa kwentuhan ang pagiging abala ni Kris sa kanyang comeback matapos ang matagal na pananatili sa private life.
Magugunita nitong Agosto, naging bahagi rin si Kris sa isang Netflix campaign.
Para sa mga hindi aware, isa ito sa mga unang major on-camera projects ng TV host-actress matapos ang kanyang pahinga sa showbiz.
The post Kris Aquino muling bumandera sa publiko matapos ang mahigit isang taon appeared first on Bandera.
