43-anyos sa pakikipagrelasyon sa teenager: This is so nakakadiri!

43-anyos sa pakikipagrelasyon sa teenager: This is so nakakadiri!

Photo: Screengrab from Champ Moto & Nano Facebook

HOT topic ngayon ng mga Marites ang pakikipagrelasyon umano ng 43-anyos na lalaki sa isang teenager.

Usap-usapan sa social media ang mga litrato at video ng sinasabing magdyowa na napakalayo ng agwat ng edad sa isa’t isa.

Base sa viral post ng isang netizen, 43 years old na ang guy samantalang 17-anyos lamang (turning 18) ang kanyang karelasyong girlalu.

Kasunod nito, kumalat ang iba pang video at pictures ng dalawa kung saan makikita ang lantaran nilang PDA o public display of affection sa social media.

Mula ito mismo sa kanilang Facebook page na “Champ Moto & Nano” at TikTok account na “NA_NO.”

Ni-repost ng isang netizen sa ang video kung saan makikitang naghahalikan ang lalaki at ang umano’y menor de edad niyang dyowa habang magkasama sila sa swimming pool.

Mababasa sa caption, “This is so nakakadiri.. she is just 17.. and he is 43.. when he was 26 years old she was 1 year old.. how are we allowing this?” 

Hirit pa niya, “I don’t mind 50 and 30 years old together or even 70 and 30 years old together but 17 barely 18 girl with a 43 man is a slander! That girl is still a child!” 

Baka Bet Mo: Dingdong kontra sa pagpapakulong sa mga menor de edad

Sabi pa ng nag-post, wala naman siyang nakikitang problema sa relasyong may malaking age gap sa pagitan ng dalawang taong nagmamahalan na nasa legal age na.

May mga kumontra sa ipinaglalaban ng netizen pero mas marami ang sumang-ayon sa kanya habang ilang social media users naman ang nagtatanong sa reaksiyon ng mga magulang ng teenager na girl.

Narito ang ilan sa mga comments na nabasa namin.

“Alarming.”

“Asan nanay nito?”

“Imbis na ipasok sa school, iginala.”

“Ang dami pa nilang videos na ang cringe panoorin.”

“Anong sabi ng magulang nung babae?”

Sa isang FB post naman ng Champ Moto & Nano, tila sinagot nila ang kanilang mga bashers. Mababasa rito ang mensaheng, “Haters are always going to Hate, but LOVE will always prevail.”

Samantala, bukas ang BANDERA sa magiging paliwanag ng naturang magkarelasyon hinggil sa isyung ito.

The post 43-anyos sa pakikipagrelasyon sa teenager: This is so nakakadiri! appeared first on Bandera.

Source link