DIRETSAHAN nang sinagot ng Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang tungkol sa isang celebrity na “ikinulong” daw niya sa loob ng CR.
Napag-usapan sa guesting ni Marian sa “Gandang Gabi Vice” na ipinalabas kagabi, October 25, ang tsismis ng pagkandado raw niya sa isang aktres sa CR dahil sa pagseselos.
Walang binanggit na pangalan sina Vice at Marian pero pinaniniwalaang may konek ito sa tsismis noong September, 2010, na nangyari sa taping ng teleseryeng pinagsamahan noon nina Dingdong Dantes at Bela Padilla.
Tanong ni Vice Ganda kay Marian, “Is it an urban legend yung padlock padlock na yan dati? Did it really happen?”
Tugon ng wifey ni Dingdong, “Kung ang tanong mo ay nangyari ba talaga? Hindi.
“Paano mo gagawin ‘yon na ila-lock mo e, nasa loob ang lock? So, dalawa kaming nag-lock?” katwiran ni Marian.
Hirit uli ni Vice, “So the padlock thing never happened?”
“Never,” sagot naman ni Marian.
Sey pa ng Kapuso star, naging guest pa raw niya ang nasabing aktres sa programa niyang “Marian” noong 2014.
“‘Yung totoo niyan, maayos na kaming dalawa. Nag-sorry siya sa akin.
Baka Bet Mo: Bela Padilla ilang beses naospital dahil sa matinding stress: I lost my fight
“So, from there, alam niya na may mga nangyari na hindi naman talagang nangyari. Para sa akin, hindi ko na kailangan i-explain sa social media,” sabi ni Yanyan.
Sey pa ng aktres, nagdesisyon siyang manahimik na lamang sa loob ng maraming taon dahil feeling niya kahit magsalita siya ay paniniwalaan pa rin ng publiko ang gusto nilang paniwalaan.
“Okay na ako doon. Ang mahalaga, kapag nagkikita kami, okay na kami. At napatawad ko na siya,” sey pa ni Marian.
The post Marian Rivera sa ‘padlock’ isyu sa aktres: Napatawad ko na siya appeared first on Bandera.
