Mika Salamanca hinihintay ‘go signal’ ni Lord bago sagutin si Will Ashley

Mika Salamanca hinihintay ‘go signal’ ni Lord bago sagutin si Will Ashley

Mika Salamanca, Will Ashley

HINDI pa man tuluyang nakukuha ni Will Ashley ang matamis na “yes” ni Mika Salamanca, hindi naman siya nawawalan ng pag-asa na balang-araw ay maging opisyal na ang kanilang relasyon!

Sa ngayon, tila kay Lord muna ipinauubaya ni Mika ang desisyon kung bibigyan na ba niya ng pagkakataon ang aktor.

Sa panayam ng GMA News, diretsahang natanong ang dalawa kung ano na nga ba ang namamagitan sa kanila.

Aminado si Mika na hindi pa niya sinasagot si Will, pero mukhang bukas naman ang pinto para sa posibilidad na maging magkasintahan sila.

Baka Bet Mo: Mika Salamanca nganga lagi sa love: Kasi nu’ng bata ako give, give, give!

“Hindi pa,” nakangiting sagot ng aktres bago biruin si Will kung handa pa rin ba itong manligaw sa kanya.

“Kayang kaya,” kumpiyansang sagot naman ng aktor.

Pero ano nga ba ang hinihintay ni Mika bago tuluyang ibigay ang sagot kay Will?

Ayon sa aktres, gusto muna niyang maramdaman ang go signal mula sa Panginoon bago gumawa ng mahalagang desisyon sa kanyang lovelife.

“Hinihintay ko? Siguro ‘yung ibibigay sa akin na go signal ng Panginoon. Kasi mararamdaman mo po ‘yun,” sey niya.

May partikular na senyales na rin daw siyang hinihintay, pero tikom muna ang bibig niya tungkol dito.

Baka raw kasi kapag nalaman ni Will ang hinihintay niyang sign, gumawa ito ng paraan para matupad iyon at tuluyan nang makuha ang matamis na “yes” mula sa kanya!

Para sa aktres, gusto na niyang makahanap ng taong makakasama niya sa pangmatagalan.

“Tumatanda na tayo. Ang next na magiging ka-partner ko gusto ko [siya] na. Kasi pagod na po ako. Pagod na akong masaktan. Pagod na akong mag-fail,” sambit niya.

“Kaya pinapanalangin ko talaga sa Panginoon [na] ‘Kung may ibibigay ka Panginoon na next na tao sa akin, ibigay mo na ‘yung tama. Ibigay mo na ‘yung talagang makakasama ko’,” dagdag pa niya.

Magugunitang nauna nang nilinaw ni Will sa isang panayam kay Boy Abunda na nasa ligawan stage pa lamang sila at hindi pa opisyal na magkasintahan.

“Hindi pa, wala pa. Parang ano pa lang talaga, ligawan. Nandun pa kami sa ini-enjoy pa lang talaga namin eh sa ngayon ‘yung mga nangyayari sa mga buhay namin,” wika niya.

Kung matatandaan, nagsimula ang mas malalim na samahan nina Mika at Will nang maging housemates sila sa Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.

The post Mika Salamanca hinihintay ‘go signal’ ni Lord bago sagutin si Will Ashley appeared first on Bandera.

Source link