HINDI sumipot si Tito P ng “Machong Chismisan” sa naging imbitasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Martes, October 20.
Ito ay may kaugnayan sa kanilang kontrobersyal na “Ang Pagbabalik Ni Kris Aquino” podcast episode kung saan tinawag niyang walang kuwenta ang panganay na anak ng Queen of All Media” at ikinumpara pa niya ito sa kapatid na si Bimb.
Nagpadala na lamang ng sulat si Tito P sa pamamagitan ng kanyang abogado kung saan sinabi niyang hindi siya makakarating dahil baka lalong lumala ang kanyang kondisyon bilang siya ay may ADHD at Bipolar disorder.
Matatandaang nauna nang sinabi ng podcast host sa kanyang official statement na diagnosed rin siya bilang neurodivergent dahil mayroon siyang ADHD.
Baka Bet Mo: Tito P ng ‘Machong Chismisan’ inisyuhan ng subpoena ng NBI
View this post on Instagram
“We have to verify kung talaga bang diagnosed si Tito P na sinasabi niyang bipolar and ADHD kasi wala naman attachement ‘yung letter. So we love to see them,” saad ni John Darnell ng 1PWD Partylist.
Pagpapatuloy pa niya, “It will never be an excuse. So hindi po natin hahayaan na gamitin din ‘yung kapansanan para makalusot sila sa ginawa nila sa mga may kapansanan.”
Matatandaang ipinatawag ang mga hosts ng “Machong Chismisan” bilang parte ng kanilang imbestigasyon sa posibleng paglabag nila sa Republic Act No. 7277, o Magna Carta for Persons with Disability dahil sa mga komento kay Josh na may autism.
Sabi naman ni NBI Director Atty. Melvin Matibag, “Kung hindi man po sila dumating, ang pagbabasehan pa rin po natin dito ‘yung kanilang mismong podcast at tsaka ‘yung nangyari.”
Tanging si Lawrence Vibar ang dumating sa Cybercrime Division ng NBI, kasama ang kanyang legal counsel na si Atty. Pio Garayblas.
The post Tito P may ADHD, bipolar disorder kaya ‘di sumipot sa NBI appeared first on Bandera.
